Game Of Love by anonymousee
I love her.
3 years ng paghahabol sa kanya ay hindi biro.
I've been running so long pero hanggang ngayon, milya pa rin ang layo niya sa akin.
Ang hirap niyang habulin.
Lalo na't may hinahabol siyang iba.
How many years will it last?
Gaano katagal kaming maghahabulan at magpapakapagod sa larong ito?
Basta ako. I will run forever just to have her heart.
Sana tumigil na siya sa pagtakbo at hayaang mataya ko siya.
At pag nasa akin na ang puso niya.
Hindi ko na hahayaan pang mapagod siya sa paghahabol sa iba.[Lance Alexander Zamora]
"Russ! Wait hintayin mo naman ako!" sigaw ni Alexa kay Russ na mukhang walang narinig at dire-diretso pa ring naglalakad sa hallway ng campus. Tsk. Alexa will always be Alexa. Bakit ba habol siya ng habol sa kulugong yun gayong nandito naman ako?
"Alexa. Tara na" I hold her wrist at hinila siya papuntang parking lot.
"Oy ano ba! Kay Russ ako sasama!" pagmamatigas ni Alexa. Haay!
Ilang taon na bang ganito ang sitwasyon? Tatlo? Tatlo't kalahati?
Ang tagal tagal na pero hanggang ngayon ay pinipilit kong abutin ang puso niya pero may inaabot din siyang iba.
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya. Patuloy akong naglakad pero nagpupumiglas parin siya.
"Lance please! Please hayaan mo na akong puntahan si Russ! Baka nakalayo na yon!"
"Alexa. Don't you see? Tatlong taon mo na siyang hinahabol pero ano? Wala ka namang napala diba? May iba siyang gusto! Can't you see it huh? Nandito naman ako Alexa eh!"Hindi ko mapigilang sumigaw. Ano bang pinakain ng hapones na yon dito at gustong gusto siya ni Alexa?
"Eh bakit din ba habol ka ng habol sakin? Di mo ba nakikitang wala akong gusto sayo? Mas gugustuhin ko pang mapagod kakahabol kay Russ kaysa ipagpilitan ko ang sarili ko sayo! You're not the man of my dreams Lance. Its Russ and it will always be Russ. Siya lang at wala ng iba. Kaya pwede ba? Bitawan mo na ako!"
Unti-unting lumuwang ang pagkakahawak ko sa kanya. It's not the first time na nasaktan niya ko through her words. Nasasakal na ba siya sa akin?
"Fine. Habulin mo na siya. Hindi na kita papakielaman. Goodluck Alexa." Papasok na ako ng kotse pero may sinabi muna ako.
"I love you Alexa. So much that it took so long at hinahabol padin kita. But this fvcking game of love is so.. Ugh! Ang daya Alexa. Ang daya!"Sumakay ako ng sasakyan at iniwan ang mahal ko ng mag-isa. Sana lang makuha niya na ang gusto niyang makuha. Okay. Masaya na ako kung saan siya masaya. Pero siguraduhin niyang dun talaga siya masaya sa Russ Hyuga na yon dahil kung hindi. I'll continue running. Kahit nakakapagod. Wala akong pakielam.
After 5 months...
"Marcus pare, ano ng balita dyan?" tanong ko sa kaibigan ko sa phone.
Five months had passed and I am still hoping that one day, an angel named Alexa Gabrielle Delos Reyes would call me at sasabihing "Bumalik ka na. Miss na kita" Pero wala.
Pinilit kong magmove-on pero parang kapag nagmove-on ako ay yun na din ang katapusan ng buhay ko. Kanya nalang umiikot ang mundo ko. Siya ang buhay ko. Hay! Ang bading pakinggan.
"Ayos naman pare. Your sisters are missing you so much. Wala ka pa bang balak umuwe? You've missed already five months sa school. Baka di ka makagraduate niyan." sagot ni Marcus sa kabilang linya. Who would want to see the girl he love running towards others? Masakit diba?
"What's the use of powers Marcus?"I asked.
"Okay okay brad. I know, you're the congressman's son." Natatawang sagot ni Marcus "Pero kailan ka nga uuwi? Your sisters are missing you so much and your mom." dagdag pa niya.