Chapter 28

323 27 2
                                    

Chapter 28

Nandito kami ngayon sa labas ng mall kung saan makikita mo ang pag lubog ng araw.

Umupo kami sa isang tabi, magkahawak ang aming mga kamay habang ang ulo ko ang naka patong sa balikat nya.

Parehas kaming naka tingin sa langit.

"Beautiful.." komento ko sa langit.

"Parang ikaw"

Tumingin ako sa kanya "Ngayon mo lang yata ako sinabihan ng maganda"

Mahina syang tumawa "Gusto lang kita asarin kasi mas lalo kang gumaganda kapag nagagalit ka"

Hinampas ko sya sa balikat nya.

Huminga ako ng malalim at muling tumingin sa kalangitan.

"Umabot ba sa point na naisip mo
na magiging tayo?"

Kinuha nya ang kamay ko at pinagsakop yun sa kamay nya.

"Sa una hindi pero ng maramdaman kong gusto kita, gusto ko maging akin kana"

I looked at him "Kailan mo ako nagustuhan?"

"Since when we were 10"

"Grabe ha! May lihim ka palang pagtingin sa'kin!" natatawa kong sabi.

"Isipin mo nalang kung gaano ako nasasaktan sa tuwing may kasama kang iba"

Lumambot ang puso ko dahil sa sinabi nya, ngayon gets ko na kung bakit sya over protective nung mga panahon na yun.

"Wag na natin pag usapan ang nakaraan,

Dahil tayo na, Don't think anybody else especially your first love. Only think about me" utos ko sa kanya.

He chuckled "My first love and that girl are both of you"

"What? What did you say?"

He chucked again "My first love is clueless, hindi nya alam na sa loob ng 8 years inlove ako sa kanya. Ikaw yun"

"A-ako ang first love mo?"

Humarap sya sa'kin at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Oo ikaw yun, kaya wag na tayo bumalik sa pagkakaibigan kasi masasaktan ako. I really love you"

Naramdaman ko nalang nangilid ang aking luha dahil sa sobrang galak, hinawakan ko ang mag kabila nyang pisngi at tumingin sa mga mata nya.

"Hindi na tayo babalik doon, mas gusto ko to. Mas gusto ko yung may pinanghahawakan ako, mas gusto ko yung akin ka lang"

Hindi ko napigilan ang bugso ng damdamin ko kaya mabilis kong dinampi ang labi ko sa labi nya.

Mabilis lang yun dahil maging ako ay nabigla sa ginawa ko, umiwas ako agad ng tingin sa kanya.

Tumayo ako at tumalikod pero bago pa ako tuluyan umalis hinawakan nya ang kamay at muli akong pinaupo.

Naramdaman ko nalang na niyakap nya ako patalikod at ang kanyang baba ay naka patong sa balikat ko.

"Dapat ako gagawa nun, don't do that again. I'll be the one who do the first move"

Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko dahil sa kahihiyan.

"I-im sorry"

Yumuko ako, my gosh carrel sa susunod mag isip ka muna bago mo gawin.

"It's okay, nagustuhan ko din naman" pilyo nyang sabi.

Muli kong inangat ang tingin ko sa kanya at nakita kong ang ng lalarong ngiti sa labi nya.

Hinampas ko ang kamay nya na nasa bandang tyan ko.

Tumawa sya at mas siniksik pa nya ang kanyang muka sa leeg ko.

"By the way thank you nga pala sa ginawa mo kay stacey"

"What about that" tamad nyang sagot.

"Thank you kasi sinabi mo sa kanya yung totoo at naging okay na kami dahil doon"

"Hmm wala yun"

"Alam mo dapat mong kausapin si Amanda"

"Why would i?"

"Kasi umaasa parin sya"

"Nope, hindi ako gusto nun"

Agad ako napaisip kung ganon..

"Alam mo din?"

Tumango sya.

"Bakit kasi hindi pa sila mag aminan, katulad natin bestfriend din sila before"

Inalis nya ang pagkakayakap sa'kin at muling tumabi sa'kin.

"Wag natin pag usapan ang iba pag usapan natin yung tayo" naiinis nyang sabi.

"Tayo naman na ah ano pa paguusapan natin?"

Mas lalong kumunot ang noo nya dahil sa sinabi ko.

"Our future ano paba!"

I chuckled "Ang bilis mo naman, kahapon lang naging tayo tapos future agad nasa isip mo"

"Hindi mo ako masisisi dahil ang tagal kong ng hintay sayo"

Ngumuso ako dahil seryoso sya sa sinasabi nya.

"And thank you kasi hinintay mo ako. Thank you kasi hinintay mong malaman ko na mahal pala kita"

"Thank you for everything Sylvester"

To be continued.....

Carrel SaavedraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon