Chapter 16

312 18 2
                                    

Chapter 16

Ngayon ang araw ng exam namin dahil doon hindi ako masyadong naka tulog ng maayos, aaminin kong hindi ako naka review ng maayos sapat lang ang mga nalalaman ko.

Hindi pinag exam sila Amanda at Axel dahil kaka-pasok lang nila.

Binigay na samin ang test paper at ng simula na kaming mag sagot,nilaro laro ko ang ballpen ko habang ng iisip may mga nasasagot naman ako na alam kong tama pero yung iba hinulaan ko lang.

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako naka pag review ng maayos ay dahil kila Amanda at Sylvester hindi ko alam kung ano nangyari pag katapos nun, hindi ko alam kung nagka balikan na ba sila pero ang usap usapan kanina mag kasama na naman sila kanina at baka daw ng kabalikan na.

Habang ng sasagot ako biglang na hagip ng mata ko si Stacey ang president namin na parang may tinitingnan sa pencil case nya, lumingon lingon sya sa paligid bago sya muling buksan yun at pag tapos nyang tingnan tsaka sya ng sulat sa papel nya.

May kutob na ako kung ano ginagawa nya pero muli ko syang tiningnan at tama nga ako nang dadaya sya. Pinapanood ko lang sya sa ginagawa nya at tumingin din ako sa teacher namin na tahimik na ng c-cellphone sa harap.

Muli akong tumingin sa ginagawa nya at nakita nya akong nakatingin sa kanya kaya agad nyang sinara ang pencil case nya.

Hindi ko akalain na magagawa ni Stacey to dahil kilala ko syang mabait at matalino alam kong hindi na nya kailangan mandaya pa sa test dahil palagi syang may highest score samin.

Na tapos na kaming lahat at pinasa na namin ang test paper muli akong tumingin kay Stacey nakita ko syang balisa na parang hindi mapakali.

Pag labas ng teacher namin at ng labasan na din ang mga classmates namin naiwan kaming dalawa sa room. Hindi ako ng dalawang isip na lumapit sa kanya.

"Pres.." lumingon sya sa'kinat ngumiti.

"Bakit?"

I sighed "Wala.... hindi kaba kakain?"

"Mamaya nalang mag aaral pa ako"

Tumango ako at lumabas na ng room, gusto kong sabihin sa kanya na nakita ko sya kanina na pero dahil sa pag kakakilala kong na mabait syang tao hindi ko sya kayang saktan, pero bakit nya pa kailangan gawin yun?

Pag labas ko nakita kong naka abang sa'kin si Axel at naka pamulsa pa.

"Kamusta exam?" tanong nya

"O-okay naman..."

"Bakit parang na babahala ka? Mahirap ba?"

Tumingin ako sa kanya mukang mapagkaka tiwalaan naman si Axel pag sinabi ko sa kanya.

Hinila ko sya kung saan walang tao

"Si S-stacey kasi nakita ko syang may kopyahan sa pencil case nya"

Kumunot ang noo nya "Stacey? yung president" tumango ako.

"Bakit hindi mo sinumbong?" tanong nya

"Natatakot ako baka husgahan sya at alam ko may dahilan sya para gawin yun"

"Pero mali parin ang ginawa nya"

"Per-"

"Ano meron?"

Parehas kami napa tingin kay Sylvester na naka sandal sa pinto at naka tingin samin na parang may ginagawa kaming masama.

"What's wrong? It's like your hiding something" mausisa nya tanong

"What? A-" at sa muli kong pag sasalita hindi ko na naman na tuloy dahil ng salita si Axel

"Meron bakit?" matapang nyang sagot.

Carrel SaavedraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon