Chapter 14

352 21 6
                                    

Chapter 14

"Alam nyo ba naka balik na daw si Queen Amanda? At baka daw pumasok na ulit sya dito"

"Talaga? Oh my god Queen Amanda is Comingggg"

"Siguro sa pag babalik nya mas gumanda pa sya lalo"

"For sure ikaw ba naman namalagi ng tatlong taon sa america"

"Oh my god, idol ko talaga sya. Ang ganda nya, ang sexy at ang yaman tapos gustuhin pa ng lahat ng lalaki"

"Tama! kaya ang swerte ni Sylvester sa kanya, sana mag balikan na sila"

"Yes! Sana talaga! I stan SylManda!!"

Naririndi ang tenga ko habang nag uusap sila, kanina pa pag pasok ko usapan ang pag babalik ni Amanda.

Queen? pwee! baka queen sa pang go-ghosting.

Hindi ko alam kung nabalitaan na ba ni Sylvester to o hindi pa at hindi ko alam kung ano nararamdaman nya ngayon masaya ba sya dahil na kauwi na ang matagal nyang hinihintay?

Kinuha ko ang phone ko tapos tinawagan ko sya pero naka ilang ring na hindi parin nya ito sinasagot, tinawagan ko sya ulit pero wala parin.

Lumabas ako ng room para puntahan sya narinig ko ang pag tawag sa'kin ni Axel pero hindi ko yun pinansin.

Pag dating ko sa tapat ng classroom nila sinilip silip ko sya sa bintana pero wala akong nakitang Sylvester doon.

Nasan kaya yun?

Habang ng lalakad ako bigla ko naisip ang lugar kung saan palagi syang naka tambay.

Umakyat ako sa rooftop kahit nakaka pagod binilisan ko parin, pag dating ko naabutan ko syang naka dungaw mula sa baba ng building.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at tumabi.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw bakit ka nadito?" balik nyang tanong.

"Hinahanap ka"

"Bakit mo ako hinahanap?" muling tanong nya.

Sasabihin ko ba sa kanya yung tungkol kay Amanda?

"H-hmm walang lang masama bang hanapin ang bestfriend ko?"

Saglit syang tumingin sa'kin pero binalik din nya ang tingin sa ulap.

"Siguro masaya ka kasi bumalik na si Amanda"

Hindi sya ng salita nanatili lang ang tingin nya sa ulap.

"Alam mo naman kung gaano ako kainis sa babaeng yun diba? Dahil sa ginawa nya sayo pero..."

Nagkatinginan kaming dalawa.

"Pero kung talagang gusto mo sya at masaya ka sa kanya susuportahan kita" I smiled.

Nagulat ako ng hawakan nya ako sa mag kabila kong siko at nilapit ako sa kanya.

Halos hindi ako maka hinga dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko isama mo pa ang nakakatunaw nyang tingin.

"W-what?" nauutal kong sabi.

"Don't push me to someone"

"B-bakit? G-gusto mo sya diba?"

"Sino ng sabi?" seryoso nyang tanong.

"D-diba hinihintay mo sya?"

He rose a bit, His jaw clenched and the corner of his mouth rose a bit.

"Isa lang naman ang hinihintay ko"

Inalis nya ang pag kakakapit sa siko ko at tinalikuran nya ako tsaka sya tuluyang umalis.

Carrel SaavedraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon