"KUYA Isaac!" sabay kaming napalingon ng sabihin 'yon ni Robin.
"Thanks God you came! Malapit na kaming mamatay sa gutom brother, ang tagal mo." ani ate Ivory habang naghahandang umupo sa upuan.
"I'm sorry, I and my friends had a meeting."
"Naku Ivory, okay lang naman sakanila magutom, sanay na." hilaw akong napatawa kasabay ng paghagikhig ni ate, mama at Cris Belle.
Sa totoo lang mukhang okay narin na lumipat kami sa bahay ng mga Andres, mapapalayo na si Cris Belle sa tambay na Ramsay. Sigurado pa na hindi na ma-eexpose ang bunso namin sa mga gawi sa street namin.
"Naku! You will never starved here Miyelle. Manang Cecilia will take good care of your everyday meal."
"Nakakahiya naman kay manang Ivory, hayaan mo nalang na manilbihan din kami dito sa bahay." sagot ni mama
"I will not stop you to do some chores aling Cynthia, you are free to do what you want. I heard you are working for Mr. Del Monte." natigilan ako sa paggalaw ng sabihin 'yon ni ate Ivory.
Napalunok ako at napatingin kay Mama.
"No don't be nervous. I mean, brother, can't you give aling Cynthia a nice job. Malayo na ang mga Del Monte for her to work."
Lumingon ako kay Isaac. He's seriously massaging his temples.
"We don't have hiring yet ate."
"Oh! Doon ka nalang sa flower shop ko sa palengke aling Cynthia, I can hire you to be a cashier. Busy narin kasi ako sa ibang business and I and my husband is planning to have a baby na so mukhang hindi ko na matututukan ang first business ko."
"Nako ma, magandang offer 'yan. Nasa sentro at si Ivory pa ang amo mo." ani ate Miyelle.
I stared on her for a while. Eto ba ang gustong buhay ni ate para sa anak niya? Puro kasinungalingan?
Oo't napakaganda ng bahay, kompleto sa appliances, may sasakyan, may maid, may sapat na pagkain, pero naiilang akong isipin na lahat ng 'to, pati ang kabaitan ni ate Ivory, dahil lang sa kasinungalingan ni ate.
"I thought we're all hungry? I think we must eat first." nabasag ang kaingayan at sumang-ayon kaming lahat sa sinabi ni Isaac.
Hindi ko alam kung hanggang saan ang pagpapanggap naming magpamilya. Natatakot lang ako na dumating ang araw na malaman ni ate o ni Isaac ang totoo. Alam kong mahirap kalabanin ang mga Andres.
"HERE, this will be yours and Robin's room. Next room will be aling Cynthia and Cris Belle's room and lastly that one is your room Fia. So technically we have five rooms here. Sa dulo ay kwarto ni Isaac, one room is mine, the room you and Robin will occupy is my late mom and dad's room and two guests room. Don't worry, lahat no four rooms ay hindi ginagamit there are no personal things in there too so free kayo na i-arrange or i-decorate ang new rooms niyo..." tuloy-tuloy lang sa pag-explain si ate Ivory.
Bale and itsura ng kwarto sa second floor ay ang apat na kwarto ay magka-harap at sa gitnang dulo naman ang kwarto ni Isaac. Sa kanang bahagi magkatabi ang kwarto nina ate Yelle at nina mama. Habang nasa kaliwang bagahi akin, unang kwarto, so technically may isang kwarto pa na guest room bago ang kwarto ni Isaac.
"Are we all set here? May tanong pa ba kayo?"
"Wala na Ivory, salamat ng marami sa pagpapatira saamin dito ha."
"No worries Miyelle, anyway, I'm sorry to tell that 'yong bathroom nasa baba. Old style kasi ang bahay na'to."
"Okay lang, ano ka ba."
"Ate pwede na po ba akong pumasok sa loob?" tanong ko, lumingon sila saakin. Nangangalay na kasi ang paa ko at medyo masakit na ang likod ko.
"Of course, sige na, magpahinga na kayo. Please feel at home, if ever you need anything or you wanna asks something you can ask manage Cecilia or Isaac."
"Thank you ate." saad ko at binuksan na ang pinto ng magiging kwarto ko.
"Mauna na kami sa loob, salamat anak." rinig kong saad ni mama bago ko isirado ang pinto.
This is it pansit!
Binuksan ko ang ilaw at laging gulat ko ng tumambad saakin at eleganteng kama, maganda and design ng bulb sa itaas at may air-con ang kwarto! May lalagyan na ng damit, may maliit na table sa gilid na may upuan pa!
Ah! Ang ganda ng kwarto ko!
Nakangiting inilapag ko ang bag ko, bukas ko nalang i-aarrange ang mga damit ko.
Napapikit ako habang ninanamnam ang lambot at katam-tamang lamig ng
kwarto. Hindi ko namalayang kinain na pala ako ng antok.NAALIMPUNGATAN ako dahil sa sunod-sunod na katok sa kwarto ko.
"Ate Fia?! Gising na daw! Umalis na si kuya Isaac! Malalate ka na sa pasok mo! Tapos na kaming kumain ni mama, sabay na kaming aalis! Magsisimula na daw si mama sa trabaho niya, ate? ate?"
Binukha ko ang aking mga mata at niyakap ng mahigpit ang unan at kumot.
"Ate Fia?!"
"Oo na! Heto na gigising na!" hindi ko na narinig na sumagot si Cris Belle, mukhang umalis na. Napatingin ako sa orasan at nanlaki ang mga mata ng mapagtantong seven na, seven thirty ang pasok ko!
Agad kong kinuha ang towel sa bag ko.
Natampal ko ang noo ko ng mapansin ang nangingitim ng towel.
"Naku naman! Hindi ba ako nakabili ng bago? Nakakahiya sa bahay na 'to!" di bale, bibili ako ng mga bagong towel sa palengke para saaming lahat.
Pagkababa ko sa sala ay sumalubong saakin si manang Cecilia na may hawak na tambo.
"Ipapalinis mo ba ang kwarto mo ma'am?"
Sunod-sunod akong umiling.
"Hindi na po manang, ako na po bahala doon."
"Naku manang huwag ka ng maglinis sa mga kwarto namin. Kay mayor Isaac ka lang maglinis kami na bahala saamin." napatingin ako kay ate Miyelle na pinapakain ang nakabihis ko ng pamangkin.
"Sige manang." naglakad na ako papunta sa hapag.
"Sinong nagluto ate?"
"Siyempre ako, nahihiya nga ako kay Isaac noong makita niyang naghahanda ako ng agahan. Mabait naman at kumain ng fried egg. Nalaman kong hindi pala 'yon nag-aalmusal at kape lang ang kinukunsumo sa umaga."
Kumain na agad ako habang dada ng dada si ate. Matapos noon ay dumeretso na ako sa cr.
-----
I'M SORRY HINDI AKO NAKAUPDATE, nagka-eye problem po ako kaya hindi ko kinaya.I hope someone will leave a comment again!
Happy reading!

BINABASA MO ANG
Bad Romance: Taming The Hot Mayor
RomanceI am Fiandelle De Jesus and I am taming our hot mayor. 4/5/20