"YES ma, nandito lahat ng kaibigan ni Isaac. maliban nalang doon sa ikinasal na at 'yong Yael daw ang pangalan."Sagot ko kay mama. Kumakain si Robin ng spaghetti habang buko salad naman kay Cris Belle.
Katatapos lang nila umahon sa pool. Si mama ang nagaasikaso sa mga bata habang si ate Ivory, ate Yelle ate kuya Benj ay nagkakantahan, nagrent din kasi ng videoki.
"Isaac, iho, kumain ka na ba?" salubong ni mama sa kakarating lang na Isaac. I smile secretary while taking a glance at him.
Napatingin siya saakin pero agad ding umiwas ng tingin.
"Busog pa po ako," aniya habang kumukuha ng soft drinks.
"Nariyan daw ang mga kaibigan mo? Bakit hindi mo inimbita dito?"
"May sariling cottage ho sila at may pagkain din. Sino po nagsabi sainyo? Si Fiandelle?" he asks while looking at me.
Hindi ko alam pero parang kinikilig ako sa panay palitan namin ng mga tingin.
"Ah oo, nagtaka kasi ako ng mawala ang batang 'to." ani mama habang inaayos ang lamesa.
"Baka nakipagkita sa boyfriend niya." nakangising saad ni Isaac, agad na nanlaki ang mga mata ko.
Naku! Ilalaglag mo pa ako ha?!
"Haha, kung sana magkanobyo na nga 'yan iho."
"Oo nga kuya Isaac. Ang tanda tanda na ni ate pero no boyfriend since birth parin." sabat naman ng sulsol kong kapatid.
Pinanlakihan ko siya ng mga mata.
I saw how Isaac eyes twinkled. Tsk!
"Soon po, magkakaroon din 'yan. Sige po punta muna ako sa room ko."
Paalam niya. Oo nga pala, tatlong kwarto lang ang kinuha namin. Kwarto ni ate Ivory at kuya Benj, kwarto ni Isaac at kaming magpapamilya. Pero ang sabi ni ate Ivory mag-aadd nalang daw kami ng isa pa para separate room daw kami ni Cris Belle.
Masikip narin kasi kung kami lima sa iisang kwarto.
"Ma, punta ako doon sa kabilang cottage mamaya ha?" tumango lang si mama.
Alas dos ng hapon, nasa kanya-kanyang kwarto kaming lahat. Kinuhanan na kami ng kwarto ni ate Ivory kaya't kami ang second to the last room. Pinaka-last kasi kay Isaac.
Biglang pumasok si Cris Belle na halatang inaantok. Air-conditioned kasi ang rooms at medyo nakakapagod talaga lumangoy-langoy kaya inaantok kaming lahat.
"Ate hinahanap ka ni kuya Isaac sa labas. Pinapasundo ka daw ng friends mo sa kabilang cottage." aniya at pasalampak na humiga sa kama.
Kumunot ang noo ko at agad na lumabas ng kwarto. Pagkasarado ko palang sa pinto ay agad akong dinamba ng yakap ni Isaac mula sa likod.
Ahmad akong humarap sakanya at hinawakan ang mukha niya.
"Huwag dito Isaac, gusto mo bang makita nila tayo?" he rolled his eyes
"They can't see us baby, natutulog silang lahat."
Oo nga naman, kasasabi ko pa nga pala.
"Oo na, ikaw hindi ka ba inaantok at pupunta ka pa sa kabilang cottage?"
Isaac smiled and gripped my waist. Agad na dumaloy ang mainit na pakiramdam saakin.
Ghad.
Napatingin ako sa mukha ni Isaac. Grabe, ang gwapo!

BINABASA MO ANG
Bad Romance: Taming The Hot Mayor
RomanceI am Fiandelle De Jesus and I am taming our hot mayor. 4/5/20