Chapter 27
Hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi ko kahit nasa bahay na ako, alam na nila mommy maging ni Tita Ester actually expected na daw nila yun bata palang kami pero ang pinaka masaya sa kanila si Ate Silver dahil sa wakas daw nagka aminam na kami.
Pero wala na yatang mas sasaya sa'kin, ngayon ko lang to naramdaman sa mga ng daan kong boyfriend never ko to nadama.
Matagal na kaming magka kilala ni Sylvester at madami na rin kaming napag samahan pero mas marami pa akong gustong gawin kasama sya hindi bilang bestfriend kundi bilang isang boyfriend.
I blushed, nag maisip kong boyfriend ko na ang bestfriend ko.
Hindi ko akalain na hahantong kami sa ganitong posisyon.
At ngayong gabi hindi ko alam kung makakatulog ba ako dahil may date kami bukas as a boyfriend and girlfriend.
Hindi ko maiwasang mag pagulong gulong sa kama ko dahil sa sobrang excitement.
Kinabukasan naka tangap ako ng text kay Sylvester na nasa labas daw sya ng bahay at meron daw syang gustong bigay.
Nag ayos ako sa harap ng salamin dati naman hindi ako ganito kapag haharapin ko sya.
Pag labas ko nakita ko syang naka sandal sa gate at may hawak na tupperware, lumapad ang ngiti nya ng makita ako at tsaka sya lumapit sa'kin.
Inabot nya ang dala nya.
"Ano to?"
"Ulam pinapabigay ni mommy"
Tumango tango ako tsaka nag tatakang tumingin sa'kin.
"Bakit pala hindi ka pumasok sa loob?" i asked
Daretso syang tumingin sa'kin.
"Sa tingin ko hindi maganda tingnan, nasanay tayo nung bata tayo na palaging magkasama pero ngayon para hindi na pwede"
Pilya akong tumingin sa kanya.
"You are really old school" sabi ko sabay ngisi.
"What?"
"Nothing, i think i need half and an hour to prepare"
Nakita kong kumunot ang noo nya.
"Ha? Half and an hour? Bilisan mo nalang magbihis para makaalis na tayo"
"Excited lang? This is our real first date! Hindi mo talaga alam mga nasa isip ng babae"
Tumalikod na ako sa kanya at mabilis na pumasok sa loob namin.
Nilapag ko agad ang ulam sa lamesa at dumaretso na sa kwarto, naligo ako agad.
Hindi nawala ang pagka sabik ko sa mangyayari ngayong araw.
Naisipan kong mag dress ngayon kaya sinuot ko ang matagal ko ng hindi nasusuot na pink pastel kong dress at pinaresan ko yung ng sandal na may konting heels.
Pag labas ko ng bahay nakita kong nakaabang ulit si Syl habang nasa harap ng kotse nya.
Umikot ako sa harap nya para ipag malaki ang suot ko.
"How am i look?" nakangiti kong tanong sa kanya.
Tiningnan nya ako mula ulo hangang paa habang naka kunot ang noo at naka pamewang pa.
"Mag palit ka" utos nya.
"What?"
"Go in and change it quickly!"
Hinawakan nya ang balikat ko patalikod at tinulak tulak pa ako papasok sa bahay.
"Bakit pangit ba?!" bulyaw ko sa kanya.
"Hindi!"
"Eh bakit mo ako pinagpapalit?"
Muli nya akong tinulak papasok.
"M-masyadong maganda kaya mag palit ka"
Nag mamadali akong pumasok ulit sa loob, sobrang init ng muka at ang bilis din ng tibok ng puso ko.
Wala akong nagawa kundi mag palit nalang, nag suot ako ng denim pants at t-shirt at pinaresan ko yun ng white sneakers.
Ngayon ay nasa kotse na kami, gusto kong maawa sa kanya dahil sa tuwing kasama nya ako hindi sya pwede mag motor yun ang bilin ni Daddy.
"Pwede ka naman mag motor kapag kasama ako"
Umiling sya habang naka tuon parin ang mata sa kalsada.
"Ayaw ko sirain ang tiwala sa'kin ni Tito"
I smiled "Biro lang naman, alam ko naman na miss mo na ang motor mo"
Tumingin ako sa kanya at nilapit ang muka ko sa muka nya at halos naka patong na ang baba ko sa balikat nya.
"Motor o Ako?"
Naiilang syang tumingin sa'kin dahil sa sobrang lapit at maging ako ay naka ramdam din ng hiya kaya agad akong lumayo.
Halos mapapikit ako dahil sa kahihiyang ginawa ko.
Ganun nalang ang pagkabigla ko ng hawakan nya ang kamay ko.
"Ikaw, yan ang sagot ko sa tanong mo"
Biro lang naman yung tanong ko kanina pero ang sagot nya ay seryoso at ang lakas ng epekto sa'kin nun.
Dinala nya ako mall ang sabi nya sya ang bahala sa araw na to dahil planado na nya to.
Habang ng lalakad kami may pamilyar na tatlong lalaki kaming nasalubong huminto sila sa harap ko.
"Carrel Saavedra?" tanong ng isa.
Pilit kong inaalala kung saan ko ba sila na kita.
"S-sorry?"
"Aww nakalimutan muna kami sabagay matagal na rin yun, nag kasama na tayo before sa dance group nung elementary"
Bumalik sa'kin ang mga alaala na yun.
"Oo nga! Sorry naka limutan ko na. Kamusta na kayo? Nakakatuwa naman dahil mag kakasama parin kayo"
Tumawa silang tatlo "Oo nga eh minsan ng kakasawaan na din kami"
Sabay sabay kaming tumawa pero natigil yun ng may biglang umubo.
Lumingon ako sa katabi ko.
"Ahm Si Sylvester nga pala boyfriend ko"
Kinabig ni Syl ang balikat ko at nilapit ako sa kanya.
Nag paalam na din ang tatlo samin dahil may pupuntahan pa daw sya.
Hindi parin inaalis ni Sylvester ang pagkaka akbay sa'kin.
Palihim akong tumawa dahil kanina pa naka kunot ang noo nya.
"Yung tatlong yun o ako?" hindi ko inaasahang tanong nya.
Pilit kong pinipigilan ang tawa ko dahil seryoso ang muka habang tinanong yun.
"Syempre ikaw" malamis kong sabi.
Tumaas ang gilid ng labi nya.
"Tsh"
To be continued...
BINABASA MO ANG
Carrel Saavedra
Teen FictionCarrel Saavedra & Sylvester Fuentes Start: April 15, 2020