Chapter 4
Wala kaming pasok ngayon pero may usapan kami ni Gavin na pupunta kaming mall para manood ng movie pero naka ilang tawag na ako sa kanya hindi parin nya ako sinasagot.
Mag dadalawang oras na ako ng hihintay dito sa mall naiinis na ako kanina pa ako tinitingnan ng mga tao dito.
Muli kong tinawagan si Gavin pero hindi pa rin nya to sinagot.
Nasan kana ba Gavin??
Saktong dalawang oras hindi na ako naka tiis pa umalis na ako sa mall at sumakay ng taxi.
Habang nasa taxi ako hindi mawala ang inis ko kay Gavin. Ngayon lang nya ako hindi sinipot sa date namin hindi naman sya ganito before.
Papaliko na ang taxi sa village namin pero pinigilan ko ito.
"Manong sa Ace of Bars po tayo"
Tumango si Manong at bumalik sya papuntang Ace of Bars.
Sobra ang kaba ko habang nasa sasakyan ako, hindi ko alam kung ano madadatnan ko doon.
Sa Ace of Bars lang naman ang tanging lugar na pinupuntahan ni Gavin, nagagawa pa nga nyang mag sinungaling sakin para makapunta doon.
Pag dating namin doon ng bayad na ako kay manong tsaka ako bumaba, mahigpit ang hawak ko sa bag ko habang tinitingnan ang lugar na yun.
First time ko maka punta sa ganitong lugar dahil bata pa ako at alam kong hindi nila ako papa-pasukin dahil wala pa ako sa eighteen.
Yun ang aking problema kung pano ako makakapasok doon.
Habang nasa labas ako ng Ace of Bars may nakita akong kakilala kong taga school namin kaya lumapit ako sa kanya.
"Oh Carrel? Anong ginagawa mo dito?" tanong nya sakin.
Nahihiya akong tumingin sa kanya.
"Favor naman.."
Hindi ko kailangan pang sabihin dahil alam na nya ang gusto kong mangyari.
Mahina syang tumawa at inakbayan ako.
"Thanks Lovely" bulong ko.
Sobrang kaba ko habang papasok kami dahil may kakaibang tingin sakin ang bouncers, daredaretso lang kami sa paglalakad at laking tuwa ko ng maka lampas kami sa kanila.
Nag pasalamat ako kay Lovely at iniwan na din nya ako dahil may ng hihintay pa daw sa kanya.
Nilibot ko ang mata para hanapin ang gusto kong makita.
Punong puno ng malakas ng musika at usok ang loob ng bar halos maubo na ako dahil doon. I really hate smoke!
Pumunta ako sa bandang gitna, may paminsan minsang bumabanga sakin pero iniiwasan ko nalang mas focuse ako sa hinahanap ko.
Sa daming taong nandito makita at makikita ko sya dahil kilalang kilala ko sya.
Mas lumapit ako sa familiar na tao, naka talikod kasi sya pero ng humarap sya doon ko nakumpirma na si Gavin yun.
Mabilis akong lumapit sa kanya pero napahinto din ako ng may mas mabilis ng lumapit sa kanyang babae at mala ahas kung maka yakap sa kanya.
Mas lalong humigpit ang hawak ko sa bag ko at halos masira na ito.
Nag ngitngit ang ngipin ko sa galit handa na akong sumugod at sabunutan ang babae pero may lalong nadagdagan ang galit ko ng halikan ni Gavin ang babae.
Naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko, sobrang lakas ng tibok na puso ko pero mas nananaig dun ang sakit.
Uminit ang gilid ng mata ko at nag babadya ang luha dito.
BINABASA MO ANG
Carrel Saavedra
Teen FictionCarrel Saavedra & Sylvester Fuentes Start: April 15, 2020