Chapter 21

2.4K 81 1
                                    

"THIS is the Malamig Inland Resort. Has a various of pools, cottages and rooms for overnights." saad ni ate Ivory habang naglalakad kami papasok sa resort.

"Good morning po ma'am, sir." bati ng security guard.

Agad siyang nag head count saamin.

Matapos niyang mabilang kung ilan kami ay agad na itinotal ng cashier ang entrance fee.

Nakita ko ang pag-abot ni ate Yelle ng pera pero hindi 'to tinaggap ni ate Ivory.

Nakakahiya naman. Mukhang gastos pa ni ate lahat ng entrance fee namin.

Hindi nalang ako tumingin sakanila. Inilibot ko ang mga mata ko at huminto 'to kay Isaac. He's wearing a fancy sun glasses na match na match sa out fit niyang black bohemian shorts and white t-shirt.

Grabe! Ba't parang ang gwapo niya?

Gaga, matagal na 'yang gwapo Fiandelle.

Sabagay.

Inilihis ko nalang ang mga tingin ko. For the past few days, naging mas clingy ang mayor niyo. Sobrang showy niya kapag nasa munisipyo kami.

Pero nakiusap ako na hindi muna ipahalata sa pamilya namin ang tungkol sa amin.

Nahihiya ako kay Cris Belle, kay ate at kay Mama. Grabe ako kung mangaral sa bunso namin pero ako pala 'tong kakainin lang ang sasabihin.

"Okay na po ma'am, this way please." ani ng babaeng pakiramdam ko maghahatid saamin sa cottage namin.

"Thanks." nakangiting saad ni ate Ivory, sobrang ganda ni ate, naka black sexy tops ito na pinaresan ng orange candy short tapos ang puti-puti pa niya, naka hat ito at naka sun glasses. Ganoon din ang asawa nito, super perfect nila!

"Cottage number 33 and cottage niyo ma'am. Room 6, 7, 8 naman ang private rooms ninyo. Kapag may kailangan pa po kayo feel free to contact us here at kami na mismo ang pupunta sainyo. Pwede po kayong maligo sa kahit saang pool provided naayon ang suot niyong damit at age. Ang comfort rooms po ay accessible. At may mga canteens sa loob ng resort."

"Thank you miss." pasasalamat nila

"Enjoy your stay po!"




















"HAPPY BIRTHDAY ROBIN, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY ROBIN!" kanta naming lahat.

"O sige anak, blow the candle na."

"Oops! Huwag mo kalimutang mag wish Robin." paalala ni Cris Belle.

Pumikit naman si Robin sandali at maya-maya'y hinipan ang kandila.

"Yehey!" sigaw namin ng mapatay na niya 'yon.

Sobrang intimate ng birthday celebration ni Robin. Iyon kasi ang request ni ate Yelle kay ate Ivory. Gusto kasi sana ni ate Ivory na children's party ang gawin at sa bahay 'yon pero alam naman nating lahat na pagpapanggap lang ang lahat para sa health ni Robin kaya iniiwasan talaga namin ang family gathering ng mga Andres. Kalat na ang balitang may anak ang Papa nila ate Ivory sa iba, sari-sari ang naging reaksyon. May iilang close relatives nila ate na dumadalaw sa bahay at kinikilala si Robin.

Hindi nawawala saakin ang pangambang baka dumating ang araw na malaman nina ate ang totoo. Ano kaya ang magiging reaksiyon nila lalo pa't napapamahal na sila kay Robin?

Bakas sa mukha ni Robin ang saya.

Sinamahan siya ni Cris Belle na maligo sa children's pool. Naka swimwear talaga lahat ng mga tao dito sa resort. Most of girls wear swim suits, two piece at meron din namang hindi masyadong revealing.

"Ate, ang yaman ng Andres." ani ko habang nakatanaw si ate Yelle kina mama, Cris Belle, Robin, ate Ivory at kuya Benj.

"Oo nga, sana pala kay Victor nalang ako nagpabuntis no." she jokingly said.

"Ate!" saway ko

"Hindi ka ba natatakot na baka malaman nila ang totoo?"

She stared at them for a while then smile.

"Natatakot, pero tignan mo si Robin, ang saya niya. Nakakapagsuot siya ng mamahaling damit at sapatos na hindi ko kailanman mabibigay sakanya. Nag-aaral siya sa private school, nakatira sa magandang bahay. Nakakapag celebrate ng birthday. Fia, eto ang pangarap kong buhay sa anak ko."

Napabuntong-hininga ako.

"Pangarap mong mabuhay sa kasinungalingan ate?"

"Kung para sa anak ko Fia, mangangarap ako."

Napatulala ako, ganun ba 'yon?

Para sa anak mo hahamakin mo lahat? Kahit magsinungaling ka? Kahit may tinatapakan ka ng tao?

"Hindi mo pa ako maiintindihan sa ngayon pero balang araw, kapag nagkaanak ka na, masasabi mo rin sa sarili mong gagawin mo ang lahat makita mo lang na masaya at komportable sa buhay niya ang anak mo."

Napailing ako.

Kalokohan.

Tumayo ako at kumuha ng lumpia sa lamesa.

"Oh? Saan ka pupunta?"

"Maglalakad lakad nalang po muna ako." paalam ko

Ngayon ko lang napansin na nawawala pala si Isaac. Nasaan kaya 'yon?

Nandoon pa naman siya sa cottage ng huli ko siyang makita a? He's eating with kuya Benj.

Tsk. Bakit ko ba siya hinahanap?

Para naman magkaroon ka ng break mula sa gwapong nilalang na 'yon Fiandelle no.

Maganda naman sa Malamig Inland Resort. Affordable ang cottages and rooms, magaganda din ang pools nila at sobrang daming designs ang pools.

"We heard about your vacation in this inland that's why we decided to go here to. Gusto din namin magrelax, Isaac no." napalingon ako sa gawing pinanggalingan ng boses, pamilyar kasi.

Boses ni Raquel.

"Sorry man, mapilit si Raquel. She wants us to join her and her cousin. Miss narin naming mag short vacation." ani Noah

Kumunot ang noo ko ng lumingkis si Raquel kay Isaac. For God's sake she's only wearing a red swim suit at shorts.

Napapikit ako. Grabe ha, sakit sa mata.

Akmang tatalikod na sana ako at babalik na sa cottage when I heard someone called my name.

"FIA? Ikaw ba 'yan? Fia it's me! James!" agad akong napalingon, I fakely smile at them.

"Oh, sumama pala ang sekretarya mo?" rinig kong tanong ng pinsan ni Raquel. I saw how sharp she looks at me.

"She's my brother's tita." pagpapaliwanag ni Isaac.

Umikot ang mga mata ko ng tumingin si Isaac saakin.

Hindi na ako muling tumingin sakanya.

"Oy James, nandito ka pala?"

"Well, my cousin Dane invites me to join them. So happy to see you here."

"Yeah, yeah." matabang kong saad, sinisilip ko si Raquel na hindi parin umaalis sa pagkakalingkis kay Isaac.

"Do you want to swim? Nandiyan lang ang cottage namin o. Come on let's swim."

Ngumisi ako.

"Okay sige, pero babalik lang ako. Magbibihis muna ako."


-----
As I said, I will try to update.

Here it is! Thank you po for voting and commenting. Inuulit ko po, I am not allowed na magbabad sa gadgets so please understand bakit mabagal updates ko.

Happy reading!

Bad Romance: Taming The Hot Mayor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon