Chapter 10

3K 103 13
                                    


"GOOD morning ma'am, what can I do for you?" tanong ko sa ginang na lumapit sa table ko.

"Nariyan ho ba si mayor?" tinitigan kong maigi ang tila pagod na ekspresyon ng ginang. Ngumiti ako.

"Opo, meron po siyang pinipirmahang mga documents, ano po ang sadya niyo?"

"Hihingi sana ako ng tulong, iyong asawa ko naaksidente kahapon, hindi namin kaya ang bayarin, nagbabakasakali ako na baka makahingi ako ng tulong." parang hinaplos ang puso ko, naalala ko tuloy ang pamangkin ko.

"Meron naman pong cash assistance na binibigay ang munisipyo sa mga tulad ninyo, huwag na po kayong dumeretso kay mayor, teka lang po ha."

Lumingon ako sa unahan.

"Sir Carlos!" lumingon ang lalaking tinawag ko, nagtatrabaho din siya dito.

Lumapit ito saamin at agad kong pinaliwanag ang concern ni ginang na hindi ko man lang na tanong ang pangalan.

Agad niya itong inihatid sa office na mag-aasikaso sa matanda.

Huminga ako ng malalim bago ko sinimulang gawin ang mga trabaho ko.





















"GOOD morning beautiful." napaigtad ako ng may magsalita. Pag-angat ko sa ulo ko'y si Dane pala. Ano na namang paka'y ng lalaking 'to?

"Beautiful ka diyan, busy si Mayor ngayon. Umuwi ka na." itinuon ko na ang aking mga mata sa computer at agad tumipa ng mga salita.

"Hindi naman si Isaac ang ipinunta ko dito. I came here to talk with you, I'm inviting you to my opening in my new business." huminto ako sa pagtipa at bumuntong-hininga.

"Pasensiya ka na Dane, nahospital kasi ang pamangkin ko, dederetso ako sa kanya pagkatapos ng work ko."

"Oh, I'm sorry to hear that. Pero you won't spend a lot of time there, I promise ihahatid kita sa hospital after you've taste my new products."

"Solve narin ang dinner mo doon, plus you'll be given a free products from that branch of mine! Please Fia, I want you there." napailing ako, iba talaga ang tama ng lalaking 'to.

"Saan ba banda 'yan? Baka matagalan ako, baka traffic."

"You don't need to worry Fia, susunduin kita."

Napangiti ako, "ewan ko sa'yo, okay sige na."

"Yes! I'll see you later then." agad itong tumalikod, sakto naman na nagbukas ang pinto ng office ni Isaac.

Agad nawala ang ngiti sa labi ko at nagsimulang tumipa ulit.

"Oh hello mayor!" bati ni Dane na nakangiti, nagpatuloy lang ito sa paglalakad. Hindi ko alam kung ano ang reaksiyon ni Isaac pero nilalamig ako sa presensiya niya.

"Where's the files?" agad akong yumuko at kinuha sa ilalim ang folder na tinutukoy niya.

"Tomorrow aalis tayo, we're invited at the public school somewhere." tumango ako habang inaabot ang folder sakanya. Agad niya itong hinablot at tumalikod.

Nagsimula na itong maglakad pero huminto ito.

"Sa susunod na makipaglandian ka sa oras ng trabaho mo I will fire you and I mean it." saad nito, napatingin ako sakanya.

Hindi ako nakikipaglandian no!

Gusto ko siya sagutin pero hindi ko nagawa, naalala ko ang higpit ng pagkakahawak ni Isaac sa kamay ko kahapon, para bang ano mang oras kaya niya akong saktan.

Napapikit ako.

He can't hurt you Fia, he has a good image to maintain.

Tinapos ko na lamang ang ginagawa ko.



















MALAKAS ang kabog ng puso ko ng huminto ang sasakyan ni Dane sa labas ng eleganteng sweets shop.

"Wow Dane! Ang lupet ng bago mong business, siguradong papatok 'to!" saad ko, madaming tao sa loob ng shop, kitang-kita mula dito sa parking space lalo pa't puno ng ilaw ang labas at loob ng shop.

"Thanks Fia, let's go? Ipapatikim ko sa'yo ang chocolate cake na ako mismo ang nagdesign."

Habang naglalakad kami papalapit sa sweet shop hindi ko maiwasang mamangha kay Dane, kahit pala mukha itong kengkoy ay may layunin ito sa buhay, husband material ang loko.

Dalawang palapag ang Dane's Sweet Shop, sa baba nakadisplaying lahat ng cakes, cupcakes, chocolates and cookies, sa itaas naman halos mga tables ang nandoon.

"Here comes our successful entrepreneur! Oh hi there Fia!" hindi ko maalala kung ano ang pangalan ng lalaking bumati saakin pero namumukhaan kong kaibigan din ito ni Isaac.

"Wow man, you've been doing great in this field!"

"Thanks Dominique, I'm looking forward for more branches."

"This will surely click, Filipino love sweets."

"Anyway, nandito na ba ang mayor natin?"

"I think he's coming."

"That's good, ipapahanda ko na ang dinner natin sa itaas. Let's spend time there. Fia can you go there? Doon ang hagdan kakausapin ko lang and staff ko." tumango ako

"Oo naman, kaya ko ang sarili ko Dane."

"Thanks beautiful, meron ng tables doon you can get a food there. I'll be looking at you at the moment I've finished talking with my staff."

"No no, I can manage Dane, kausapin mo nalang muna ang mga importante mong bisita, kaya ko ang sarili ko."

"Okay, thank you Fia. I gotta go now."

Naglakad na ako papunta sa second floor, 'yong mga costumer na nag-avail ng free sweets ni Dane ay nasa first floor, pwede naring mag book no orders, habang sa second floor ang mga visitors ni Dane.

Pagpasok ko sa itaas ay puno ng sweet ambiance ang mararamdaman, merong banda na kumakanta habang ang mga tao ay kumakain at nag-uusap sa tables.

Agad akong lumapit sa table kung nasaan ang mga sweets, titikman ko muna ang mga nakakatakam tignan.

Kukuha na sana ako ng strawberry cheese ng may maunang dumampot doon. Napatingin ako sa lalaki, he immediately smiled at me.

"I'm sorry, here take this." hindi ako nakapalag ng ilagay niya ang slice ng cake sa plato ko.

"Thank you." tatalikod na sana ako ng magsalita 'to.

"I'm alone here, can you join me? Ngayon lang ako dumating sa Philippines and I don't have friends to join me eating this sweets."

Hindi ako nagdalawang isip na pumayag. Wala namang masama, isa pa, ang bait niya at gentleman.

Nalaman ko na pinsan pala siya ni Dane, galing siya sa ibang bansa and his name is James.

"So ilang araw ang bakasyon mo dito?"

"I have a couple of weeks here, pero plano ko munang habaan. I want to unwind here."

"Naku dapat huwag kang bababad sa trabaho, nakakasama 'yon."

"Yeah, how about you what's your work?"

"Secretary ako ng mayor dito sa New Yerk."

"Oh, I heard he's my cousin's friend."

I enjoyed talking with James, marami siyang topics at hindi nakakailang kausap.

Magpapaalam na sana ako kay James at hahanapin ko na si Dane, lalo't one hour na ang nakalipas mula ng dumating ako pero may natapilok at natapunan si James ng drinks sa likod niya. Agad siyang napatayo at humarap sa nakatapon.

Nanlaki ang mga mata ko ng si Isaac pala ito.

-----
HAPPY READING!

Salamat sa mga nag-cocomment I do appreciate it! I love you!

Please don't forget to hit star and comment.

Bad Romance: Taming The Hot Mayor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon