Chapter 8
"Carrel and Sylvester are dating"
Hawak ko ang phone ko habang ng sscroll sa fb ko, napadaan ano sa post na to.
Hindi ko kilala yung ng post pero sigurado akong taga school to. Tiningnan ko yung comments.
"After Gavin then Sylvester?"
"Omg bagay naman sila ah🙊"
"Matagal ko ng napansin yan"
"Perfect couple!🙈"
"Napansin ko din naman yan matagal na pero hindi ko naman pinost😏"
Napaka-kamot nalang ako sa batok ko dahil sa nababasa ko. Lumalala na yung paguusap nila tungkol samin, hindi naman sa ayaw ko pero kakaiba lang sa pakiramdam dahil magkaibigan lang talaga kami.
Nilapag ko na ang phone ko sa kama at nahagip ng mata ko yung bag, doon ko naalala yung camera.
Kinuha ko ang kalas kalas na camera, hindi ako masyadong familiar sa camera na ito pero sinubukan ko parin.
Hangang sa nabuo ko sya at sinubukang buksan, gumaan ang pakiramdam ko ng umilaw yun.
"Hindi naman pala sira" sabi ko sa sarili ko.
Tiningnan ko yung mga pictures doon more on about sa nature at pansin ko din na mahilig syang mag travel at ang gaganda ng mga kuha nya.
BINABASA MO ANG
Carrel Saavedra
Teen FictionCarrel Saavedra & Sylvester Fuentes Start: April 15, 2020