Chapter 2

4.6K 90 1
                                    

HINGANG malalim. Nandito na ako ngayon sa opisina ni Mayor Isaac Andres.

Inilibot ko ang aking tingin sa kabuuan ng opisina. Malinis, hindi karamihan ang mga bagay na nasa paligid.

"Thank you so much, mayor." napalunok ako at napatingin sa lamesa ni mayor. Nakikipagkamayan na ang kausap nito.

Nang lumabas na ang kausap ni mayor ay kaagad na lumipad ang seryoso nitong mga mata saakin.

Tumayo ako ng puno ng confidence at naglakad gamit ang sexy walk na natutunan ko sa secretary ni Don Ramon.

Napalunok ulit ako ng mabigyan ako ng pagkakataon na mas lalong makita ang tila kulay tsokolate nitong mata.

"I am Fiandelle De Jesus and I am your new secretary mayor Isaac." tumaas ang sulok ng kilay niya.

Tumaas baba ang mga mata niya saakin.

Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako. Pangit ba ako tignan?

Pinagkrus nito ang kaniyang kamay at tumingin saakin.

"Hindi mo ba alam na masyadong maiksi ang suot mo? For a secretary, hindi ko maatim na ganyan ang isuot mo sa loob ng opisina ko." napalunok ako, pero wait--huwag kayong mabahala, napag-usapan na namin ng secretary ni Don Ramon kung ano ang isasagot ko.

"Mayor, eto po kasi ang latest fashion style ng office attire ngayon." napalunok ako

"Pasensiya na po. Sa susunod pag-iipunan ko po ang mahahabang office attire." saad ko gamit ang paawa kong boses.

Lumipad ang suplado nitong mga mata saakin. Maya-maya pa ay umiling ito at may kinuha sa gilid ng kaniyang lamesa.

Lumuwa ang mata ko ng ilapag niya ang mga papel sa lamesa.

Pinagkrus niya ulit ang kaniyang mga braso at tumingin saakin.

"Do your job then, review the documents and send to me the important things I need to signed."

Nanghihina ang tuhod na napatingin lang ako sa taas ng papel. Eto ang pinaka-ayaw ko sa lahat ng pinraktis namin ng secretary ni Don Roman ang office work.

"What? Are you going to stare on the paper until afternoon? Move!" napaigtad ako ng sumigaw ito. Dali-dali kong pinulot ang papel sa lamesa at naglakad papalabas.

Hayop! Hindi naman ako nakapaghanda sa pagsigaw ni mayor. Bakit kaya mainit ang ulo ng isang 'yon?
















"ANO po ang atin ma'am?" napalingon ako sa  office mate kong sinalubong ang umiiyak na matanda.

"Gusto kong makausap si mayor! I-iyong lupa na pinaghirapan ng asawa ko! Kinuha na ng pinag-utangan namin! Hihingi ako ng tulong!" saad nito habang tumutulo ang luha.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras naglakad na pabalik sa pwesto ko.

Ang cubicle ko ay nasa gilid lang ng office ni mayor para kapag may kailangan siya'y madali niya akong matatawag.

Hindi ko alam pero simula ng magkita kami ni mayor e mainit ang dugo nito saakin, madalas siyang magsungit at padabog kung mag-utos. Hindi tuloy ako makahanap ng tiyempo para makuha ang loob nito.

Pagdating ko sa cubicle ko ay nanlaki ulit ang mga mata ko. May mga papel na naman kasi doon.

Nakakairita talaga ang Isaac na 'yan!

Dali-dali akong umupo at sinimulang gawin ang dapat gawin. Gusto kong matapos ng maaga ang office works ko ng sa ganoon ay makapagpahinga ang utak ko.












"MISS?" inaantok na napalingon ako sa lalaking tumatawag sa pansin ko.

"Ikaw ba ang sekretarya ni mayor?" tanong nito.

Nakasuot ito ng business suit at may dalang brief case.

"Ah opo sir. Bakit po?"

"Nandiyan ba sa loob si Isaac? I'm his good friend, I just want to talk with him for a minute." saad nito, agad akong tumayo.

"Wait lang po sir ha, kakausapin ko."








"MAYOR Isaac?" pagtawag ko sa pansin niya at isinara ang pinto.

Umangat ang tingin niya saakin at ganoon nalang ang pagkunot ng noo niya.

"Tapos mo na ba lahat ng pinapagawa ko?"

"A-ah, hindi pa po sir."

"Then why are you here?"

"May naghahanap po sa inyo, good friend niyo daw gusto po kayong makausap."

"Then papasukin mo!" napaigtad ako ng sigawan niya ako. Agad akong yumuko at nagpaalam.












NAKATULALA lang ako habang nagpapahinga. Hindi ko alam kung paano ko makukuha ang loob ni mayor e ganoon nalang kasama ang pakikitungo nito saakin.

Naisip ko si Don Roman, hindi ko dapat siya biguin. Dapat makuha niya ang gusto niya ng sa ganoon makuha ko rin ang gusto ko.

Hay! Kaya mo 'yan Fia. Lahat naman diba nakakayanan mo?

Napangiti ako.

Walang sinasanto ang ganda namin. Maraming nabibighani. Baka kailangan ko lang ng ilang araw para mapalambot ang puso ni mayor.

Matapos ang halos isang oras na pamamalagi ng lalaki na kaibigan kuno ni Isaac. Lumabas 'to ng nakangiti.

"Hey--Fia." sabay basa nito sa name ko na nakalagay sa table ko.

"It's nice to meet you, I am Dane. You're boss's good friend." saad nito at inilahad ang kamay.

Agad ko naman 'tong inabot.

"Hello po, Fiandelle De Jesus po." bati ko rin at nag-shake hands kami.

"If you don't mind, I can't stop looking at you. You're beautiful." hindi ko masyadong maintindihan ang sinabi ni Dane pero ang you're beautiful nakuha ko. Maganda daw ako sabi niya.

"Naku, hindi ko naman alam na bolero pala kayo." saad ko at bumungisngis.

"No, hindi ako bolero. You're indeed beautiful. May lahi ka ba?" tanong nito, tumango ako.

"Really? Kaya pala mukha kang foreigner. How's mayor's treatment? Okay lang ba? Is he that bossy?" tanong ulit nito, sasagot na sana ako na ang dami ng mga pinapagawa niya pero bumukas ang pinto ng office ni mayor at lumabas siya.

Tinignan niya ako gamit ang seryosong tingin pagkatapos ay lumingon ito kay Dane.

"You forgot about your keys man." ani nito at ibinato ang susi kay Dane.

"I like talking with your secretary man. She's beautiful."

"No. Stop it Dane, don't bring your fvck boy image here. You're in a respected building."

Napailing si Dane at humalakhak papalayo. Nag flying kiss pa 'to saakin na hindi ko rin sinalo.

Si Isaac ang trabaho ko dito, hindi si Dane.

"Ikaw, stop flirting with my friend. Even if you look beautiful hindi ka papatulan non, get it?" saad nito at pumasok ulit sa office niya.

Wala akong ibang narinig kundi You look beautiful lang.
Ansabe? Beautiful ako para kay mayor? Maganda ganern?

Okay, at least alam ko na nagagandahan si mayor saakin. Baka kaunting push pa ng beauty natin at makuha natin ang loob. Hihi.


-----

Bad Romance: Taming The Hot Mayor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon