Chapter 30
Umaga palang ng hahanda na sila para sa birthday ko. Nag handa lang sila ng mga pagkain na pag sasaluhan namin at may iilang dekorasyon silang nilalagay sa pool.
Hindi nila ako pinapatulong at mag pahinga nalang nila ako dahil kaarawan ko ngayon.
May iilan ding mga classmates ko na bumati sa'kin thru text, chats and social media isa na dun si Stacey.
Happy Birthday sa pinaka mabait na taong nakilala ko sa talang buhay ko. Sobrang swerte ko dahil nakilala kita. Masaya ako dahil kaibigan kita, mahal na mahal kita alam mo yan. Again Happy Birthday i wish a long life and everyday happiness. I love you Carrel Saavedra.
Sobrang nakakataba ng puso habang binabasa ko ang mga greetings nila, pakiramdam ko napaka special kong tao.
Lalo na kaninang umaga ginising ako ni Mommy at Daddy habang hawak nila ang cake at kumakanta pa ng happy birthday.
Ngayon lang yata yung Birthday ko na feel kong kumpleto na ako. Wala na ako mahihiling pa ngayong taon na yata ang pinaka maswerteng taon ko.
Dahil meron akong bagong kaibigan at meron akong mapagmahal na boyfriend.
Speaking of Sylvester hindi pa sya ng paparamdam simula kaninang umaga tinanong ko na si Ate Silver kung bakit ganun sya ang sabi naman nya baka daw may pakulo kaya hinayaan ko nalang.
Kung ano man ang pinagkaka abalahan nya ngayon siguraduhin lang nyang matutuwa ako.
Habang nasa kwarto ako pumasok si Ate Silver at parang may tinatago sa likod nya.
Masaya syang umupo sa kama ko tsaka nya inabot sa'kin ang paper bag na bitbit nya.
"Happy Birthday sister in law!"
Nakaramdam ako ng kilig at the same time hiya dahil sa tinawag nya sa'kin.
Binuksan ko ang paper bag na binigay nya.
"Ano to ate? Nag abala kapa"
Lumaki ang mata ko ng makita ko ang laman nun. Isa yung sling bag na may burda na kilalang brand.
"Omg ate ang ganda! Thank you!"
Lumapit ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.
"Anything birthday mo e"
"Anyway kailangan mo ng mag bihis may mga dumadating ng bisita"
Pag labas ni Ate naligo na ako agad sinadya kong tagalan sa cr dahil kinuskos ko ang balat ko para malinis hindi ko nga alam kung ilang beses ako ng sabon.
Sinuot ko ang sleeveless na silver dress na binigay sa'kin ni mommy kanina. Hapit na hapit sa katawan ko yun at kitang kita ang hubong ng katawan ko.
Isang ganap na talaga akong dalaga.
Nag pasya akong ipitan ang buhok at hinayaan ang iilang naka laylay doon.
Nag lagay din ako ng manipis na make up pero maganda parin tingnan.
Pinarisan ko ng white sneakers ang dress ko tsaka ako tumingin sa salamin at kinilatis ang kabuuan ko.
Ang ganda... dalaga na ako...
Saktong pag labas ko nakita ko si Ate Silver na siguro papunta sa kwarto ko.
Tiningnan nya ako mula ulo hangang paa.
"Dalagang dalaga ka na, sigurado akong mas maiinlove ang kapatid ko sayo"
"Nasan na nga pala yun?"
BINABASA MO ANG
Carrel Saavedra
Teen FictionCarrel Saavedra & Sylvester Fuentes Start: April 15, 2020