Chapter 17

309 24 4
                                    

Chapter 17

"Mommy mag babaon nalang po ako ng pagkain hindi na po ako bibili sa canteen" paalala ko kay mommy bago ako umakyat ng kwarto para matulog na.

"Ha? Bakit naman? Hindi na ba masarap pagkain sa school nyo?"

Tumango ako "Nakakasawa na po"

Tuluyan na akong umakyat sa kwarto, simula bukas sasamahan ko na si Stacey kumain hindi dahil naaawa ako sa kanya kundi dahil gusto ko talaga sya maging kaibigan.

Minsan naisip ko bakit wala akong babaeng kaibigan? Palaging si Sylvester nalang ang kasama ko nakakatakot ba ako lapitan?

Kinuha ko ang phone ko sa lamesa at bumungad sa'kin ang parehas ang text ni Axel at Sylvester na "I'm sorry"

Uminit lang naman yung ulo kanina kasi imbis na tulungan nila ako ng away pa sila sa harap ko pero naayos ko na naman kaya okay na ako.

Parehas ko silang nireplyan ng "it's okay" at pinatay na ang phone ko saka natulog.

Kinabukasan sabay kaming lumabas ni Stacey para mag lunch sa rooftop nung una nahihiya pa sya sa'kin pero pinilit ko sya at kasama din namin si Axel na mukang kanina pa ng tataka.

Umupo kami sa sahig nilabas ko na ang pagkain na hinanda ni manang.

Tatlong layers yung pagkain may kanin may iba't ibang ulam at may prutas din.

Nakita kong nahihiyang buksan ni Stacey ang kanya kaya ako na ang ng bukas nun at nakita kong tortang talong ang ulam nya.

"Wow penge ah"

Hindi ko na hinintay ang sasabihin nya bigla nalang ako kumuha. Inusog ko ang pagkain ko sa kanya.

"Kuha ka madami naman to"

Tumingin ako kay Axel at tinuro ang pagkain ko tsaka sya binigyan ng kutsara.

"Kain kana rin" sabi ko.

Iling iling nyang tinangap ang kutsara at sumubo na rin ng pagkain ko samantalang ang pagkain ni Stacey naman ang kinakain ko.

Habang kumakain kaming tatlo dumating si Sylvester na hingal na hingal at masamang tumingin sa'kin.

"Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala" sabi nya habang hinahapo.

"Bakit mo ako hinahanap" sabi ko habang may pagkain sa bibig kaya muntik na ako mabilaukan buti nalang inabutan ako ni Axel na tubig.

Tumabi samin si Sylvester at tiningnan ang mga pagkain namin hangang sa natigil ang tingin nya sa kinakain ko.

"Diba al—"

Hindi nya tinuloy ang sinasabi nya dahil tinakpan ko ang bibig nya.

Ngumiti ako kay Stacey na ng tataka ganun din kay Axel na masama na naman ang tingin kay Sylvester.

Inagaw ni Sylvester ang kinakain ko pati na rin ang kutsara ko at inubos ang laman nun.

"Yan ang kainin mo" sabi nya sabay turo sa pagkain na hinanda ni manang.

Inirapan ko nalang sya at uminom ng tubig.

"Pres. gusto mo pumunta sa coffee shop after class?" yaya ko sa kanya.

Nahihiya syang umiling "P-pupunta ako sa library para mag aral"

Tumango tango ako "Okay sasama ako"

"Hindi naman kailangan" pigil nya sa'kin

"Gusto ko rin mag aral" sagot ko.

Tumingin ako sa dalawang lalaki na ngayon ay takang taka sa inaasal ko.

"Kailan ka pa natutong mag aral?" manghang tanong ni Sylvester.

"Hoy nag-aaral ako no! Gaya mo ako sayo na hindi na aalis sa section B" sagot ko sa kanya.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Stacey pero pinigilan nya yun ng napa tingin kami sa kanya kaya nilakasan ko ang tawa ko.

Narinig ko rin tumawa si Axel dahil dun sinamaan sya ng tingin ni Sylvester at tinapat pa ang tinidor na hawak nya sa muka ni Axel.

"Anong karapatan mo para tumawa?"

Nilabanan naman sya nito at tinapat din ang hawak na kutsara sa muka ni Syl.

Mas lalong lumakas ang tawa naming dalawa ni Stacey dahil para silang bata na ng aaway. Tumingin ako kay Stacey ngayon ko lang sya nakita naka ngiti o tumatawa madalas kasi syang seryoso pero ngayon nakukuha na nyang ngumiti.

Pag katapos ng namin kumain bumalik na kami sa room at habang ng kaklase bigla ako naka ramdam ng sakit sa tiyan.

Nanginginig ang katawan ko at pinagpapawisan ako nakakaramdam din ako ng hilo.

Humawak ako sa tiyan ko at tinaas ang kamay ko saktong napatingin ang teacher namin sa'kin.

"Sir may i—"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil ng dilim na nag paningin ko at hindi ko na alam kung ano nangyari.

Nagising nalang ako sa isang puting kwarto at may naririnig akong hikbi.

Unti unti kong minulat ang mata ko at bumungad sa'kin si Stacey na pulang pula ang ilong at mata dahil sa kakaiyak.

"C-carrel b-bakit mo ginawa yun.." naiiyak nyang sabi.

Mahina akong tumawa "N-nakalimutan ko kasing may allergy pala ako doon. Kasalanan ko yun wala kang kasalanan"

Mas lalong syang umiyak ng malakas na parang bata, maya maya rin dumating ang nurse at chineck ako.

Okay na naman daw ako dahil hindi naman daw madami ang nakain ko kaya pwede na ako umuwi.

Okay na rin ang pakiramdam ko hindi na rin masakit ang tiyan ko.

Inalalayan ako ni Stacey na mag lakad habang akay akay nya ako lumapit samin si Sylvester at sya na ang ng akay sa'kin.

Sabay sabay kaming lumabas ng school at napansin ko ding bitbit na ni Syl ang gamit ko.

Nang paalam na ako kay Stacey kita parin ang konsensya ang mata nya pero sinabi ko na wala syang kasalan dahil ako naman ang ng pumilit kainin yun.

Sumakay na ako ng kotse ni Sylvester at napansin kong hindi nya dala ang motor nya.

"Himala hindi ka naka motor" sabi ko pero hindi sya umimik.

Buong byahe wala ako narinig na salita kay Sylvester, naka kunot ang noo nya habang naka tingin sa daan.

"Galit kaba? Ano na naman nagawa ko?" tanong ko.

Pero hindi na naman sya ng salita hangang sa nakarating na kami sa bahay.

Hindi muna ako bumaba ng sasakyan at muli akong bumaling sa kanya.

"Hoy kausapin mo naman ako!"

Laking gulat ko ng hampasin nya ang manobela at daretsong tumingin sa'kin.

I saw anger and frustration on his eyes.

"Hindi mo manlang inisip yung sarili mo bago mo kinain yun!?" galit na galit nyang sabi.

"Hindi mo ba alam kung gaano ako ng alala?

Pinag alala mo na naman ako Carrel!"

to be continued...

Carrel SaavedraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon