Chapter 7

412 21 4
                                    

Chapter 7

"Adik ka ba?" tanong ko sa kanya.

Hindi sya sumagot pero tuloy tuloy parin sya sa pag titig sakin.

Kinuha nya ang kamay tapos nilagay nya dun ang camera tsaka sya tumalikod at nilagay ang kamay sa loob ng suot nyang hoodie jacket.

"Hayy mag papabili na naman ako kay kuya" bulong nya pero sapat na para marinig ko.

"Hoy!" sigaw ko sa kanya pero hindi sya lumingon.

Tiningnan ko ang camera na kalas kalas at tumingin din ako sa kanya habang papalayo.

Weird?

Pumunta muna ako sa CR bago bumalik sa court, nilagay ko sa bag ko yung camera siguro pag nakita ko sya tsaka ko nalang bibigay.

Natapos ang practice namin at lahat kami ay ng papahinga sa bleachers, pawisan dahil sa sobrang init.

Kinuha ko ang bag ko at kumuha ng towel, lumingon ako sa mga basketball player hindi parin sila tapos mag practice.

Alam ko kung gaano sila ng pupursigi mag practice para sa darating na sport fest at napapansin ko din na hindi na ng kakainitan si Gavin at Sylvester siguro dahil takot din sila maalis sa team.

Unti unti na ng alisan ang mga ka-group ko.

"Hindi kapa aalis Carrel?" tanong nila sa'kin.

"Sige mauna na kayo hihintayin ko pa si Sylvester" sabay tingin sa kanila.

Nakita ko kung pano ng bago ang expression nila.

"Ngayon mo sabihing walang something sa inyo, jusko wag nyo kami niloloko" mapang-asar nyang sabi.

"Wala ngang kami bestfriend ko lang yun, parang kapatid ganun"

Natatawa akong tumingin sa kanila pero sa iba sila naka tingin.

"We're not siblings"

Sinamaan ko sya ng tingin bago lumingon sa mga ka-group ko.

"Sige Carrel una na kami" sabi nila sabay takbo palabas.

Hinampas ko ng towel si Sylvester.

"Ikaw ginawan ko na nga ng excuse para hindi tayo pag-usapan na ng d-date daw tayo tapos hindi ka naman sumakay"

Tumabi sya sa'kin at kinuha nya ang towel ko sabay punas sa katawan nya.

"Hindi naman tayo ng di-date ah bakit kailangan ng excuses"

I rolled my eyes.

"My god! Of course yun ang iisipin ng mga tao na tayo"

"Hindi naman tayo diba? Hayaan mo kung ano iniisip nila"

"Hay ewan ko sayo hirap mo paliwanagan"

Tumayo sya at binato sa muka ko ang towel ko.

"Hintayin mo ako mag bibihis lang ako"

Gaganti sana ako pero nakita kong naka layo na sya.

Ang hilig nya talagang inisin ako kahit sa maliit na paraan.

Nasanay na din ako kay Sylvester sa tuwing ina-asar kami sa isa't isa hindi lang mga classmates or school mates namin ang ng sasabi nun dahil maging mga kamag-anak nya at kamag-anak ko ay ganun din.

Hindi ba talaga pwede maging mag kaibigan lang ang babae at lalaki? kasi kami ni Sylvester mahal namin ang isa't isa pero bilang mag bestfriend lang.

Inayos ko na ang gamit ko sa bag at doon ko napansin yung camera, maayos ko pa kaya to?

Habang ng aayos nararamdaman kong may lumapit sa'kin.

Carrel SaavedraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon