Chapter 29
Iniwan ko muna si Sylvester dahil pumunta akong Cr at pag labas ko tumingin tingin ako sa paligid at ng makita ko syang naka talikod lumapit ako agad at pinulupot ko ang braso ko sa braso nya.
"Let's go?"
Hindi sya umalis sa kinatatayuan nya kaya napa tingin ako sa kanya.
"Do i know you?"
Ganun nalang ang gulat ko kaya inalis ko ang braso ko sa braso nya.
Napahawak ako sa bibig ko dahil kamukang kamuka nya si Sylvester!
Ang mata, ilong, bibig maging ang kanilang kulay ay parehas.
"Excuse me?"
Pero ang pinagka iba lang nila ay mukang masungit tong isa parang laging galit.
"Caleb!"
Parehas kaming tumingin sa tumawag sa kanya.
Lumapit ito samin at ang mas kinagulat ko ay may kamukha sya.
Tumingin sa'kin yung babae maging sya ay nagulat din pero inakbayan agad sya nung Caleb kaya hindi na sya naka pag salita.
"Kamukha ko sya!" rinig kong sabi ng babae.
"Mas maganda ka Camila" sagot naman nung Caleb.
Aba talaga naman!
Umiling iling ako at hinanap si Sylvester, nakita ko syang naka tayo at naka tingin parin sa langit.
Lumapit ako sa kanya agad.
"Hindi ka maniniwala sa nakita ko, meron kang mamukha doon kanina tapos may kasama syang kamukha ko naman" mangha kong kwento sa kanya.
Inakbayan nya ako at tuluyan na kaming ng lakad.
"For sure mas gwapo ako doon"
"Oo naman ang sungit kaya ng isang yun"
Parehas kaming tumawa ng malakas. Sobrang memorable ng araw na to at sana may susunod pa.
Nasa bahay namin sila Ate Silver at Tita Mommy dahil nag hahanda din sila para sa birthday ko kinabukasan.
Hindi naman ingrande ang pinaplano nila kagaya ng sabi ko, ang sabi ko kahit maliit na salo salo lang.
Ako naman ay nasa sala habang hawak ang phone ko at ka-text si Sylvester, wala sya ngayon meron silang practice ng team.
Kumain kana ba? tanong ko.
Kanina pa po, mga ilang tanong mo na yan?
Ayaw ko lang na magutom ka.
Carrel pag tinuloy mo pa yan aalis na ako dito at uuwi sayo.
I cleared my throat, kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiti ko.
Grabe talaga yung epekto sa'kin ni Sylvester, sa lahat ng naging boyfriend ko kay Sylvester ako pinaka inlove.
Mahal na mahal ko sya at iisipin ko palang na mawawala sya parang maiiyak na nako.
Umiling ako, hindi ko dapat to iniisip. Masaya ako masaya sya at masaya kami yun ang mahalaga.
Lumapit sa'kin si Ate Silver.
"Is it okay na i-invite ko si Dranreb?"
"Oo naman ate, bakit naman hindi?"
"You know naman kapatid nya si Axel"
I smiled "Okay na ako ate masaya na ako"
Mahina syang tumawa "Masaya din ako para sayo, para sa inyo ng kapatid ko"
Hinawakan nya ang kamay ko.
"Seryoso ako I'm happy to the both of you, sana tumagal pa kayo at sana mahalin nyo ang isa't isa"
"Ate naman parang ikakasal naman ako nyan"
"Hoy anong ikakasal inunahan nyo pa ako"
Nag usap pa kami ni Ate Silver tungkol sa kanila ni Kuya Dranreb, hindi ko alam na nagka problema pala sila recently pero naayos naman nila agad.
Sana ganun din kami ni Sylvester kapag magkakaproblema kami.
Kinahapunan samin na kumain sila Ate Silver, habang nasa sala ako ng biglang pumasok si Sylvester na tila pagod na pagod.
Pabagsak syang umupo sa tabi ko at pinulupot ang braso sa bewang ko tsaka siniksik ang mula nya sa leeg ko.
Nakakaramdam ako ng kiliti sa tuwing hihinga sya at tumatama yun sa leeg ko.
"Ano ba pawis ka kaya"
"Saglit lang"
Ganun nalang ang gulat ko at bilis ng tibok ng puso ko ng tumama ang labi nya sa leeg ko.
Hindi ko na sya kinausap dahil baka maulit na naman.
Hinayaan ko sya sa ganung posisyon hangang sa makapag pahinga sya.
Nang maka bawi sya ng lakas umalis sya sa pagkaka dantay sa'kin tsaka tumingin sa'kin.
"Happy birthday" matamis nyang sabi.
I laughed "Bukas pa po"
"I know gusto ko lang ako ang unang babati sayo"
Hinawi ko ang buhok nyang medyo magulo.
"Thank you, parang hindi naman tayo mag kikita bukas"
He hold my hands "I love you okay? Ikaw lang ang mahal ko at mamahalin ko. Sobrang mahal kita alam mo ba yun?"
Tumango ako habang ngingilid ang luha sa mga mata ko.
"Let me tell you this again.
I love you"
Hinawakan nya ang mag kabila kong pisngi at pinagdikit ang noo namin.
"I love you" muli nyang sabi tsaka nya ako hinalikan sa labi.
To be continued....
BINABASA MO ANG
Carrel Saavedra
Teen FictionCarrel Saavedra & Sylvester Fuentes Start: April 15, 2020