There is only one reason

3K 47 11
                                    

Note: Umabot po to last December 6. Sorry if nalate ng post

There is only one reason by Phoenix13

-Alexa's POV-

"I'd like to invite you to the fashion show tonight, I hope you'll come!"
Pagaanyaya ko kay Gatorade.

"Sorry but I won't come." He said as he hops into his motorcycle. "I still have a lot of projects needed to be finished. Sorry Alexa,"
Hindi ko naiwasang malungkot nang marinig ko yun.

"Okay lang," I tried my best to fake a smile. "Naiintindihan ko."

"Good luck nalang sayo." Kinindatan ako ni Gatorade bago tuluyang umalis.
Pagkaalis ni Gatorade doon na umagos ang luha ko. Masakit para sa akin na hindi siya makakapunta. Kinakabahan kasi ako sa fashion show mamayang gabi pero pag nandoon si Gatorade alam kong I'll be confident enough to face my stage fright. Ngunit mamayang gabi wala siya, wala ang taong mahal ko para supportahan ako.
Mula pagkabata, alam ko na sa sarili kong unang kita ko palang sa kanya, may naramdaman na ako para sa kanya.
-Flashback-
Iniwan ako daddy sa may waiting shed. Kailangan niya na daw akong iwan dahil magmula ngayon ang paaralan na ang magiging pangalawang tahanan ko at ang mga guro ko ang magiging pangalawang magulang ko sila ang mag-aalaga sa amin habang nasa paaralan kami.

As instructed by my daddy, Inantay kong mag-line up yung mga students at hinanap ko yung teacher na may hawak na board na nakasulat na amethyst.

Anong alam ko doon? Hindi ko pa nga alam spelling ng amethyst eh, talaga si daddy oh?
Ang akala ko pa sa amethyst noon ametis baka naman atis? Inisip ko nalang basta ametis tawag.

Just then I spotted a boy who is very charming. He became the apple of my eye that time.

Masyado akong focused sa boy na iyon at kamuntikan ko nang hindi marinig buti nalang inulit.
"Calling all Section Amethyst." nagmadali naman akong nagline kasama ng ibang bata at nang lumingon ako para tignan ang mga kaklase ko...

Nakita ko siya nakalinya din sa section ko! Ang bilis ng tibok ng puso ko parang lumulundag nang malamang kaklase ko siya.

Walang one by one introduction na naganap. Yung pupunta ka sa harapan at magpapakilala, dahil narin sa takot namin yung iba umiyak yung iba tumakbo yung iba nagkulong sa comfort room. Bata pa kasi kami hindi pa namin naiintindihan yung purpose kaya nagdecide ang adviser namin na self-discovery nalang ang mangyayari.

Out of shyness na din it took me three days para malaman yung pangalan nung boy.

Lance Alexander Zamora, yun pala ang pangalan niya, pero mas kilala siya sa pangalang Gatorade. Narinig ko lang yung pangalan niya mula sa mga nagkumpulan na mga babae sa isang table na walang ibang ginawa kundi pag-usapan siya.

Wala talaga akong maisip kung papaano siya kakausapin o kaibiganin. Kung ngayon marami nang paraan, noon blanko. Wala akong maisip na kahit anong paraan.

Makalipas ng tatlong buwan wala, hindi parin kami nag-uusap. Marami na akong naging kaibigan sa mga kaklase ko ngunit siya hindi parin.

Isang Friday lang pala ang magbabago sa lahat.
Abala akong nanonood ng paborito kong nighttime show noon nang,
"Alex! Tignan mo anak! May napulot akong cellphone!" sabay pakita sa akin ng isang cellphone. Ang unit ng cellphone na 'yon ay ang pinakamahal na cellphone sa taong 'yon. Wala pang high tech gadgets noon.

"Ano sa tingin mo ibenta ko nalang o gamitin?" tuwang-tuwa na itinanong sa akin ni daddy.

"You should return it to its rightful owner daddy. Masama ang mangangkin ng hindi sayo, you should know that because you taught me that."

[✓] Boyfriend Corp One Shot Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon