Chapter 18

354 20 4
                                    

Chapter 18

Sa mga ng daang araw mas lalo kaming naging close ni Stacey at minsan minsan na lang sya mahiya sa'kin, si Axel naman ay pursigido parin sa panliligaw sa'kin bumalik na sya sa dati na palagi akong sinusundo at hinahatid samantalang si Sylvester naman ay abala sa pag practice ng basketball dahil may sasalihan sila competition at minsan nakikita silang mag kasama ni Amanda.

Habang nasa library kami ni Stacey may ng lapag ng kape sa harap ko lumingon ako doon at umupo sya sa harap ko maging si Stacey ay natigan din sa pag babasa.

"Mag aaral ka din?" tanong ko kay Axel

Nilagay nya ang kanya kamay sa kanyang baba at tumitig sa'kin

"Gusto lang kita makita" mahinang sabi nya pero sapat na para marinig ko.

Narinig ko ang tukso samin ni Stacey, maging ako ay hindi ko maiwasang mamula at kiligin.

Tinuloy namin ang pagaaral sa totoo lang hindi ako pumupuntang library dahil mas gusto kong mag aral sa bahay pero masaya din pala mag aral dito lalo na kung may kasama ka.

Bumalik na kaming tatlo sa room pero nakaka pagtaka dahil habang papunta kami may mga matang naka tingin samin at minsa ay ng bubulong bulungan pa sila.

Pag dating namin sa room nakita kong naka tayo ang mga classmates namin at lahat sila ay naka tingin sa pinto na parang may hinihintay at nangunguna doon si Amanda.

Uupo na sana ako sa upuan ko pero nagulat ako ng hilahin ni Amanda si Stacey mabilis akong pumagitna sa kanila at hinila si Stacey papalapit sa'kin.

"Ano na naman bang problema mo?"

Pinagkrus nya ang kanya braso at mataray na tumingin sa'kin.

"Ang hilig mo talagang makiilam no?"

Bumaling ang tingin nya kay Stacey "Congratulations President dahil nasa rank 1 ka na naman ...

pero hindi na kami mag tataka dahil nangopya ka lang naman "

Lumaki ang mata ko sa sinabi nya, narinig kong ng tatawanan ang mga classmates ko at maging sa ibang section ay nakikisali na rin.

Tumingin ako kay Stacey nakita ko ang takot sa mata nya at unti unti na syang umiyak.

Matapang akong tumingin kay Amanda "Hindi totoo yan!" sigaw ko sa kanya at tinaasan nya ako ng kilay.

"Pag tatangol mo pa, hindi nga nya pag tangol ang sarili nya at na gawa pang umiyak? Ano girl guilty ka?"

Mas lalong lumakas ang tawanan walang nagawa si Stacey kundi ang tumalikod samin kaya agad ko syang sinundan.

Hinawakan ko ang kamay nya para pigilan sya pero marahas nya yung binawi na kinagulat ko ko.

Nakita ko ang talim ng tingin nya sa'kin "I trusted you, akala ko kaibigan na kita pero katulad kalang pala nila"

Umiling ako "Hindi.. hindi ako ang ng sabi! Hindi ko sinabi sa iba "

"Pero ikaw lang ang may alam nito!"

Muli akong umiling pero tuluyan na nya akong iniwan. Kumuyom ang kamao ko at mabilis na bumalik sa room tsaka ko pinuntahan si Amanda.

"Sino ng sabi sayo ha? At bakit kailangan ipagkalat mo pa? Gusto mo talaga sikat ka no? Gusto mo talaga pinag uusapan ka !"

Tumayo sya sa pagkakaupo at nilabanan ako ng tingin "Bakit parang ako pa ang may kasalanan sino ba ang ng cheat? Ako ba?"

Mas lalong uminit ang ulo ng ngumiti sya hindi nya alam kung gaano katagal ko ng gustong burahin yang ngiting yan dahil bruha sya!

Carrel SaavedraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon