Chapter 12
Madalas na kaming ng kakasama ni Axel lalo na kapag nasa school dahil ako ang inatasan ng teacher namin na mag assist sa kanya, pero akala ko hindi kami mag kakasundo dahil sa nangyari noon pero mabait naman pala sya.
Nang kasundo kami dahil sa mga iilang bagay na parehas naming hilig gawin at naimpluwensyahan na din nya ako about sa photography.
"Kapag may travel sila Kuya Dranreb at Ate Silver sinasama ka nila?"
"Oo para maging photographer nila"
may halong pait ang tono nya.I laugh "Atleast nakakapag travel diba yun naman ang gusto mo?"
"Okay na siguro akong mag kulong sa kwarto mag isa kesa makita silang nasa harap ko tapos sweet" mas lalong mapait na sabi nya.
"Bakit hindi ka kasi mag girlfriend edi sana may nakakasama ka"
He looked at me.
"Tinangi mo ako diba? Edi sana may nakakasama na ako"
Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko.
"E-ewan ko sayo"
Ngumisi sya "Punta tayo sa coffe shop after class?"
"Bakit?"
"Date?" balik na tanong nya sa'kin.
"S-siraulo ka" nauutal ko na naman na sagot.
At sa pangalawang pag kakataon ngumisi lang sya pero kahit hindi nya ako tanungin alam kong buo na pasya nya na pumunta kami sa coffee shop mamayang uwian.
Nag paalam muna ako kay Axel na mag c-cr muna ako, habang ng lalakad ako sa corridor naka salubong ko si Sylvester.
Madalang nalang kami mag kita nitong mga nag daang araw dahil na rin si Axel ang palagi kong kasama at sya naman ay hinahabol ng mga babae.
Tumingin sya sa likod ko kaya pati ako napalingon na din.
"Mukang wala yung buntot mo ah" sarkastikong sabi nya.
Buntot?
"Sino?" nagtataka kong tanong
"Yung Goldman" daretso nyang sagot "You seems so close to him ah"
"Ah, sinasamahan ko lang, responsibilidad ko sya kasi sa'kin sya binilin ni Sir"
"How responsible are you" may halong pait sa tono nya.
Tinaas ko ang kilay ko "Eh ikaw nasan na yung mga buntot mo?"
Lumingon sya sa likod nya "Natakasan ko"
"Wow ang gwapo naman pala"
Umismid sya "Sabay tayo umuwi wag ka mag pahatid kay Goldman"
"Axel nga itawag mo sa kanya"
"Gusto ko Goldman"
I rolled my eyes.
"Hindi ako makakasabay sayo may lakad kami"
"Hangang sa labas ba pag a-assist mo sa kanya?" sarkastikong sabi nya.
"Bakit parang galit ka?" tanong ko.
"Tss"
Padabog syang umalis sa harap ko, sinundan ko sya ng tingin habang papalayo sa'kin. Problema nun?
"Malapit na ang exam nyo, make sure nakakapag review kayo" paalala samin ni Sir bago sya umalis.
Inayos ko na ang gamit ko at nilagay yun sa bag.
BINABASA MO ANG
Carrel Saavedra
Teen FictionCarrel Saavedra & Sylvester Fuentes Start: April 15, 2020