AGAD akong napalingon sa pinto ng bigla itong bumukas.
Nanlaki ang mga mata ko ng makitang si Isaac ang pumasok.
"Hoy hoy hoy, bakit ka pumasok ng walang paalam?" taas kilay kong tanong.
"It's from Vivi." at inilapag niya sa kama ko ang isang box na sigurado akong 'to ang susuotin ko ngayong gabi.
"I'll be waiting outside, huwag kang magtagal. My friends are in Matthias by now, we'll travel 30 minutes before we get there so move your ass now."
Napaikot ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"Oo na, sige na. Labas!"
Mabuti nalang at agad din itong lumabas. Maya-maya naman pumasok na si ate Yelle sa kwarto ko. Inayusan niya ako at nilagyan ng kolorte sa mukha. Light make up lang 'to dahil hindi ako sanay sa heavy.
"Ilalabas ko na ang damit mo."
Tumango lang ako ng sabihin niya 'yon. Nakaupo lang ako sa upuan habang nananalamin.
"Wow! Ang ganda nito Fi, may sandal pa! Siguradong mamahalin 'to." napalingon ako ng sabihin 'yon ni ate.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang susuotin ko.
"Jusmio marimar! Ano 'yan?" nahihintakutan kong saad.
Maiksi at sobrang sexy batman yata ng damit! Kulay itim ito na mukhang ang haba ay sa itaas ng aking tuhod, para pang sinabuyan ng silver dust.
"Ang OA mo Fi! Sanay ka naman na sa mga ganito! Remember nung sumasali ka ba ng beauty contest?" umikot ang mga mata ko at kinuha mula kay ate ang damit.
"Talikod te, magbibihis ako." agad naman itong tunalikod. Mabuti nalang at hindi idadaan sa ulo ang damit na 'to kundi sira ang buhok at mukha ko.
Tube type kasi siya.
Nang maisuot ko na ay napatampal nalang ako sa noo ko.
"Ba't may butas effect pa sa gilid?" lumingon si ate saakin.
"Wow! Bagay sa'yo Fi! Ganda mo! Yaan mo na wala ka namang bilbil e."
Napailing ako. Kung hindi lang para kay Robin at ate e. Alam ko naman na gusto ni ate na pakisamahan namin ang mga Andres, kaya sige na nga!
"Isuot mo na 'yong heels. Bababa na ako. Kakausapin ko nalang muna si Isaac doon baka nababagot na." tumango lamang ako at kinuha and heels na hindi naman ganoon kataas.
Umupo ako sa kama at isinuot 'to. Nang matapos kong suotin 'to ay naglakad lakad muna ako para praktis. Mabuti at medyo sanay ako ng kaunti.
Hindi na ako magdadala ng pocket money total bar naman ang pupuntahan namin, cellphone? Wala akong magandang bag na babagay sa suot ko kaya wag narin.
Napagdesisyunan ko ng bumaba.
Pagdating ko sa sala ay una kong nakita si Robin at Cris Belle.
"Wow tita!"
"Ang ganda mo ate!"
Ngumiti ako sa kanila at dumapo ang mga mata ko kay Isaac. Umawang ang mga labi nito pero agad ding tumikom.
"Are you done?" tanong nito, tumango lang ako.
"Teka ate! Picture muna kayo ni kuya! Sige na kuya remembrance lang!"
"Okay sige. Okay lang ba?" tanong ko dito, hindi ito sumagot sa halip ay lumapit saakin at tumabi. Agad na inilabas ni Cris Belle ang cellphone niya.
"Teka kuya dikit ka pa kay ate." aniya habang humahanap ng angulo.
Dahil doon mas lumapit pa si Isaac saakin. Okay na sana e pero reklamo ng reklamo si Cris Belle ng closerrrrr!
Kaya ayun, tumindig yata ang balahibo ko ng hawakan ni Isaac ang bewang ko. Hindi ko alam pero parang namula ang mukha ko dahil doon. Naiilang ako at iba ang nararamdaman ko, nakikiliti ako sa simpleng paghawak ni Isaac sa bewang ko.
" 1, 2, 3, smile!"
"Ayan! And gaganda't gwapo!" nakita ko ang mga ngisi nila kaya't napailing nalang ako.
"Alis na kami, ingat kayo dito." nauna ng maglakad si Isaac papalabas kaya't agad akong sumunod dito.
"GUYS! I just want you to know how happy I am seeing you all here! Also thanks to my cousin's friend, Matthias for letting me held my birthday party here. I don't want kill joys in my night and so as you can see I never invited old peps so enjoy the night! For those who'll be helplessly drunk after this night all the VIP rooms here are paid by me so please feel to call a crew to help you find a room. Enjoy! And happy 25th birthday to me! Party party! Woooooh!" agad na nag play ang party song matapos 'yong sabihin ni Vivi. Sobrang busy niya kaka-entertain ng mga bisita niya. Ni hindi niya ako napansin na katabi lang ni Isaac.
"Sige na Isaac, punta ka na sa friends mo kanina pa sila tingin ng tingin oh." saad ko habang sinisilip ang mga kaibigan niya, nakita ko rin na sa table nila nakaupo si ma'am Raquel at pinsan nitong si ma'am Olivia.
"Nah, it's okay. Sasamahan nalang kita."
Pakiramdam ko namula ang mga pisngi ko dahil sa sinabi niya.
"You look so hot in that dress Fia." aniya habang umiinom ng alak, napayuko ako dahil sa sinabi nito.
Pero agad din akong napa-angat ng tingin ng makaramdam ako ng hininga sa gilid ng aking tenga.
"Do you want to dance?" bulong nito, wah! Anong ginagawa mo Isaac?!
"I still remember your silly game dear, why are you playing so innocent now? Hmm?" napaigtad ako ng kagatin nito ang kaliwang tenga ko.
"I-Isaac, anong pinagsasasabi mo." namumula kong saad, instead of answering me, he just chuckled and held my waist.
"Here drink this." inabot niya saakin ang isang baso ng alak pero umiling ako.
"Pasensiya na hindi ako umiinom."
"Oh come on! You came to a night party and you'll not drink?"
Napalunok ako habang nakatitig sa baso.
"S-sige na nga." inabot ko ito at agad na nilagok.
Napapikit ako dahil sa tapang ng hagod nito sa lalamunan ko.
"Fvck I'm seeing your cleavage baby girl." nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa dibdib ko.
Hinila niya ako, hindi ko alam kung saan banda ito pero napansin ko nalang na hindi na ganoon kaingay.
"I-Isaac nasaan tayo?"
"We're far from them."
Kitang-kita ko ang medyo madilim na mukha niya.
Gulped.
Naalala ko tuloy ang nangyari saamin noon, ang paghila niya saakin sa loob me office niya, ang paghawak niya sa dibdib ko ang paghalik niya.
"G-gusto ko na pong bumalik doon."
"Not until you'll get your punishment baby."
At doon niya na ako itinulak sa dingding at hinalakin sa labi.
-----
HAPPY READING!
BINABASA MO ANG
Bad Romance: Taming The Hot Mayor
Roman d'amourI am Fiandelle De Jesus and I am taming our hot mayor. 4/5/20