Chapter 7

3.1K 123 10
                                    

Suot ang hindi revealing na office attire, pumasok ako sa munisipyo.

Nakita ko ang pagtingin ng mga kapwa ko empleyado saakin.

Siguro naninibago sila.

Agad akong naglakad papunta sa table ko at naupo.

Ginawa ko na ang mga documents na kailangan kong gawin.

Makalipas ang isang minuto ay narinig ko ang halakhakan ng mga lalaki. Paglingon ko'y nagulat ako ng makakita ng kompolan ng mga lalaki.

"I was laughing the whole time man! Matthias is really stuck!"

"That's why I don't have plans of marrying."

"Well, you can never tell."

Napalunok ako ng marinig ang mga boses nila.

Maya-maya pa'y huminto ang mga 'to sa harapan ko. napilitan akong lumingon sakanila.

"Hello sir, what can I do for you?" tanong ko habang tinitingala sila, apat sila at kapwa nakangisi ang mga 'to.

"Are you miss Fiandelle De Jesus? Mayor Andres sexy-tary." ani ng isa sa kanila, sinundan naman ng tawanan ng tatlo ang sinabi niyang 'yon, namula ang pisngi ko.

"H-hindi naman po, may kailangan po ba kayo kay mayor?" nahihiya kong saad, sasagot na sana ang isa sakanila ng may sumigaw.

"Men! Stop being so close with her!" nanlaki ang mga mga mata ko ng matanaw ko si Dane.

Ano na naman bang gingawa ng lalaking 'to dito?

"Hey man!" bati ng tatlo apat sakanya

"Hi Fia!" nakangiti nitong bati saakin, para akong nahihilo sa limang lalaki na nakatingin saakin.

Napahawak ako sa ulo ko at maya-maya'y napatayo.

"Wait!" inalis ko ang pagkakahawak sa ulo ko at inisa-isa silang tignan.

"Ano po ba ang kailangan niyo? Nahihilo ako sainyo." naiinis kong saad.

"We're going to see Isaac. Is he here?" saad nito at ngumiti, agad akong natauhan, sus! Ang gwapo ng ngiti nito!

"E-eh, wala pa si mayor pero pabalik na 'yon. Kung gusto niyo e, hintayin niyo nalang sa loob si mayor." agad akong umalis sa pwesto ko at pinihit ang siradura ng pintuan sa office ni mayor.

Nang bumukas na ito'y inilahad ko ang kamay ko.

"Pasok kayo."




















"MAYOR, pasensiya na po at hindi ko nasabi kaagad. Nasa loob po ang mga kaibigan niyo." ani ko habang naglalakad ng mabilis, mabibigat ang hakbang ni mayor at tila nagmamadali.

Jusko, hindi ko pa nakakalimutan ang halikan namin at mukhang hindi ko na 'yon makakalimutan! Siya ang first kiss ko!

"Bakit mo pinapasok?" nakabusangot na saad nito

"Pasensiya na po nakakahiya naman kung sa labas ko sila pinaghintay."

Patuloy parin kami sa paglalakad patungo sa office niya.

"Why Fiandelle?" kumunot ang noo ko ng magtanong si mayor nun. Hano raw? Kasasagot ko lang diba?

"Po?"

"Why did you change your fVcking fashion style?" nagulat ako ng salubungin niya ako ng seryosong mga mata.

"Are you now backing out from that game of yours?" kumalabog ang dibdib ko. Heto na naman tayo.

Bad Romance: Taming The Hot Mayor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon