Chapter 1

11.8K 136 10
                                    


Chapter 1

THE municipality of New Yerk is known to be the best Municipality among the rest. Since then, many family politicians living their wanted to be the powerful among the rest.

Isa lamang ang nagtagumpay na pamilya at 'yon ay ang mga Del Monte. They've been leading the New Yerk for a decade now.

But due to the rapid crimes happens under the term of Don Ramon Del Monte, the people living at New Yerk decided to elect a new surename, Andres, Isaac.




"HOW could this happened? Binayaran ko lahat ng sulok ng bayang 'to! Hindi ako papayag na matatalo lang ng pipitsuging batang 'yan ang isang Del Monte!" napaigtad ang mga kasambahay sa loob ng bahay ni Don Ramon, all of them knew this bad side of Don Ramon but they can't argue with him for he is known as the most powerful man in this municipality.

"Ramon, tapos na ang eleksiyon. Isaac Andres won the battle. Tanggapin nalang natin na hindi nag gusto ng taong-bayan ang pamumuno natin."

"No! No! And No! Mananagot saakin lahat ng leaders ng munisipyong 'to! I will sue them! At gagawin ko ang lahat mapabagsak lang ang Andres na 'yan! No one dared to put Del Monte behind!" lumabas ang ugat ni Don Ramon, he can't really take it. He can't really accept it.

Gagawa at gagawa siya ng paraan mapabagsak lang ang binatang mayor.







"MA, nasaan ho ba si Cris Belle?" nababagot kong tanong habang nagdidilig ng halaman sa labas ng mansion ni Don Ramon.

"Aba ewan ko, Fia. Nagpaalam 'yon na pupunta sa computer shop." napakamot ako ng noo, naku! Baka nakipagkita na naman 'yon sa nobyo niyang tambay! Hay ewan ko ba sa pamilya kong 'to, naghihirap na nga ang bobo bobo pa!

Tignan niyo nalang ang ate Miyelle ko, buntis siya sa panganay niyang anak. Hulaan niyo kung sino ang ama? Tambay lang naman po, may itsura pero hindi pasok pagdating sa trabaho. Raket, raket lang si kuya Bryan, madalas pang uminom sa labas.

"Ma, hindi ka po ba nadala kay ate Yelle? Baka mamaya magaya si Belle sakanya at mabuntis ng maaga. Naabutan ko pa naman 'yong naghaharutan sa tambay na si Ramsay."

Napailing si mama at patuloy sa pagwalis sa mga dahon.

"Ewan ko anak, hindi ko naman na maaahon ang pamilya natin sa hirap e. Mabuti na siguro na mag-asawa kayong tatlo ng sa ganoon may katuwang kayo sa buhay."

Napairap ako. Sa totoo lang, suki talaga kami ng mga gwapong tambay doon sa street namin. Paano ba naman, foreigner ang tatay namin kaya may ibubuga talaga ang ganda namin. Iyon nga lang sa aming tatlong magkakapatid, ako lang yata ang hindi papatol sa lalaki.

Mas gusto ko munang maiahon sa hirap ang pamilya ko. Pangarap kong magkaroon ng bahay, magkaroon ng maayos na hanap-buhay at higit sa lahat mapagtapos ang bunso naming kapatid, si Cris Belle.

Pero paano ko magagawa 'yon e high school graduate lang ako? Mabuti pa nga at napasok ako sa mansion ng mga Del Monte, sa ngayon may sweldo akong natatanggap na bumubuhay saaming lahat.












"FIANDELLE." napaigtad ako ng tawagin ni Don Ramon ang pangalan ko.

"P-po?" nauutal kong saad, natatakot talaga ako kay Don Ramon, naikwento saakin ni ate Yelle noon na nagtangka itong manligaw sakanya.

"Hali ka dito ija." aniya habang kinukumpas ang kamay na palapitin ako. Tinigil ko muna ang paghidhid sa tiles at lumapit kay Don Ramon.

"Bakit po?" naguguluhan kong tanong, palipat-lipat ang mata ko sa mag-asawang Del Monte.

"Meron kaming offer sa'yo. Ten thousand a month plus kapag nagawa mo ang ipapagawa ko bibigyan ko ng scholarship ang kapatid mo at bibigyan kita ng trabaho sa munisipyo." napantig ang tenga ko dahil sa narinig! Jus mio marimar? Eh two fifty lang ang araw ko dito sa mansion! Scholarships plus permanent job?! Oh la-la!

"A-ano pong ipapagawa niyo saakin Don?" napangiti si Don Ramon at may ibinigay na sobre.

"Simple lang, mag-aapply ka bilang sekretarya ni Isaac Andres." nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang pangalan ng bago naming mayor.

"P-po?"

"Oo. At gusto kong kunin mo ang loob ni Isaac. Madali naman siguro 'yon diba? Maganda ka, sexy at mataas. Siguradong mahuhumaling si Isaac sa'yo gaya ng pagkahumaling ng ilang kalalakihan sa street ninyo." agad na namula ang mga pisngi ko dahil sa sinabi ni Don Ramon, nambola pa ang lalaking 'to!

Pero totoo nga, sobrang gusto kong tanggapin pero baka mahirapan ako.

"Pero Don wala ho akong alam tungkol sa pagiging sekretarya."

Ngumiti ang Don at hinawakan ang kamay niya. Ibinuka nito ang palad niya at inilagay ang sobre.

"Iyon lang ba ang problema mo Fia? Tuturuan ka ng sekretarya ko. Sa lunes ang hiring ni Andres kaya't may tatlong araw ka para aralin ito." napalunok ako at napatingin sa sobreng hawak-hawak ko.

"Iyan ang unang sweldo mo mula saakin. Iba pa ang sweldo mo kapag natanggap ka sa mayors office. Ano Fia? Kukunin mo na ba?" napapikit ako at tumango.

Para sa De Jesus. Para sa pamilya ko.

"Good, alam kong hindi mo ako hihindian Fia. Ikaw pa? Eh mukha kang pera." at tumawa 'to ng malakas, lihim akong napaikot ng mata.

Kapag talaga ako nakaluwag-luwag hindi hindi na ako magtatrabaho sa demonyong Don Raman na 'to!

"Oh siya, iwanan mo na ang paglilinis mo riyan. Umuwi ka, magbihis ka at magdala ka ng notebook. Ipinatawag ko na ang sekretarya ko. Gusto ko sa loob ng tatlong buwan makuha mo na ang loob niya o puso niya." napatango ako

"Isa lang ang ibibilin ko sa'yo Fia, huwag na huwag kang mahuhulog sa amo mo. Dahil pagkatapos mong kunin ang loob ng lalaking 'yon, iiwan mo siya at sasaktan. Gawin mo ang lahat makuha mo lang ang loob niya. Gawin mo lahat."

"O-opo Don Ramon. Makakaasa ka po na gagawin ko ang gusto niyo."

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Ibabalita ko kay mama ang tungkol dito mamaya. Sana... Sana eto na ang sulosyon sa problema ko.

Gaganda na ang buhay namin.

Kaya ko 'to!

Ako kaya si Fiandelle De Jesus, lahat kakayanin, lahat gagawin!

Madali lang naman ang gagawin ko e, kailangan ko lang hanapin ang kiliti ni Isaac Andres, kapag nakuha ko na, hello new life na!





-----UPDATED

Hello po! Sana makakuha ako ng komento mula sa makakabasa ng chapter one na 'to, para malaman ko po kung mag-uupdate ba ako. Salamat po!

Happy reading!

Bad Romance: Taming The Hot Mayor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon