Chapter 3
"CARREL PRACTICE NA!"
Sigaw sakin ng mga ka group ko kaya patakbo akong bumalik sa kanila.
Nag simula na ulit kami mag practice basic lang naman yung ginawa namin para hindi mabigla ang katawan namin.
"Kailan na ba ang Sport fest? Nakakaloka sila bigla bigla nalang pinapaaga tayo tuloy nahihirapan"
She's right hindi manlang kami na inform ng maaga para kahit papaano maaga kami ng practice, ang mas nakakaawa dito ang mga basketball players.
"I'm sure pressured na sila Gavin dahil last game na nila to at malapit na sila grumaduate kaya dapat nila tong ipanalo" sabi pa ng isang kagroup ko.
Alam kong sobrang mahalaga kay Gavin ang basketball bago ko pa sya nakilala member na sya ng team.
Habang ng papractice kami lumapit sakin yung isa kong kagroup.
"Carrel look oh nakatingin sila sa legs mo" bulong nya sakin.
Tumingin ako sa tinuro nya sakin at nakita kong nakatingin ang mga kateam nila syl sakin at ng bubulong bulungan pa.
Hindi ko gusto kung pano nila tingnan ang hita ko at may kasama pang nakakalokong ngiti.
Mga bastos!
Nakita kong tumabi sa kanila si Gavin at may bumulong dito tsaka muli silang tumingin sakin.
Pabirong sinuntok nya to at tumawa rin tsaka kumaway sakin.
Ang kinagulat ko ng suntukin ni Sylvester si Gavin kaya mabilis akong tumakbo papunta sa kanila.
"Gago ka! Wala ka manlang gagawin pinag pipiyestahan na ng mga gagong to ang hita ng girlfriend mo! Tangina mo!"
Lumapit ako kay Gavin na naka upo sa sahig habang hawak ang labi nyang may dugo at masamang naka tingin kay Sylvester.
Hindi ko sya napigilang tumayo at lumapit kay Sylvester tsaka nya to sinuntok.
"Gavin tama na!"
Paulit ulit sila ng susuntukan at walang gustong mag paawat tumingin ako sa mga ka team nila mga nanonood lang hinanap ko ang coach nila pero wala ito.
"SYLVESTER! GAVIN TAMA NA!"
Sigaw ko sa kanila pero hindi ko sila napigilan.
"Gago ka pala eh!! Tinitingnan lang diba!? Hinawakan ba ha!?"
Muling sinuntok ni Gavin si Sylvester at ngayon sya naman ang napaupo sa sahig.
Kinuha ko ang pagkakataon na yun para lumapit kay Gavin at niyakap sya sa likod para umawat dahil kung hindi ko pipigilan si Gavin alam kong mapupuruhan si Syl.
"Tama na please!"
Tumigil sya sa pag sugod, hinawakan ko ang naka kuyom nyang kamao at humarap ako sa kanya.
"Tama na p-please" halos bulong ko nalang na sabi.
Hinawakan nya ang pisngi ko at pinunasan nya ang luha kong hindi ko namalayan.
"Shhhh"
Pinalibot nya ang braso nya sa bewang ko at humarap kami kay Sylvester.
Naka upo parin sya sa sahig at masama syang tumingin sakin.
Gusto ko sya lapitan lalo na ng makita ko merong dugo sa pisngi nya pero pinigilan ako ni Gavin.
Marahas na tumayo si Sylvester pinunasan nya ang dugo sa pisngi nya gamit ang kamay nya.
BINABASA MO ANG
Carrel Saavedra
Teen FictionCarrel Saavedra & Sylvester Fuentes Start: April 15, 2020