Chapter 20

307 22 4
                                    

Chapter 20

Pag baba ko palang ng kotse bumungad na agad sa'kin si Axel.

Hindi ako tumingin sa kanya pero ramdam ko ang presensya nya. Iniwasan ko sya at ng patuloy sa pag lalakad na parang walang nakikita.

"Carrel let me explain please?"

Patuloy parin ako sa pag lalakad pero napahinto ako ng hawakan nya ang kamay ko, tumingin ako doon kaya agad din nya ito inalis.

"Carrel mag papaliwanag ako"

Hindi ko alam kung paano nya nalaman pero nakumpirma ko kung kanino dahil naka kita ako ng pasa sa pisngi nya.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko tsaka ako tumingin sa kanya at tumango bilang pag sangayon na mag paliwanag sya.

"Yes si Amanda ang ex ko at sya din ang bestfriend ko at oo inutusan nya ako na ligawan ka para lumayo ka kay Sylvester"

Mas lalo kong pinakalma ang sarili ko.

"Nag paka tanga ako sa kanya mahal na mahal ko sya kahit alam kong hindi nya ako minahal kahit noon pa, pero Carrel totoo yung pinapakita ko sayo

Dahil habang tumatagal nagugustuhan na din kita, Sana maniwala ka..."

Pinilit kong intindihin ang mga sinasabi nya pero ayaw intindihin ng utak ko.

"Tapos kana? Pwede na ba ako umalis?"

Nakita ko ang pag mamakaawa sa ekspresyon nya pero hindi ako ng paapekto, nang hindi na sya ng salita tumalikod na ako sa kanya at ng lakad papunta sa room namin.

Daretso lang ang tingin ko sa aking upuan, alam kong naka tingin si Amanda sa'kin hindi ko na kailangan alamin pa yun.

Ilang saglit lang dumating na din si Axel at mas pinili nyang hindi tumabi sa akin. Mabuti naman.

Pag dating ng lunch pumunta ako ng canteen para bumili ng inumin, umalis din ako agad at ng lakad lakad sa hallway.

Habang ng lalakad mag biglang humila sa'kin at dinala ako kung saan walang tao.

"Bitawan mo nga ako!"

Hinila ko ang kamay ko at masamang tumingin sa kanya.

"Ano bang problema mo?"

Tinulak nya ako kaya napasandal ako sa pader at nakaramdam ako ng kakaunting kirot.

"Ano bang meron sayo ha? Anong meron sayo bakit lahat nalang ng gusto ko kinukuha mo!"

Muli nya akong tinulak at sa pangalawang pagkakataon tumama ulit ang likod ko sa pader.

Halos mapapikit ako dahil ang lakas ng hampas na yun.

"Amanda!" sigaw ko sa kanya pero hindi manlang sya ng patinag.

"Bakit Carrel? Bakit lahat nalang sila kinukuha mo?" nakita ko ang pangingilid ng luha nya "Bakit lahat sila sayo lang!? Bakit hindi sila sa'kin?"

"Alam kong alam mo ang rason kung bakit ka ng kakaganyan ngayon"

Tumayo ako ng tuwid at inayos ang damit ko, muli kong ininda ang sakit ng likod ko.

"Hindi mo alam kung gaano ka kamahal ni Axel, ginawa nya ang mga pinapagawa mo para sayo kahit labag sa kanya yun"

"At alam ko na gusto mo si Axel,

Amanda hindi pa huli ang lahat may panahon pa para mag bago ka may panahon para sabihin kay Axel ang nararamdaman mo"

Hinawakan ko ang balikat nya pero agad nya yun pabalang na tinangal.

"Hindi ko sya gusto okay? Si Sylvester ang gusto ko"

"Kung hindi mo sya gusto bakit ka nagagalit sa'kin ngayon? Bakit ka nagagalit kasi nagugustuhan na nya ako?"

She paled then she looked away.

"Wag ka mag alala wala akong gusto kay Axel"

Umalis na ako sa harap nya at tuluyan ng naglakad. Inunat unat ko ang likod mukang nabalian yata ako.

Noon ko pa napansin na iba ang tingin ni Amanda kapag mag kasama kami ni Axel kung pano nya ako tingnan sa tuwing kasama ko si Sylvester ay mas matindi pa doon.

Alam ko na may namamagitan sa kanila pero binaliwala ko yun.

Habang ng lalakad ako nakita kong masasalubong ko si Sylvester agad ako nakaramdam ng kaba ng makita nya ako kaya lumiko ako para hindi ko sya masalubong.

Pero hindi ko inaasahan na kahit saan ako pumunta susundan at susundan nya ako at ngayon ay nasa harap ko na sya.

Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Stop being nervous i won't bite you"

"I'm not" nauutal kong sabi.

Mas lalo syang lumapit sa'kin bitbit ang nakakalokong ngiti.

"Talaga?"

"Aalis na ako"

Muli nya ako pinigilan gamit ang dalawa nyang kamay na naka hawak sa balikat ko at walang kahirap hirap na pinaharap nya ako sa kanya.

"Hindi lang ikaw ang nakakaramdam ng kakaiba"

Walang habas ang bilis ng tibok ng puso ko lalo na sa tuwing makikita ko ang mga mata nya.

"Ikaw lang yung nakikita ko sa malayo pero maganda parin

Dati ang alam ko lang ang asarin at inisin ka"

Pinilit kong kumawala sa pagkakakapit nya.

"H-hoy bakit mo sinasabi yan?"

Parang hindi nya ako narinig at hinawakan pa nya ang kamay ko.

"And when i hold your hand

It feels good"

"A-ano?"

I really can't help that my heart racing like crazy.

"At kapag tumitingin ka sa'kin"

Galing sa mga kamay ko umakyat ang tingin nya sa mga mata ko pa baba sa labi ko.

"Sometimes i want to kiss you"

"Ano ba yang sinasabi mo? C-can you just... can you just... stop?"

Tumingin sya sa mga mata ko.

"Bakit ito rin ba ang nararamdaman mo?"

"Bakit ba ang ingay mo?" tugon ko.

to be continued..

Carrel SaavedraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon