Chapter 6

3.1K 121 6
                                    

Unti-unting lumalim ang mga halik ni Isaac saakin. Napabukha ang bibig ko ng kagatin niya ang ibabang labi ko.

Shit! Ba't ang galing niya sa paghalik?

Mas lalong dumiin ang pagkakahawak niya sa kaliwang dibdib ko.

Pakiramdam ko ay bibigay na ako at lahat ng prinsipyong pinanghawakan ko ay mawawala nalang bigla.

Nang may biglang kumatok. Agad akong napaigtad at bumitiw sa halik niya.

Ngumiti ito saakin at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"I'm into your game, Fiandelle. Let the game begin." at ngumiti ito ng nakakaloko.

"Fix your self." utos nito, nangangatal ang kamay na inayos ko ang pang-itaas kong damit. Ganoon narin ang mukha ko.

Nang matapos ko na ay bumalik si Isaac sa pwesto niya at umupo na.

Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto ng office.

Sumalubong saakin ang nakangiting mukha ng isang sopistikadang babae. Nakasuot ito ng jeans at mamahaling shirt na madalas kong makita na suot ng mga teen ager ngayon.

"Hello, nakaistorbo ba kami? I am looking for mayor Isaac Andres. I'm his--"

"She's his ex-lover." saad ng babaeng kasama nito.

Umawang ang bibig ko.

Ex-lover?

Ex? As in ex-girlfriend?

Napatitig ako sa mukha ng babae. Parang familiar.

"I am Raquel Del Monte." pagpapakilala nito, luminga-linga siya

Del Monte?

Oo nga! Siya ang nag-iisang anak ni Don Ramon!

"A-ama niyo po si Don Ramon?" tanong ko habang nanginginig ang mga kamay.

"Yes! She's the only daughter of Del Monte's. Nandiyan ba si Isaac?" tumaas ang kilay ng kamasa ni ma'am Raquel.

Napatango ako.

"A-ah o-opo. Nasa loob po si mayor. Pasok nalang po kayo." saad ko at yumuko na, hindi ko na hinintay na sumagot pa silang dalawa.

Agad akong naglakad papunta sa cr.
























NATATAKOT ako, hindi ako ganoon ka bobo para hindi maramdaman ang galit na nakikita ko sa mukha ni Isaac. May alam na ba siya tungkol sa totoong ako?

Alam niya na ba na nagtatrabaho ako para kay Don Ramon?

Napahilamos ulit ako. Nandito ako sa cr at may ilang minuto narin akong narito.

Iniisip ko kung dapat ko pa bang ipagpatuloy ang pang-aakit ko kay mayor.

Pero kapag umatras ako, siguradong pag-iinitan ako ni Don Ramon.

Napapikit ako. Ano ba 'tong pinasok ko?

Iwinaksi ko ang pagkalito at inayos ang sarili. Kailangan ko ng bumalik sa pwesto ko.

Naglalakad ako pabalik sa pwesto ko ng makasalubong ko si ma'am Raquel at ang kasama nito.

"He was so rude, couz! Naiinis ako sakanya!"

"Hayaan mo na Olivia, maybe he's still hurt about what happened between us. Now that daddy is still in coma I'll do everything just to win him back."

Nakalagpas na sila saakin ngunit ako'y napatigil.

Nasa coma si Don Ramon?

Win him back?

Bad Romance: Taming The Hot Mayor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon