Tatlong araw na rin nung huling araw na makita ko si Sylvester meron kasi silang tournament kasama ang team nya sa basketball.
Ang huling text nya sa'kin.
5 days lang Carrel, wait for me at wag mo ako masyadong mamimiss baka umuwi ako agad.
I rolled my eyes, napaka hangin talaga ng lalaki na yun as if naman na mami— yes miss ko na sya.
"Hindi ba masarap?" bumalik ako sa kasalukuyan ng mag salita si Stacey.
Kumakain kami ngayon sa rooftop gaya ng dati pagkain ko ang kinakain nya at yung kanya naman ang akin.
"Masarap!" sabi ko sabay subo.
"Namimiss mo na sya no?"
Tumango ako.
"Hindi pa rin ba ng tetext?"
Umiling ako.
"Baka busy pero kahit na dapat ng tetext parin sya o kaya baka ng papamiss"
"Kung ng papamiss nga sya, effective"
"Ano balak mo pag dating nya?"
Muli akong subo ng pagkain habang ng iisip.
Nagkibit balikat ako sa kanya.
"You know what dapat umamin kana. Bakit ba natatakot ka na aminin ang feelings mo e gusto ka din naman nya"
"Hindi ba weird na bestfriend ko boyfriend ko na?" i asked
"Hindi naman"
Yes i like him too, pero natatakot ako sa magiging reaksyon ng mga pamilya at mga nakakakilala samin.
After class pinilit kong pumunta kami ni Stacey sa mall sa una ayaw nya dahil may gagawin pa daw sya pero sabi ko minsan lang naman to.
"Ano gagawin natin dito?" tanong nya.
Hinila ko sya papunta sa salon at agad ko sya pinaupo sa harap ng salamin.
"Hi Carrel long time no see"
Sabi sa'kin ni mama belle, suki na nila kami ni mommy dito kaya medyo kilala na.
"Mama belle pakiayusan po itong friend ko maganda na yan pero parang may kulang" sabi ko.
Lumingon sa'kin si Stacey at may pangamba sa muka nya pero nginitian ko sya para sabihin akong bahala sa kanya.
Inumpisahan ng ayusan ni mama belle si Stacey habang ako ay naka upo at nanonood sa kanya.
Maganda ang intensyon ko kung bakit ko pinapaayusan si Stacey yun ay para tumaas ang confident nya.
Alam kong maganda na sya pero may mas igaganda pa sya hindi lang sya matalino pero meron din syang ganda.
Unang inayos sa kanya yung buhok nya na palaging naka tali hindi ko pa nakitang naka lugay yun, sumunod naman ang mga kuko nya sa paa at kamay.
Habang hinihintay ko si Stacey kinuha ko ang phone ko sa bag at tiningnan kung may text si Sylvester pero wala.
Imposible naman na hindi sya maka text sa'kin kahit saglit lang dahil sigurado akong may break time sila tska bago matulog pwede naman mag text.
Muli kong tinago ang phone ko sa bag ng makita kong tapos na si Stacey. Lumapit ako sa kanya.
"Ang ganda mo" mangha kong sabi.
Nahihiya syang ngumiti sa'kin.
"Carrel wala akong pangbayad"
Tinapik ko ang balikat nya "It's okay sagot ko to, ako ang ng dala sayo dito eh"
Pag labas namin sa salon tumingin ako sa muka nya.
"Kailangan ba talaga naka salamin ka?" tanong ko.
Hinawakan nya salamin nya "Oo medyo malabo na ang mata ko eh"
Agad ko syang hinila sa may optical shop.
"Carrel hindi na kailangan.. please nahihiya na ako"
"No Stacey i insist, gusto ko to tsaka sapat na kaibigan kita okay na ako doon"
Mag kumapit saming staff at tinulungan kami pumili ng contact lens, naka pili na sya na medyo natural lang.
"Thank you talaga carrel ah, hindi naman talaga kailangan to kasi kontento na ako sa itsura ko"
"Ano kaba wala yun, tara kain na tayo"
Dahil nahihiya na talaga si Stacey na hindi naman dapat sa jollibee nalang kami kumain at ng take out na rin ako.
Habang kumakain kami hindi ko maiwasan hindi maalala si Sylvester dahil palagi kaming kumakain dito.
"Ikaw na kaya tumawag" sabi ni Stacey.
"Ayaw ko nga" pag mamatigas ko.
Narinig ko ang malalim nyang bugtong hininga.
Pagkatapos namin kumain hinatid namin ni manong si Stacey sa bahay nila pero ng pababa nalang sya sa kanto nila.
Bago sya bumaba binigay ko sa kanya yung tinake out ko kanina.
Nagtataka syang tumingin doon at sa'kin.
"Para sa mga kapatid mo" nakangiti kong sabi.
"Carrel.."
Nakita ko ang pangingilid ng luha nya.
"Kaibigan kita remember?"
Lumapit sya sa'kin at agad nya ako niyakap.
"I'm so lucky to have a friend like you"
"Maswerte din ako"
Inalis na nya ang pagkakayakap sa'kin.
"Thank you"
"You're welcome"
Tuluyan na syang lumabas ng kotse at ng mamadaling pumunta sa bahay nila, nakita ko naman na sinalubong sya ng mga kapatid nya.
Pag dating ko samin nakita kong kakababa lang din ni Ate Silver at Kuya Dranreb sa kotse nila kaya lumapit ako doon.
"Hi ate, Hi kuya"
"Hi Carrel" bati sa'kin ni kuya.
"Ate hindi ba tumatawag or ng tetext sayo si Sylvester?"
"Hmm kakatawag lang nya sa'kin kanina bakit?"
Agad ako nakaramdam ng lungkot.
"A-ah w-wala sige po papasok na ako"
Nag paalam na ako sa kanila at matamlay na pumunta sa kwarto, agad ako humiga sa kama at tinitigan ang phone ko.
"Hindi ka manlang ba tatawag sa'kin? Bakit ganyan ka!"
Hindi ko alam pero naluluha ako, sobra ko na syang miss dati naman wala akong pakiilam kahit umalis sya ng ilang araw pero ngayon sobra ako nalulungkot.
Syl...
To be continued...
BINABASA MO ANG
Carrel Saavedra
Teen FictionCarrel Saavedra & Sylvester Fuentes Start: April 15, 2020