Chapter 24

2.6K 80 17
                                    

Raquel Del Monte

Thank you dear lord for making my daddy safe.

1k                         1.2k                        587

"Fia! Fia dali!" nabitawan ko ang hawak kong remote control ng magsisigaw si ate mula sa kusina.

Wala akong pasok ngayon dahil linggo. Isang linggo narin simula ng birthday party ni Robin. Sa loob ng isang linggo, naging busy kami.

Si ate Ivory at kuya Benj ay hindi na muling nakabisita pa dahil sa business nila. Si Robin ay running for first honor sa classroom nila kaya't todo bantay si ate Yelle sa oras ng pagtulog nito, sa pag-aaral nito at sa mga kinakain nito.

Si Isaac?

Wala namang pinagbago, simula ng makuha niya ako mas lalo itong naging sweet. Pinipilit nga niya akong sabihin na sa pamilya ko ang tungkol saamin, oo tungkol saamin, he asks me if I can be his girl the moment I opened my eyes after our love making and I instantly say yes! Aarte pa ba ako?

Iyon nga lang, ayoko pa. Hindi pa ako handang sabihin kay mama, ate at Cris Belle ang relasyon namin.

Hindi ko alam, nag-aalala ba ako sa pride at ego ko?

Nang makalapit na ako kay ate ay agad niyang ipinakita ang cellphone niya.

"Ano 'to?" nagtataka kong tanong

"Dali basahin mo."

Binasa ko and face book post ni...

Raquel Del Monte

Thank you dear lord for making my daddy safe.

1k                         1.2k                        587

Napahawak ako sa bibig ko. Tila tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.

Ibinalik ko kay ate ang cellphone niya at napahilamos sa mukha.

"Grabe no? Na-coma pala 'tong si Don Ramon." aniya

Naglakad na ako pabalik sa sala.

Gising na si Don? Halos makalimutan ko ang trabaho ko sakanya at natatakot ako na baka sa paggising niya naaalala niya parin ang trabaho ko sakanya.

I sighed and sit on the couch.

Anong gagawin ko?

Paano kung malaman ni Isaac? Magagalit kaya siya?

Hinilot ko ang sintido ko.

"Hey baby." halos takasan ako ng dugo dahil sa gulat

Nang maaninag ko ang mukha ni Isaac ay agad ko siyang niyakap.

"Woah, what's with this baby?" tanong niya pero ginantihan parin ako ng yakap. I tightly hug him memorizing the feels whenever he's near with me.

"Okay baby, I admit I love your hug but ate Yelle might see us." doon ako natauhan, agad akong bumitaw sa pagkakayakap sakanya.

Bad Romance: Taming The Hot Mayor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon