Nakakapagod, iyon ang unang naisip ko pagkarating ko sa street namin. Bumaba na ako sa tricycle at inabot ang bayad kay manong.
Hindi na kasi ako mahahatid ni manong sa mismong tapat ng bahay namin kasi maliit ang iskinita at tanging isa o dalawang tao lang ang makakadaan.
Sabihin nalang nating, squatter area nga ang kinalalagyan ng bahay namin.
Habang naglalakad ako, hawak-hawak ko ang back bag na dala ko. Nasa loob ang office attire na isinuot ko sa office kanina.
"Oy si Fia ganda, hi Fia!" napalingon ako sa tumawag sakaain sa di kalayuan ay may nagsusugal habang umiinom ng alak.
Hay, karamihan talaga sa mga lalaki dito ay alak ang bisyo. Halos araw-araw kung uminom.
"Tigilan niyo na 'yang pag-inom inom niyo." saad ko at ngumiti sa kanila.
"Si Fia naman oh." napakamot 'yong lalaki at tumungga nalang ng alak.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Pero sa di kalayuan may pamilyar akong mukha na nakita. Naiyukom ko ang aking kamay at dali-daling naglakad.
Tinitigan kong mabuti ang mukha ng nakabungisngis na babae habang naka-akbay sakanya ang lalaki.
"Cris Belle!" tumingin ito saakin at napalayo sa lalaki.
Tumayo si Ramsey na para bang pinoprotektahan ang kapatid ko.
"A-ate--"
"Ang haliparot! Bakit ka nandito at nakikipaglandian sa lalaking 'to? Ha?!"
Hinila ko ang kamay niya pero hindi siya nagpahila. Humawak siya sa braso ni Ramsey.
"Sabihin mo nga saakin nobyo mo ba ang lalaking 'to?" nakita ko ang panginginig ng mga mata niya.
"A-ate kasi--" marahas kong hinila si Cris Belle.
"Tumahimik ka nalang. Tara na!" hinila ko na siya at naglakad na kami papaalis. Sinamaan ko ng tingin si Ramsey.
Yumuko lang ito at napakamot sa kaniyang ulo.
"ATE! Bantayan mo kasi 'tong kapatid natin! Nakikipagharutan na naman kay Ramsey!" umiiyak si Cris Belle ng sabihin ko 'yon.
Napaikot ang mga mata ko.
"Alam mo namang may anak na ako Fia, hindi ko naman mababantayan bente kwatro oras si Cris Belle, kung gusto niya na talagang mag-jowa, mapipigilan ba natin?" tanong nito habang sinusuklayan ang buhok ni Robin, anak niya.
"Hindi pwede! Naiintindihan mo ba ako Cris Belle? Ginagawa ko 'to para sa'yo! Ginagawa ko 'to para hindi ka matulad kay --!"
"Ano Fia? Matulad saakin? Oo hindi ako pinanindigan ng nobyo ko pero masaya ako na dumating si Robin saakin." kalmado nitong saad.
Natigilan ako at napayuko. Kainis naman! Bakit ba hindi nila ako maintindihan?
"Cris Belle, makinig ka kasi sa ate Fia mo. Tama naman siya, ang bata bata mo pa para makipagrelasyon. Huwag ka ng sumunod pa saakin."
"P-pero ate Yelle, masaya ako kay Ramsey." umikot ang mga mata ko at napasabunot sa buhok ko.
"Tang-na naman Cris Belle! Anong masaya? Ang bata bata mo pa!" akmang sasampalin ko ito ng may humawak sa kamay ko.
Paglingon ko si mama pala. Napabuntong-hininga ako at napalayo kay Cris Belle. Umiiyak na nakatingin 'to saakin.
Maya-maya pa'y umalis ito at nagpunta sa kwarto namin.
Napapikit ako.
"Naiintindihan kita Fia, pero naiintindihan ko rin si Cris Belle, kay Ramsey niya nakita ang kasiyahan na hindi natin mabibigay sakanya. Nanggaling na ako diyan Fia at tandaan mo 'to, madadaanan mo rin 'yan."
Kumunot ang noo ko.
"Hindi ko kayo maintindihan ate, kinukunsinti niyo kasi si Cris Belle kaya nagrerebelde. Di bale, si Ramsey nalang ang kakausapin ko." at mahinahon akong naglakad papunta sa kusina.
"ANAK, hindi naman sa kinukunsinti ko si Cris Belle. Alam kong nangungulila lang siya sa pagmamahal ng isang ama at baka sa pagnonobyo niya nakukuha ang uhaw na 'yon." napapikit ako, nandito kami ni mama sa sala.
Nasa kwarto na si ate Yelle, Cris Belle at Robin. Siguro sa mga oras na ito'y tulog na ang mga 'yon.
"Hindi ko po maintindihan ma. Hindi naman ako kailanganman nauhaw sa pagmamahal ng ama. Pakiramdam ko okay naman kung wala siya o walang lalaki sa buhay."
Napatingin ako ako kay mama ng hagurin niya ang mukha ko.
"Ang ganda mo Fia, alam kong maraming nagkakagusto sa'yo pero hindi mo pinagtutuunan ng pansin. Alam ko na balang araw may taong magpapatibok dito," sabay haplos niya sa bandang puso ko.
Napaiwas ako ng tingin at napailing.
"Ayoko muna sa ganyan mama. Gusto ko mapagtapos si Cris Belle ng sa ganoon hindi niya maranasang maghirap sa paghahanap ng trabaho. Ayokong wala akong magawa para makaahon sa kahirapan ma."
Naiiyak man ako pero hindi ko hinayaan na tumulo ang luha ko.
Malakas ka Fia diba? Hindi ka dapat umiyak.
"Nga pala anak, kamusta ang trabaho mo kay Don Ramon? Kamusta sa munisipyo?"
Nagpapasalamat ako na iniba ni mama ang usapan. Alam ko na nararamdaman niyang bumibigat na ang usapan namin.
"Okay naman po, nahihirapan ako sa gusto ni Don Ramon, masyadong mailap si mayor."
"Siguraduhin mo lang na hindi kana mahuhulog sa mayor natin, mahirap magmahal ng mayaman. Nakakamatay." at tumawa si mama na para bang feel na feel niya.
"Hay mama, kung di lang sa benefits na makukuha ko kapag nagtagumpay ako. Hindi ko gagawin 'to. Kasing sama na ako ni Don Ramon, pumayag kasi ako na saktan ang isang inosenteng lalaki. Hindi niya man lang alam kung ano ang pinaplano ko."
Hinagod ni mama ang likod ko.
"O siya, lagi ka lang mag-ingat. Nandito lang ako nakasuporta sa lahat ng gusto mo."
"Salamat ma." ngumiti lang si mama at nagpaalam na papasok na sa loob ng kwarto.
Napatitig ulit ako sa kawalan. Naisip ko si ate Miyelle, si Cris Belle at si Isaac.
Una, alam kong nasaktan si ate Miyelle sa alitan namin kanina. Naging kalmado siya at tinanggap niya lahat ng punto ko.
Pangalawa, si Cris Belle, alam kong bunso siya at nasaksihan niya ang paghihirap ng pamilya namin. Bata pa lang siya namulat na siya sa malupit naming mundo, kinain ng lungkot at pangungulila.
Pangatlo, si Isaac, alam ko na masama ang planong kunin ang loob niya at saktan sa bandang huli. Maganda ang performance niya at marami siyang project na inilabas para sa munisipalidad namin.
Alam kong gahaman lang si Don Ramon at biktima lang si Isaac sa pagiging gahaman niya. Pero wala akong magagawa, kailangan ko lang ng pera at oportunidad para mapabuti ang buhay namin.
-----
Vote and comments are appreciated :)

BINABASA MO ANG
Bad Romance: Taming The Hot Mayor
RomanceI am Fiandelle De Jesus and I am taming our hot mayor. 4/5/20