Let's do the switch?! by Staaaar!
Ugh! Bakit ba sunod ng sunod tong lalaking to?! Ilang araw na nya akong sinusundan pagkatapos kong ayain si Gatorade sa isang date.
"MADRIGAL! Tigilan mo na nga ako!" Bulyaw ko sakanya na sinabayan naman nya ng pout.
" Bawal si Gatorade ngayon. May GIRLFRIEND pa! Hintayin mo nalang kasi matapos yung contract." Sabi nya habang pa-cool na nilagay yung dalawang kamay sa may batok. Yeah right sabay irap.
" Tigilan mo nalang kasi ako!" Sabay lakad ko, ansakit nya talaga sa bangs eh no? Napalingon naman ako sa may kanto at nakakita ng Bike na nirerentahan. *Light Bulb! Hihihihi. Oo nga no?
His' POV
Sinusundan ko tong baliw na amazona na to. Aba! baka kung anong kabaliwan nanamn yung gawin nito. Puro nalang Gatorade! Gatorade dito, Gatorade dyan! Hmpf! May Francis the GWAPO naman sa harap nya. Pambihira talaga Oh oh! Baliw na Amazona na nga manhid pa.
Nabaling naman ako sa Amazonang sinusundan ko. Bigla kasi tumakbo sa kanto at.. Sht! Tatakbuhan nanaman ako at guess what? May gamit na syang BIKE!
Asan na yung van? asan naaaa?! Nag P-panic na ako dito. Muka na nga akong di mataeng aso. Ayun! Aatakihin na talaga ako sa puso sa mga kabaliwang ginagawa ni Princess eh! Sumakay na ako para mahabol ang Batang baliw na yon, nung napansin nya ata ako Mas lalo nyang binilisan yung oag P-pedal nya. Buti nalang nasa isang street kami na madalang lang ang tao. Binilisan pa nya lalo at... NAHULOG SYA SA KANAL!
Her POV
Bwisit talaga Oh! Umahon na ako sa kanal. Ang sagwa pakinggan! Umahon sa kanal. Tch. At oo nahulog ako sa kanal dahil sa Madrigal na yon! Yung kamay at paa ko puno ng labak! At higit sa lahat.. YUNG BANGS KO NAGULO NA! In my peripheral view, nakita ko syang nagkukumahog na bumaba sa Van na ginagamit twing may BFC Demo.
"Hehehe! Peace tayo! " pag p-pacute nya sakin. As if mag w-work yun.
Umahon na talaga ako sa kanal. Ang sagwa talaga pakinggan ng Umahon sa kanal. Hinipan ko pataas yung bangs ko at binigyan sya ng isang masamang tingin na naging dahilan ng pagurong nya. Lintik lang ang walang ganti FRANCIS MADRIGAL!
Nilapitan ko sya tsaka hinawakan ko sya sa pisnge gamit ang dalawa kong kamay na may Labak na galing sa kanal.
*Eye contact Cess, eye contact! *Tumitig naman sya pabalik. Hayan na! Kumakagat na sya! Bwahahahahahha!
*Sipa sa Tuuuuuuut!*
Namalipit naman sya sa sakit nasipa ko I mean sinadyang sipain ang My Precious nya. At dahil din sa mukang binigay nya ay hindi ko napigilang tumawa ng malakas!
"BWAHAHAHAHAHAHAHA!"
Tumingin sya sakin na may ngiwi sabay na hirap na sinabing " You're unbelievable ! Baliw ka na talagang amazona ka! palibhasa di ikaw ang nasa kalagayan ko kaya nagagawa mo pang tumawa jan! " *Ngiwi uli " Pag lang talaga ako nabaog at ang genes ko lagot ka talaga sakin! " *Ngiwi nanaman.
" PALIT KAYA TAYO?!" Sigaw nya sakin kasabay ang malakas na pagkulog at pagkidlat na may kasamang malakas na pagbuhos ng ulan. Buti nalang talaga at hindi ako nakapula, Kundi kanina pa ako nangingisay dahil natamaan na ako ng kidlat.
"NO THANKS! "
" BALIW KA NA TALAGA! "
Pero mas may kabaliwan naman akong nakita. Umaga. Umuulan. Kumukulog at kumikidlat pero, may mga bulalakaw akong nakita. Oh well papel.