"WHAT a bright morning it is, hmm." napaigtad ako ng maramdaman ko ang kamay ni Isaac sa bewang ko. My heart instantly beat tremendously.
"I-Isaac." pagbabanta ko, luminga-linga ako upang tignan kung may nakatingin ba saamin. Mabuti nalang at wala naman.
"What?" bumaba ang tingin ni Isaac, ipinatong ang ulo sa leeg ko at bumuntong-hininga.
Diyos ko, nagiging clingy na po siya.
At hindi ko mapigilan ang puso kong kiligin sa mga galaw niya.
"I heard Robin's birthday is next week. What's their plan?"
Oo nga pala, pinag-uusapan na nila ang birthday ni Robin. Mag-si-six years old na ang pamangkin ko.
"Narinig kong sabi ni ate Ivory gusto niya mag-inland resort."
Napatango ito at umalis sa pagkakapulupot saakin.
"I'll set my schedule then. We'll be in a short-vacation for my brother's birthday. Ibibilin ko nalang muna sa iba ang trabaho mo."
"Two days tayong mawawala kung ganoon."
"That will be fine. What's important is I can be with you." then he wink at me, hindi ko mapigilang kiligin sa pinanggagagawa ni Isaac.
"Okay fine, sige na. Pumasok ka na sa office mo't magtrabaho ka na."
"Okay. But before that I need some energy booster." wala pang isang minuto ay tinawid niya ang pagitan ng mga labi namin.
Natigilan ako at napatingin sakanya. He's smiling from ear to ear.
"Thanks baby." at naglakad na siya papasok sa office niya.
Napailing na lamang ako habang nakangiti.
Ngunit pag-tingin ko sa di kalayuan ay may dalawang taong nakatingin saakin.
Naglakad sila papunta saakin.
"Sabihin mo nga miss Fiandelle, may relasyon ba kayo ni Mayor?" bigla akong kinabahan ng sabihin 'yon ng isa habang seryoso ang mukha.
"Akala mo ba hindi namin napapansin ang closeness niyo ni mayor? Obviously nilalandi mo siya."
Napailing ako, hindi halos lumabas ang boses ko saaking bibig.
"Baka masyado ka lang nangangarap na mahalin ng isang mayor, baka sa layo ng liparin mo, mas lalong sumakit ang pagbagsak mo." at iniwan na nila akong tulala
They're right. Langit si Isaac at lupa ako, pero anong magagawa ko?
Unang tapak ko palang sa munisipyong 'to alam kong attracted na ako kay Isaac.
NAKA-AKBAY saakin si Isaac habang may tinitipa siya sa phone niya. Malamig ang simoy ng hangin at medyo madilim na.
"Good bye mayor, bye ma'am Fia." paalam ng janitor na maglolock sa main door.
"Bye manong." sagot ko naman
Tahimik lang ako simula kanina. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi no mga co-workers ko.
Napabuntong-hininga ako.
"Baby, what's wrong? Kanina pa kita napapansing tahimik and kanina ka pa bumuntong-hininga."
Napalingon ako sakanya at ngumiti.
"Wala, okay lang ako. May iniisip lang."
Naramdaman ko ang pagpulupot ng kamay nito sa bewang ko. We stopped walking.
BINABASA MO ANG
Bad Romance: Taming The Hot Mayor
RomanceI am Fiandelle De Jesus and I am taming our hot mayor. 4/5/20