Megaphone by fivesauce
"I LOVE YOU, ALEXA!"
Isang umaalingawngaw na tunog ang nagmula sa may gubat. Sinong matinong tao ang sisigaw noon? W-wait, Alexa? Name ko iyon eh! Pinagtritripan yata ako. Or baka nag-assume lang ako na ako yun? Madami namang Alexa ang nandito sa campus.
Tsaka kung sino man yun, not interested. Hindi nga niya mapakita kung sino siya, maparamdam pa kayang mahal niya ko? Words without actions are useless.
Akala nga nila ako iyon kasi tinutukso nila ako. Siguro, ako lang ang may mataas na posisyon na pangalan ay Alexa kaya akala nila it was me. Tinutukso pa din ako ng mga kaklase ko sa sinabi nung lalaking iyon, or more like sinigaw. Gumamit pa yata ng megaphone ang baliw. Pero in all fairness with matching taas kilay, first na may magkakagusto sa akin.
Hindi ko din naman kasi alam kung ano pa ang kulang sa akin. They say I'm pretty-I get that almost everyday. Mayaman naman ako, we own a lot of lands and businesses. I even excel in both academics and sports, class valedictorian ako nung graduating kami ng highschool no! I'm also highly respected at this school because I'm the student council Vice President.
Pero alam niyo, kahit walang admirer, basta andyan siya. Sinong siya? Ang president na palaging tumatalo sa akin sa mga bagay-bagay. Fourth year na kami ngayon and were the only ones running for suma cum laude. BS Accountacy ang course ko, relates to Math.
Siya si Lance Alexander Zamora, I prefer to call him Gatorade. Hindi siya masungit, he's actually friendly to everybody. Hindi ko nga malaman kung special ba ako sa kanya or he just does sweet stuffs to every girl.Hindi makakaila na maging mag-close kami. Palagi kaya kaming magkasama sa mga clubs kasi we have the same interests. Kaso, nung highschool yun.
I don't know how it changed, or how he changed. Basta, on are graduating ceremony wala siya, dapat siya ang magiging valedictorian. Pero, hindi siya dumating so they offered me the position.
I tried texting him a couple of times but he didn't send a single reply. Tapos nalaman kong bumalik siya for college. I was so damn happy, pero when I approached him. He acted like he doesn't know me, ang cold din ng pakikitungo niya.
Hanggang ngayon.
Sige, kunyari naniniwala ako.
Nagsimula na akong maglakad papuntang Student council room, may tatapusin pa kasi kami ni President. Kahit ngayon I can't even say his name. Bitter ko ba? Okay lang, umasa naman ako. I have the right to feel that way.
Wow, the room's full pero there's one person missing. "Nasaan si President?" tanong ko sa kapwa Student Council Officers. Pero they just shrugged and continued on what they're doing.
Bakit ba, Gab? Hindi mo ba kayang gawin yan? Sabi ko nga, kaya ko naman mag-isa. Pero kasi-Aish, nevermind. Ilang minutes lang bumukas yung pinto and we saw a President that doesn't have posture, plus the panting.
Tinitigan ko siya, wala pa ring kupas. Sa tuwing tumitingin ako sa kanya tumitibok ng mabilis yung puso ko. Gusto kong iwasan pero, hindi ko kaya. Para bang nakaka-adik siya?
Sandali kaming nagkatinginan pero ako na ang naunang umiwas ng tingin.
"Nasaan na ang mga pinagawa kong paperworks?" he said full of authority.
"N-nandito, President" sabi ko at iniabot sa kanya iyon.
Kinuha niya at biglang tumalon yung puso ko when he touched my hands habang kinukuha yung paperworks. Yung puyat sa pag-gawa ko nyan nawala dahil sa isang hawak nlsa kamay na iyon.
Please, Gab Delos Reyes. Iwasan mo ito.
--
"JE'TAIME DELOS REYES" ayan nanaman ang maingay na lalaki.
Pangalawang araw na ito, kapag pang-lima na at hindi niya pa tinigil yan I'll start to assume things. Ayoko ng umasa sa mga bagay na walang kasiguraduhan. I did that before. And yeah, the usual feeling, it hurts.
Hindi ko na inintindi yung lalaki kasi hindi ko alam kung totoo nga ba ang pinagsasabi niya. Hayaan nalang natin, masyado ng magulo ang buhay ko to let more dramas enter.
Ako ang main target ng tuksuhan ngayon. Kesyo bakit daw ang sungit ko, kesyo malay ko daw gwapo, at kung ano pang mga positibong bagay yung sinasabi nila. Talagang pinupush nila sa akin ito ha?
Depensa naman ng isip ko 'May hinihintay si Gab eh, sana mapansin niya naman', pero malabong mangyari. Hindi nga niya ma-admit sa sarili niya na kilala niya ako, mapansin pa kaya? Hmm, pero hindi masamang mag-hintay.
Maghintay lang, hindi mag-assume.
Pumunta ako sa locker ko, na sa kasamaang palad, katabi ng locker ng blue-head. Nang mapalapit ako doon, may nakita akong picture ng megaphone. Anong ginagawa nito dito? Pakana ba ito nung lalaki na sumisigaw? Hala, paano niya na-open locker ko? Siguro magnanakaw ito kaya nabuksan niya locker ko.
Or maybe slinide niya lang doon sa flat na butas sa taas ng locker ko.
Wala namang iba. Isang megaphone lang ang nakalagay doon, ni walang sulat. Tinapon ko na yun, as if naman iki-keep ko yun. Ano namang gagawin ko sa isang picture ng megaphone? Wala naman.
Kri-numple ko na yung paper at nilagay sa trashbin, bigla naman akong nakarinig ng malakas na kalabog sa may hallway. Buti, break time pa at hindi magko-cause ng ingay sa mga classrooms. Lumingon ako para tignan kung ano ang nangyayari doon, and yeah, I regret turning around.
Ayun nanaman siya, si Gatorade.
Nabitawan niya yung maleta ng babae na kasama niya, sumakit naman yung dibdib ko. Bakit may babaeng kasama si Gato? Ano ba yan, Gab. Syempre girlfriend niya! Ang ganda pa naman, may lahi siguro ito. She's more prettier and skinnier than me, anong laban ko dyan? Wala namang competition, talo na ako.
Dumaan sila sa may locker ko at kumunot yung noo ng babae habang nakatingin sa akin. May dumi ba mukha ko? Nakakainsulto yung ginagawa niya, parang krini-criticize niya ako. And I hate being criticized, para bang ang low ng tingin nila sa akin.
And I smell toruble dahil huminto sila sa harap ko. Talagang magka-holding hands pa ah! Ang sarap manapak. Please, get me away from this girl. Pero parang nawala lahat ng galit ko ng marinig ko yung boses ni Gatorade.
"Alexa, may naiwang kailangang gawin sa office. Dalian mo" at pagkatapos nun umalis na siya, I mean sila.
Alam mo yung masakit? Yung seryoso at mukha siyang galit kapag nakatingin sa iyo pero nung kinausap niya yung babae biglang naging happy ang aura at nag-smile pa siya! Which he rarely do ngayon.
Dati, sobrang lapit namin sa isa't isa, pero ngayon parang may malaking space na.
--
"GAB, I LOVE YOU SO BADLY"
Kailan ba titigil ang lalaking iyan? I swear, bukas kapag hindi pa tumigil yan susugudin ko yung forest at hahanapin siya doon ng walang alinlangan. Nakakahiya na kasi, he's making a commotion everyday.
Dahil din dito, nababansagan akong hard-to-get.
If you were on my position, mamahalin mo ba agad-agad ang isang lalaki na hindi mo pa nakikita nor nakakausap? What if he's a rapist, kidnapper, murderer or any dangerous criminal? Okay, I'm going overboard with my thoughts again. Yung sa akin lang, why does he have to hide kung pwede niya naman akong kausapin right?
At ngayon din napagdesisyunan ko na kausapin ng maayos si Gatorade para tanungin yung mga gusto kong itanong, at sana sagutin niya ng maayos kasi hindi na ako makatulog sa gabi everytime na iniisip ko kung anong nangyari sa kanya.
I even thought na pinalitan ng alien yung brain niya kaya naging ganyan siya. For crying out loud, nababaliw na ako! Kaya ngayon, I'm putting an end to this. I need answers, real ones.
Humahanap lang ako ng tiyempo. Naglakad-lakad ako sa fields, PE time namin ngayon at nakita ko si Gato na kasama pa din yung babae. I'm feeling a bit of jealousy, alam kong wala akong karapatan but blame my freaking heart and brain. Sila ang mastermind.
Sana hindi ako sumabog, maglalaro pa naman kami ng volleyball. Baka, 'accidentally' ko siyang matamaan. Nakakapanggigil! Tignan mo oh, hinawakan pa ang kamay! Argh.
"Gab! Mag-serve ka na!" napalingon ako sa team captain namin.
Right, magseserve na ako and I'll make it memorable.
Umatras muna ako, then binato ko yung bola forward at hinabol yun sabay talon. Malakas na malakas, yung tipong lilipad hanggang pluto.Lahat ng kinikimkim kong galit linabas ko sa bolang yun, namula pa nga yung kamay ko eh.
"Aray!"
"Gemma, okay ka lang?"
Binuhat siya ni Gatorade hanggang mapunta sila sa kung saan kami naglalaro. And by the looks of his face, I can tell he's seriously mad and parang he's craving for bloodlust. "Who threw that ball?!" sigaw niya na umalingaw-ngaw sa buong Gym Stadium.
Lahat ng atensyon napunta sa akin dahil tinuro ako ng mga team mates ko. Oh my god, katapusan ko na ba?
"Please, take her to the clinic" sabi ni Gatorade at binigay sa isang ka-varsity niya yung Gemma.
Tumingin naman siya sa akin ng matalim and yeah, I started to explain, "I'm really sorry, hindi ko sinasadya. Hindi ko naman alam na mapapalakas yung pagka-palo ko doon sa bola, hindi ko talaga alam s-"
"Shut up, sumama ka sa akin" hinila niya ako paalis doon.
Salamat at hindi niya ako ipapahiya. Dahil kung mangyari man iyon? Samu't saring hate ang ipaparadam ng buong campus sa akin. Vice President kasi ako, kailangan kong maging good role model sa kapwa students. Pero syempre, baka siguro pinapahalagahan niya din yung posisyon niya kaya he decided to talk to me privately.
Hinila niya ako papunta sa Student council office. Ni-lock niya yung pinto at pinaupo ako doon sa seat ko. "A-ah, Sorry"
"Why are you saying sorry? Hindi naman ako ang natamaan mo" he said at humarap sa board.
So, ano ang ipinunta namin dito?, "A-ano ang ipinunta natin dito?" sabi ko. Hindi ko talaga mapigilan magtanong kahit alam kong hindi maganda ang mood niya. Nakasalubong pa rin kasi yung mga kilay niya habang nakatingin sa board.
"Why did you do that?" napa-kunot naman yung noo ko sa sinabi niya. "Bakit mo binato si Gemma ng bola?"
"I didn't do it on purpose" sabi ko habang nakayuko at pinaglalaruan yung mga daliri ko. Ginagawa ko ito kapag nagi-guilty ako sa isang bagay.
"I know you too much, Alexa. And as of now, you're lying. You did it on purpose and I will let this pass, but make sure you don't do this again" pagkasabing-pagkasabi niya noon umalis na siya at iniwan ako.
Nagulat ako sa sinabi niya 'I know you too much, Alexa' so, totoo nga. Kilala niya nga ako, hindi siya nabagok or anything. Sadyang ayaw niya lang isipin na kilala niya ako. Ano bang nagawa ko? Is there something na kailangan kong malaman?
I came back to my senses.
Hindi ko pwedeng palampasin ito, I need to fix this. Bukas na bukas I'll talk to him.
--
"ALEXA, SARANGHAE!"
Pupunta na sana ako kay Gatorade pero naisip ko, ito munang taong ito ang aayusin ko. Araw-araw ako ang headline news because of what he's doing.
Naglakad talaga ako kung saan ko narinig yung boses, sa likod ng school sa may bandang gubat. Actually, wala namang dangerous creature dito kasi mine-maintain ito ng mga school staffs. May mga playground at tree house dito na pinagawa ng Principal para makapaglaro yung mga Pre-school students.
Dito rin yung tambayan namin noong highschool.
Hindi na ako nakapunta dito since nung umalis siya. Masyado akong bitter eh, kahit anong nangpapa-alala sa kanya iniiwasan ko. Wala naman sigurong masama kung pumunta ulit ako dito, diba?
Maayos na rin naman mamaya yung lovelife ko eh.
"Alexa, I love you" rinig kong sabi ng nakatalikod na lalaki.
Actually, naka-upo siya sa may swing at naka-beanie. Ang angas din niyang tignan at ang cool, siguro gwapo siya. But sad to say, hindi ko pwedeng suklian ang nararamdaman niya. Taken na kasi ang puso ko eh. Ano ba yan! required ba sa pagiging inlove ang pagiging corny?
Nilapitan ko na yung lalaki, at sakto namang lumingon siya. Parehas kaming nagulat, natulala at speechless. So, siya pala ang lalaking sumisigaw araw-araw. Siya yung lalaking nambwi-bwisit ng araw ko. Siya yung lalaking kulay blue ang buhok na kilala ko simula pa nung highschool.
"Alexa, w-what are you doing here?"
"Ikaw, ba-bakit ka nandito?"
Walang nagsalita sa amin kaya ako na ang nauna, "Gusto kong makilala kung sino yung sumisigaw sa akin at nambwibwisit araw-araw. Nakita mo ba siya?" tanong ko, sana naman umamin na siya kasi I saw him.
"Nope, sorry" nadisapoint ako sa sinabi niya. Talaga bang hobby niya ang pagsisinungaling?
"Jesus Christ! Your already caught Gatorade. Talaga bang hobby mo na ang pagsisinungaling? At first you said hindi mo ako kilala but I had a bit of chance when you said that you know me too much yesterday. Ngayon naman you're denying na hindi ikaw yung sumisigaw! Ano ba ta-"
"Shh.."
Yinakap niya ako. Yung yakap na na-miss ko simula nung highschool, "Ang gulo mo" Inilayo niya ako sa kanya at tinignan ako. Bigla niya nalang hinalikan yung noo ko and I know that I felt relieved nung ginawa niya iyon.
"Does that made everything clear?" he said habang nakatingin pa din sa akin.
I smiled, "Kind of" I said at yinakap ulit siya. Malay mo matatapos na dito, kaya ayan sinusulit-sulit ko na. I don't want this day to end, pwede bang kahit ngayon lang mag-stop ang pag-revolve ng earth sa araw at moon?
"I tried, Alexa. Triny kong iwasan ka, pero hindi ko magawa" Bakit niya kailangan umiwas? Alam kong madami yung tanong na nasa isip ko pero mas pinili ko munang tumahimik bago mag-salita. Ayaw ko namang pangunahan siya.
"Kailangan ko munang ayusin ang sarili ko, Alexa. I joined a fraternity that sells drugs, because we're so broke that time, at nakulong ako sa America in the day of our graduation. 3 months lang ako doon kasi napatunayan na nasali lang ako."
"Bumalik ako dito at hindi ko alam kung paano kita kakausapin, nahihiya ako sa sarili sayo. I think all of my hard work has paid off ngayon. I love you, Alexa. Ako ang dahilan kung bakit wala kang manliligaw buong college life mo. Pinagbantaan ko lang naman ang mga buhay nila. Sa akin kasi kontento lang ako na natatanaw kita sa malayo"
Yinakap ko pa siya ng mahigpit sa sinabi niya. Sabi ko hindi ko masusuklian ang nararamdaman ko sa taong nambwi-bwisit sa akin pero siya pala iyon. And I know, i feel the same way.
"Tss, blue-head. Ako hindi ko kaya, gusto ko face to face. I love you, too"
Hinalikan ko siya. That sweet passionate kiss na once in a lifetime mo mararamdaman. Kahit 5 seconds lang feel ko parang isang century na siya. I was so drowned. Then I remembered that girl!
"Hey, Blue bolt! Sino yung Gemma?" I asked.
"Haha, cute. Don't worry, she's just my cousin" sabi niya at nakahinga ako ng malalim.
I love this blue-head.