Be My Baby by ducksrawesome
PAIRING: Alexa and Gatorade
GENRE: Romance, Teenfiction
_____
"Alexa, gising na."
"Ayoko Gato...Pabayaan mo muna kami ng kama ko. Kita mong nagbo-bonding e sisirain mo 'yong moment."
"Alexa..Ikaw pa nga 'tong nagrereklamo sa'kin kung bakit ako natutulog ng matagal. Ngayon, nag-switch tayo. Gising na kase." mahinang sabi ni Gatorade kay Alexa habang iniyugyog ng dahan-dahan ang inaantok na dalaga.
"Ugh...'wag kang atat. Be patient.." bulong ni Alexa at sinubukang hampasin si Gatorade pero di ito nagawa dahil sa antok. Kahit hindi bukas ang mata ni Alexa, alam niyang naka-pout si Gatorade na super kyot.
Buti na lang ay nakapikit siya kung hindi ay kanina pa nagising si Alexa dahil sa kyot na kyot na pout ni Gatorade.
"I have been patient enough. Dali na Alexa.."
"Five more minutes..."
"You said that five minutes ago.."
"Edi five more minutes!" malakas na banat ni Alexa at hinarap ang likod nito kay Gatorade. Nagbuntong hininga si Gatorade at tumayo. Naramdaman ni Alexa ang na walang weight sa higaan niya at nag-smile ito. "Makakatulog na rin ng mahibing..." bulong ni Alexa sa sarili at lalo pang siniksik ang sarili sa higaan.
*CLANG BOOM DIBUSH DANG*
Literal na napatalon si Alexa sa higaan niya noong narinig niya ang ingay sa kusina. "Gatorade?!" sigaw ni Alexa bago niya sinuot ang fluffeh na bunny slippers niya at tumakbo sa kusina. Pagkapasok pa lang ni Alexa ay sinalubong siya ng naka-upong Gatorade sa sahig, kinakamot ang ulo.
Ang gulo ng kusina! Lahat ng utensils ay nagkakalat at mukhang pinagtatawanan si Alexa dahil siya ang magliligpit ng lahat. Pati na rin si Gatorade. Nagbuntong hininga si Alexa at binalewala ang kalat. Naglakad na lamang ito kay Gatorade at lumuhod sa tabi nito.
"Ikaw kase! Di ka nagiingat! Tingnan mo 'yong ginawa mo! Andaming kalat!" reklamo ni Alexa pero di naman ganoong kalakas ang boses niya para lalo pang masaktan ang binatang blue ang buhok. Ngitian lang ni Gato si Alexa bago niya niyakap ang dalaga.
"Gising na ang baby ko!" masayang sabi ni Gatorade at nilagay ang ulo niya on top of Alexa's head. Napamula si Alexa sa sinabi niya bago tinulak ito palayo sa kanya. Tumama ang ulo ni Gatorade sa naka-bitin na frying pan at napa-ngiwi ito.
"Aray!"
"S-sorry! Di ko sinasadya! Halika ka nga dito!" lumapit si Gatorade kay Alexa. Tiningnan ni Alexa ang ulo ni Gatorade at mukhang wala namang bukol. Alexa sighed in relief pero hindi mawawala ang guilt nito kaya hinalikan niya gently ang ulo ni Gatorade at sinabi, "Goddbye boo-boo."
Ngitian lang ulet ni Gatorade si Alexa bago ulet ngumiwi. "Ang sakit rin ng noo ko." hinalikan naman ni Alexa ang noo ni Gatorade. Sa utak ni Gatorade, para bang maynagpa-party sa tuwa at aba, may fireworks ba yata.
"Ang sakit rin ng pisngi ko." kyot na kyot na reklamo ni Gatorade.
Halik sa pisngi ang nakuha niya kay Alexa.
Ngumisi nang unti si Gatorade pero hindi halata dahil pinapatuloy niya ang pag-pout. "Sa lips rin. Medyo nananakit. Pa-kiss naman, baby." nagmamakaawang sabi ni Gato pero nakahabol si Alexa sa laro niya at hinampas-hampas siya ng unti.
"Waah! Hindi mo ako maloloko, Mr Blue! huling-huli ka!" bulway ng dalaga at patuloy siyang pinaghahampas ng mahina. Hindi nasaktan si Gato sa hampas ni Alexa at napatawa na lamang ito. "Wag mo nga akong tawaging Mr. Blue! Nakakahiya!" natatawang sabi ni Gatorade.