Kahit crush kita..Hello guys! I'm Dominique Veena Delos Santos ;) arh..pano ko ba uumpisan to? Ah! alam ko na may sasabihin na lang ako sa inyo. Sa school namin may mga hearthrob na sobrang gwapo! ohmygee! ang ho-hot nilang lahat! tapos varsity pa sila kaya tuwing nagpra-practice sila sa gym aakalain mo na may laban sila sa daming manonood kaso puro babae isa na ako don hahaha!
Buti nga hindi sila nabibingi sa kakatili ng mga fangirls nila. Well, hindi ako kasali don kasi hindi ako yung tipong makikisabay sa tili nila, kapag natahimik na sila don lang ako hihirit para marinig ako ni crush at mapansin oh ah kanya kanyang paraan yan.
"Bebs!" nagulat ako kay bebs, ano ba yan alam ng nagmumuni muni ako dito, ginugulat pa ako =3=
"Ang panget mo mag pout bebs tigilan mo yan mukha kang pato sa ginagawa mo" napasimangot ako kay bebs, ang sama nyang bestfriend.
"Ang sama mo, purkit may energy drink ka lang eh" natatampong sabi ko, kumunot noo naman sya pero nawala din agad.
"Bakit kasi sa dinami daming lalaki sa mundo yung pinaglalaruan ka pa ang nagustuhan mo" bumugtong hininga ako, ano magagawa ko eh sa kanya tumibok puso ko.
"Pero alam mo naman na kahit crush ko sya hindi ko hahayaan na gawin nya ako kawawa" hindi naman ako yung easy to get noh kahit sabihin mo pang crush ko sya, dapat maghirap muna sya ano sya sinuswerte?
Magsasalita pa sana si bebs kaso biglang nagtilian nanaman ang mga babae, kapag ganyan alam na kung sino yung pinagkakaguluhan nila. Ang BFC. Sila ang hearthrob ng school namin at katulad nga na sabi ko kanina ang gwa-gwapo nila at ang ho-hot lalo na si Marcus my loves!
"Ang landi psh.." sabi ni bebs, nagtaka naman ako sa sinabi nya kaya tinignan ko kung saan sya nakatingin at Oh! malandi nga. Subukan nya lang landiin si Marcus makikita nya ang hinahanap nyang impyerno.
Napairap si bebs kay energy drink na mapatingin sya samin. Nangangamoy LQ ah hahaha!
"Hey loves!" napasinghap ako sa umakbay sakin, makagulat naman to! Tinaasan ko sya ng kilay at tinanggal ang kamay nya na nakaakbay sakin. Kahit crush ko sya hindi ko hahayaan na ganunin nya ako dahil hindi naman kami, hindi ako choosy para sa kaalaman nyo. Ang gusto ko, boyfriend ko lang pwede gumanon sakin gets?
"Pakipot ka pa eh" nakangising sabi nya, inirapan ko lang at tinignan sila bebs. Napasimangot ako, buti pa si bebs may lovelife na lamang ako wala, kaylan kaya ako magkakalovelife noh? kasi naman kasi tong Marcus na to eh pinaglalaruan pa damdamin ko nakakainis kasi lagi na lang sya ganyan katulad na lang ngayon sweet sweetan sya mamaya harap harapan ko syang nakikipaglandian sa fling bukas pagtri-tripan nya ako. Nakakabanas sya, ang sarap nyang halikan!
"Marcus" seryosong sabi ni energy drink, tumawa lang sa kanya si Marcus at inaya yung ibang BFC na umalis na. At dahil boyfriend ni bebs si energy drink minsan pinagsasabihan nya si Marcus na wag ako paglaruan pero mukhang hindi nakikinig si Marcus sa kanya, sabi pa nila minsan sa iba na lang ako magkagusto wag lang kay Marcus, nandyan naman daw si Francis. Gwapo naman si Francis pero ayoko sa isip bata at tsaka kay Cess na yon bagay naman sila eh hahaha.
"Let's go, hahatid ko na kayo sa classroom nyo" tumango kami ni bebs tsaka kami pumunta sa classroom namin.
*****
Bumugtong hininga ako at nag iba ng daan. Sabi na eh maya maya makikita kong nakikipaglandian si Marcus, ang galing nya talagang sumakto noh? kung saan ako pupunta nandon sila o nanadyan sya? arh! nakakainis sya.
"Oops! sorry" kamalas malasan nga naman oh nabunggo pa ako nabitawan ko tuloy yung mga gamit kong dala. Dinampot ko na yung mga gamit ko, wala ako sa mood makipagtalo kung sino man ang nakabunggo sakin.
"Sorry Miss ah may hinahanap kasi akong tao eh" sabi nung nakabunggo sakin, tumango ako at hindi na sya inabalang tignan pa, tumayo ako pagkatapos kong kunin ang mga gamit ko.
"Eto o-- Doms! ikaw pala yan!" napatingin ako sa kanya, oh si Francis lang pala ang nakabunggo sakin. Nginitian ko sya at kinuha ang iba kong gamit na nasa kanya.
"Thanks, next time kasi tingin tingin din sa dadaanan" nakangiting sabi ko sa kanya, napakamot naman sya ng ulo nya na tila nahihiya.
"Sorry naman may hinahanap kasi ako eh si Marcus, tumakas nanaman sa practice" tumakas sa practice tapos nakikipaglandian sa babae. Tsk..
"Nandon nakikipaglandian" inis na sabi ko, mukhang napansin naman yon ni Francis kaya natawa sya, aba nagawan pang tawanan ako.
"Bakit ka tumatawa?" sinamaan ko sya ng tingin, tumigil naman sya tumawa pero nakangiting halatang nag iinis. =___=
"Wala, halatang naiinis ka sa kalandian ni Marcus eh" hindi lang sa kalandian ni Marcus pati na din si Marcus, hindi ba nila alam na bawal PDA dito?
"Oh umuusok na yung ilong mo oh" umakbay sya sakin habang nakaturo sa ilong ko, hinampas ko naman kamay nya at sinamaan sya ng tingin.
"Hahahaha dapat kasi yung pinipili mo yung mabait at hindi yung paglalaruan ka at tsaka dapat gwapo katulad ko" kumindat sya at ngumiting ng wagas. Kala mo naman magmumukha syang gwapo eh mukha naman syang asong ulo. Peace! ^___^
"Kapag si Francis ang umakbay okey lang kapag ako hindi?" napatingin kami ni Francis sa nagsalita.
"Oh Marcus bakit ka tumakas sa practice huh?" tanong ni Francis kay Marcus. Pero dinedma lang sya neto dahil sakin sya nakatingin ng masama. Kikiligin na sana ako dahil nakatingin sya sakin kahit masama pa yan kaso may higad na nakakapit sa braso nya. Kala mo naman maganda sya eh mukhang paa ko lang sya eh! bakit nakikipaglandian si Marcus sa mga katulad nya? hindi ba sya nandidiri? ang kakapal ng make up nila para silang clown.
"Tinatanong kita Dominique Veena Delos Santos" inirapan ko sya at tinanggal ang pagkaakbay sakin ni Francis.
"Wala kang pakeelam" sabi ko at naglakad paalis sa kanila. Pero may humawak sa braso ko at iniharap sa kanya.
"Ayoko sa lahat yung tinatalikuran ako" inis na sabi nya, napangiwi ako ng humigpit hawak nya sakin
"Ano ba! nasasaktan ako!" pinilit kong tanggalin pagkahawak nya pero mas lalo pa humigpit hawak nya.
"Marcus nasasaktan si Doms!" sigaw ni Francis sa kanya pero tila walang naririnig si Marcus.
"Bakit si Francis okey lang sakin hindi? si Francis na ba ang gusto mo ngayon? wow hindi ka pala na iiba sa mga babae na malalandi basta gwapo geh lang" napanga nga ako sa sinabi nya, ako malandi? wow ah ako pa talaga ang malandi. Sa inis ko binitawan ko ang dala kong gamit at sinampal sya.
"Wag mo ako itulad sa mga babae mo Marcus. Ako pa talaga ang sinabihan mong malandi huh? Great! tsaka wala kang pake kung may na gugustuhan na akong iba dahil kahit kaylan wala kang pake sakin at bawal bang mapagod? nakakapagod ng mahalin ka Marcus puro na lang sakit ang pinapadama mo sakin, hindi purkit may gusto ako sayo aabusihin mo na at paglalaruan damdamin ko hindi ako laruan Marcus!" naramdaman kong lumuwag ang pagkahawak sakin ni Marcus kaya hindi na ako nagdalawang isip pa at tumakbo na ako palayo sa kanya, palayo sa taong pinaglaruan lamang ang damdamin ko.
*******
After one week, naging tahimik ang buhay ko, hindi rin sya nagpaparamdam sakin na hindi katulad ng dati hindi ko rin sya nakikita dito sa school pero sabi ni enery drink at ni Francis pumapasok naman daw sya. Mas okey na yon na hindi ko sya makita, naiinis lang ako kapag nakikita ko sya at naalala ko ang sinabi nya. Hindi ko alam na ganon pala ang tingin nya sakin, isang malandi. Kaya pala ganon na lang ang turing nya sakin, isang laruan na pwede nyang paglaruan kahit anong oras nya gustuhin.
Pero kahit hindi ko man aminin namimiss ko na sya, kahit na isang malaking kalokohan lang yung pagiging sweet nya sakin namimiss ko pa din sya, mas lalo ko pa nga ata sya nagustuhan ay hindi mahal ko na pala sya, nung isang linggo hindi ko sya nakikita na realize ko na mahal ko na sya na hndi ko kaya na hindi sya nakikita.
"Doms?" napatingin ako kay Francis, isang linggo din na nakakasama ko si Francis kapag wala si bebs, sya lagi kong kasama kapag nag iisa ako, lagi na din kasi kasama ni bebs si energy drink kaya minsan na lang kami nagkakasama pero ayos lang sakin yon ayoko din mag alala sakin si bebs, kilala nya ako kaya mapapansin nya kung may problema ba ako o wala.
"Kanina pa ako nagsasalita hindi ka pala nakikinig" pacute nyang sabi, natawa ako at kinurot pisngi nya.
"Wag ka sakin gumanyan, kay Cess dapat" napasimangot sya sa sinabi ko at pumadyak padyak. Parang bata talaga kung umasta tong si Francis.
"Pusong bato yung Amazonang yon kahit maghubad ako sa harapan nya hindi matitinag yon" hinampas ko si Francis sa braso nya, kung ano ano pinag iisip neto! natawa na lang sya ng malakas kaya pinagtitinginan nanaman kami ng mga nasa paligid namin, ang babaw naman ng kaligayahan neto.
"Hoy Francis! makatawa ka naman kala mo wala ng bukas!" napatingin ako kay Cess na kakadating lang, napatigil din sa pagtawa si Francis at nagpout, promise mukha syang ewan tuwing gagawin nya yan.
"Bakit ba?" tanong ni Francis kay Cess, inirapan muna nya si Francis bago tumingin sakin.
"Doms, pinapapunta ka pala ni Alexa sa gym may sasabihin daw sayo" ano naman sasabihin nya?
"At bakit sa gym pa?" takang tanong ko.
"Ayaw daw sya paalisin ni Lance don" sabi nya at nagpout, agad naman natawa si Francis kaya nagtaka kami sa kanya, bigla bigla ba naman tumatawa mag isa.
"Wala ka ng pag asa kay Gatorade, Amazona kay Gab na yon kaya kung ako sayo, pumayag ka na kasi makipagdate sakin, gwapo naman ako eh" inakbayan ni Francis si Cess, si Cess naman tila nandidiri kay Francis kaya binatukan nya ito.
"Yuck! ikaw gwapo? masusuka ata ako ah" nailing na lang ako sa kanila, perfect couple talaga sila. Hindi na ako nagpaalam pa sa kanila, pumunta na ako sa gym para puntahan si bebs don nung una nagdadalawang isip ako kung pupunta ba ako sa gym o hindi, baka kasi makita ko lang si Marcus don ayoko sana makita muna si Marcus pero minsan gusto ko syang makita, namimiss ko na sya.
Palapit na ako sa gym ng bigla may nagtakip ng mata ko at tinakpan ang bibig ko ng panyo, nakaramdam ako ng pagkahilo hanggang sa nawalan na ako ng malay..
******
Nagising ako ng maramdaman ko ang sakit sa mga kamay ko, teka nasan ako? bakit nakagapos kamay ko? ano nanaman pakulo to?! pilit kong tanggalin pagkagapos sa mga kamay ko pero sadyang mahigpit ang pagkatali kaya hindi ko matanggal, nakidnap ba ako? kung oo sana may makakita man lang sa pagkidnap sakin, nasa school kaya ako madaming estudyante pwede makakita.
Nagulat ako ng may tao sa likod ko ang nagtanggal sa pagkagapos sakin, wooh buti naman may nakakita sakin hindi ko matitiis sa lugar na to baka mamaya kung sino yung kunidnap sakin eh. Magpapasalamat sana ako sa nagtanggal ng pagkatali sakin kaso paglingon ko wala na sya, saan nagpunta yon? pagkatapos tanggalin ang pagkatali sakin iiwan ako basta basta ano yon?Naglakad na lang ako sa madilim na lugar na to, baka makahanap ako ng daan palabas dito. Sa kaligitnaan ng paglalakad ko bigla na lang umilaw ang buong paligid at doon ko lang napantanto na nasa gym pala ako, bakit hindi ko yon napansin? pero mas nagtaka ako sa nakita ko. Ano to? bakit may mga petals sa sahig? may mga balloons din na nakalat sa buong court, tapos may table din sa gitna ng court. Ano bang meron dito?
"Dominique Veena Delos Santos" naestatwa ako ng marinig ko ang boses na yon, ang boses na matagal ko ng gustong muling marinig, ang boses na nagmamaari ng puso ko. Dahan dahan akong lumingon sa kanya, at tama nga ako, sya nga ang taong yon. Ang taong mahal ko.
"Unang una sa lahat, sorry sa na sabi ko nung nakaraang linggo, hindi ko sinasadyang masabi ko yon sayo. Nadala lang ako sa selos kaya ko na sabi yon. Kasi naman si Francis pwede kang akbayan lamang ako hindi tinatanggal mo agad syempre sino bang hindi magseselos don." nakatingin sa ibang nyang sabi. Ako naman pilit na wag matawa sa kanya, ang cute nya kasi hindi sya makatingin sakin habang sinasabi nya yon.
"Bakit hindi ka makatingin sakin habang sinasabi mo yan?" nakangising sabi ko, bigla naman sya lumingon sakin , nagulat ako ng makita kong pulang pulang mukhang nya. He's blushing!! ohmygee!
"Ka-kasi naman! hays!" napasabunot sya ng buhok nya kaya napangiti ako.
"Hoy Marcus bilisan mo na magtapat nagugutom na kami!!" napatingin ako sa gilid, bakit hindi ko man lang napansin na hindi lang pala kami ni Marcus ang tao rito? lahat ng BFC at sila bebs at Cess nandito rin. Ano to pinagplanuhan?
"Oo na wag kang atat dyan Francis!!" natawa na lang si Francis kay Marcus, kahit kaylan talaga. "Loves--"
"Hindi pa kayo kaya wag mong matawag tawag na loves si Doms!!" hirit ni Francis tapos binatukan sya ni Cess, papansin talaga si Francis hindi tuloy matapos tapos sasabihin ni Marcus nahihiya tuloy oh cute~!! >___<
"Manahimik ka!! hays! nakakainis naman si Francis oh" napakamot ng ulo si Marcus habang nakayuko, ang cute nya talaga!
"Ipagpatuloy mo na yan Marcus ilalabas ko na lang tong baliw na to" sabi ni Cess at hinila palabas si Francis, natawa na lang kami sa kanila dalawa. Bagay talaga sila.
"Doms, matagal ko na gustong sabihin to sayo kaso natotorpe ako." tumigil sya saglit at bumugtong hininga "Dominique mahal kita, mahal na mahal kita. Alam kong nagtataka ka kung bakit kita napagtri-tripan kung mahal kita. Ayon lang kasi ang kaya kong gawin para mapalapit sayo. Alam kong nasaktan kita sa pinaggagawa ko pero yung pagiging sweet ko sayo totoo yon, kaso mukhang hindi mo nagustuhan" sabi nya habang napakamot ng ulo nya. Hindi ko mapigilan hindi mapangiti sa kanya, hindi ko inaasahan mangyayari lahat ng to, akala ko hindi ako magugustuhan ng isang Marcus Lau na lagi na lang ako sasaktan yon pala hindi
"Sorry Doms sa mga nagawa ko pero sana payagan mo akong ligawan ka" tinignan ko sya at nakita kong seryoso sya. Dati pinapangarap ko na balang araw ay sabihin nya ang katanggang yon pero ngayon totoo na. Ngumiti ako sa kanya at niyakap ko sya.
"Syempre naman oo, pero kahit gusto na kita maging akin, gusto kong maranasan na ligawan mo ako" sabi ko, natawa sya ng bahagya at niyakap din ako
"Kahit maging tayo na liligawan pa din kita" napangiti ako, ang matagal ko ng gustong mangyari ay mangyayari na.
"Okey tapos na ang palabas kainan na!!!" napatingin kaming parehas ni Marcus kay Francis, basag moment talaga sya. =3=