Red String

1.4K 34 3
                                    

Red String by SGJ

Francis and Princess' Story
He took his bow and arrows atsaka niya iyon ipinana sa dalawang taong may magkarugtong na string sa dulo ng kanilang mga daliri. Muli siyang kumuha sabay tira niya sa ibang direksyon at sapul doon sa iba pa. Napangiti siya nang makita niya kung paano nag-glow ang mga strings nila at sa mga emosyon na naramdaman niya sa bawat isa sa kanila.
Binalik na lang niya ulit 'yung pana niya sa kanyang likod at umupo sa bench sa tabi niya para magpahinga. Marami pa siyang papanain and he need more energy to work with that.
Habang humihikab siya ay biglang nabaling ang kanyang atensyon sa babaeng katabi niya-- este doon sa pagkaing kinakain nito. Umusog pa siya sa tabi nito para makasigurado siya kung tama nga ang nakikita niya.
"Gummy bears!" sigaw ng utak niya nang mapagtanto niya kung ano 'yun. Gusto niyang kumuha kaya lang baka makita nito pero agad din siyang napangiti nang mapagtanto niya ang isang bagay. Paano kaya siya makikita nito, e isa siyang anghel? Masyado lang talaga siyang naiistress kaya medyo nawawala na ang kanyang talino. Tanga kung tawagin ng iba.
Kumuha siya ng tiyempo para hindi nito mahalata na kumukuha siya. Lalong nagliwanag ang mga mata niya nang matikman niya ito! Ang tagal na niyang hindi nakakatikim ng gummy bears. Pinagbabawal kasi sa langit ang ganitong pagkain at tanging tadhana lang talaga ang makakapagsabi kung kailan siya pwedeng kumain nito. Katulad ngayon.
"Magnanakaw!"
Halos mapatalon siya nang marinig niyang sumigaw ang dalaga. Unti-unti niyang inangat ang kanyang ulo para tignan ito habang nakalagay pa rin ang kanyang kamay sa lalagyan ng gummy bears. Nanlaki ang mata niya nang makita niyang nakatingin ito sa kanya.
'Ako ba ang sinasabihan niyang magnanakaw? Kung ako nga, ang gwapo ko namang magnanakaw.'
"Miss, mukha ba akong magnanakaw?" tanong niya rito habang nakangiti. Sinasadya niya talagang ngumiti para makita nito kung gaano siya kagwapo.
"Oo! Magnanakaw ka! Ninanakaw mo itong gummy bears ko!" sigaw nanaman nito kaya napatakip siya sa tenga niya.
'Ang tinis ng boses.' sa isip niya 'Pero teka, kinakausap niya ba talaga ako? Huwag mong sabihing nakikita niya ako?'
Muling lumaki ang kanyang mata nang maisip iyon. Tinignan niya ito nang may halong pagtataka.

"T-teka, nakikita mo ako?" tanong niya.
"Oo! Bakit naman kita hindi makikita?" mataray nitong tanong habang naka-cross arm.
Napatayo siya sa kinauupuan niya habang nakatingin dito. Tinignan niya 'yung string sa kamay nito pero wala siyang makita. Bakit wala?
"Tao ka ba talaga?" tanong niya na lalong nagpakunot sa noo ng dalaga.
"Of course I am. E ikaw?"
"I'm not," mabilis niyang sagot na nagpahagalpak sa tawa nito. 'May nakakatawa ba sa sinabi ko?' tanong niya sa isip niya.
"Kaya pala mukha kang unggoy!" komento nito habang tumatawa pa rin.
"Sa gwapo kong ito, unggoy? Hindi mo ba ako kilala, miss? Atsaka sigurado ka bang nakikita mo ako?" seryoso niyang tanong habang hindi pa rin nawawala sa isip niya ang pagtataka kung bakit siya nito nakikita.
"Saan banda ang kagwapuhang sinasabi mo? At sino ka naman para makikilala ko? And lastly, oo nakikita kita. Kaya nga kinakausap kita 'di ba? Common sense naman kuya!"
He quickly averted his gaze after he heard all of her answers to his questions. Bumalik na lang ulit siya sa kinauupuan niya habang malalim ang iniisip.
"Ang weird mo kuya." napatingin siya rito nang marinig niya ang sinabi nito.
Tinitigan niya ito nang matagal. Hindi niya tuloy napigiliang magtanong sa dalaga dahil sa sobrang curious niya rito.
"Who are you?" tanong niya.
"Bakit ko sasabihin?" sarkastiko nitong sagot pero napangiti siya nang marinig niya ang nasa isip nito.
"Princess Saavedra.'Yun pala ang pangalan mo. Hindi bagay sa'yo," nakangiti niyang sabi na nagpalaki sa mata ng dalaga.
"H-how did you know my name?" nagtatakang tanong nito pero ngumiti lang siya. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung hindi mo naman sinabi sa kanya 'yung pangalan mo pero alam niya.
"Narinig ko na sinabi mo-- este ng isip mo pala."
***
Tumaas ang kilay niya at kahit hindi niya sabihin ay naweweirduhan talaga siya sa binata.
Hindi naman niya maipagkakaila na gwapo ito. Kahit yata saang anggulo tignan ay gwapo siya at wala kang maipipintas dito. Ang problema lang, ang weirdo niya at ang misteryoso rin niya.
Nagulat siya nang biglang may kinuha ang binata sa likod nito at napaatras rin siya sa kinauupuan niya nang makita ang isang napakalaking kulay pulang pana na may kasamang arrows na may puso sa dulo. Napatakip siya sa bibig nang bigla niyang tinira ang arrows nito sa dalawang tao. Nakita niya ang reaksyon nila sa isa't isa pero pagkalipas ng ilang segundo ay balik nanaman sila sa normal na parang wala lang 'yung pagtama ng arrow ng binata sa mga puso nila.
Nabaling ang tingin niya sa binata at doon lang nagsink-in sa isip niya kung sino ba ito. Sinubukan niyang kurutin ang sarili niya at napagtanto niya na gising talaga siya at hindi ito panaginip.
"Cupid?" sambit niya na nagpangiti rito.
"After many years, nakilala mo rin ako! But my true name is Francis. Screen name ko lang ang Cupid-- Aray! Bakit mo ako sinuntok?"
"Totoo ka nga!" sabi niya habang nagniningning ang kanyang mga mata. Hindi niya akalaing totoo si Cupid at ang mas nakakamangha pa doon, e nakikita niya ito ngayon nang harap-harapan.
'Amazona' sabi ni Francis sa isip niya.
"Of course, I am. Hindi kayo magkakaroon ng soulmates kung wala ako."
"Soulmates? Totoo ba 'yun?" natatawang tanong niya na nagpakunot sa noo nito.
"W-wait, hindi ka naniniwala?" tanong ni Francis na inilingan niya. "How about love, hindi ka pa rin naniniwala?" tanong ulit nito na inilingan nanaman niya.
"Para kasi sa'kin, isa lang silang mga imahinasyon na dapat hindi pinapaniwalaan. Kaya marami tuloy sa atin ang umaasa na totoo sila pero sa huli, sila lang ang nasasaktan sa paniniwalang iyon," paliwanag niya.
"Kung hindi ka naniniwala sa kanila then hindi ka rin naniniwala sa'kin? I'm cupid and you know what's my job, right?" hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya but she just rolled her eyes.
"Hindi ako noon naniniwala kay Cupid until you show up in front of me pero hindi ibig sabihin no'n, e naniniwala na ako na effective nga 'yung ginagawa mo na pagma-match sa mga tao. Kung trabaho mo nga ang humanap ng soulmates para sa mga tao o kung ikaw ang gumagawa ng destiny para magkatagpo ang landas nila, e bakit marami pa rin ang broken hearted? Maraming umiiyak, maraming nasasaktan at higit sa lahat, bakit maraming mag-isa lang dito sa mundo natin?"
"Hindi naman kasi porket mag-isa ka lang ay wala nang nagmamahal sa'yo. Hindi ba pwedeng kay God nakalaan ang puso mo? Hindi rin porket maraming nasasaktan at umiiyak ay wala na silang makikilalang magmamahal sa kanila. Malay mo, 'yung iniiyakan nila ay hindi pala 'yung taong nakatadhana sa kanila. Kaya nga naimbento ang oras at panahon para matuto tayong maghintay. Maghintay sa taong nararapat sa atin."
Napaismid siya sa sinabi ni Francis pero hindi pa rin nagbabago ang paniniwala niya.
"Kaya pala wala kang string sa daliri mo. Ngayon alam ko na kung bakit. Hindi ka kasi naniniwala sa pag-ibig."
"String? Bakit naman ako magkakaroon ng string?" bigla naman siyang naguluhan sa sinabi ng binata at hindi niya talaga maintindihan ang mga sinasabi o tinutukoy nito.
"It's a red string of fate. Doon ko malalaman kung kanino ka nakatadhana. Nakita mo naman 'yung ginawa ko kanina 'di ba? Nakita ko kasi na magkakonekta ang mga string nila sa daliri kaya pinana ko ang puso nila nang sa ganoon, e malaman nila ang role nila sa buhay ng isa't isa," paliwanag nito habang pinaiikot ang kanyang pandora hot sa daliri nito.
Bigla siyang nagulat nang ilapit ni Francis ang mukha nito sa kanya. "I will give you 2 wishes. Bahala kang magdecide kung ano o paano mo gagamitin iyon pero sana, pag-isipan mo nang mabuti." ngumiti ito sa kanya kasabay ng pagkawala nito sa harap niya na parang bula.
Hindi niya alam ang hihilingin niya dahil lahat na ng bagay na gusto niya ay nasa kanya na. Ano pa ba ang mahihiling niya?
***
"2 days na lang, debut mo na, Princess! OHMYDEE! Anong plano mo?" tanong sa kanya ni Dom habang nagtatatalon sa gitna ng hallway.
"Sila mommy na ang bahala roon. Siyempre, pink ang tema ng party!"
"So sino ang partner mo sa debut mo?" tanong sa kanya ni Alexa na nagpalukot sa mukha niya.
Ilang oras na ang nakakalipas pero nakatulala pa rin siya habang nakaupo sa kama ng pink niyang kwarto. Isa lang naman ang nasa isip niya, WALA SIYANG PARTNER!
"Mukhang malalim ang iniisip mo."
"AY KALABAW!"
"Malalim nga talaga," umiiling iling nitong sabi.
"Bakit kasi bigla ka na lang sumusulpot?" naiirita niyang tanong dito.
"Wala lang. Trip ko lang! Haha! Pero seryoso, kaya ako nandito, e hihingi kasi ako ng gummy bear."
'Ano bang meron sa gummy bear at gustong-gusto ng lalaking 'to' sabi niya sa isip niya habang pinapaikot niya ang mata niya.
Tinignan niya ng mabuti ang binata nang biglang pumasok sa utak niya ang dalawang wish na pinangako nito sa kanya.
"Gusto kitang maging partner sa debut ko," sabi niya na nagpakunot sa noo nito.
"Yan na ba ang isa mong wish?" paninigurado niya na tinanguan ni Cess. "I'll try pero ang problema, walang makakakita sa'kin," malungkot nitong sabi kaya turn naman ni Cess na magkunot-noo.
"Paanong hindi ka makikita, e nakikita naman kita?"
"Ayan ang hindi ko alam, Cess. Pero sa pagkakaalam ko, ikaw lang talaga ang nakakakita sa'kin. Hindi ko alam kung anong meron sa'yo? Ang isa kasing mortal na tulad mo ay hindi ako nakikita."
Napairap siya sa sinabi nito at hindi niya alam kung bakit bigla siyang nalungkot. Pero ang problema, wala siyang partner kaya paano na siya?
"Basta pumunta ka. Wish ko 'yan sa'yo kaya dapat tuparin mo, Ancis!"
***
"Nasaan na 'yung partner mo? Malapit na ang 18 roses pero wala pa 'yung last dance mo, Cess!" nagpapanic na sabi ng kanyang kapatid pero hindi na lang niya pinansin dahil busy siya sa paghahanap kay Francis.
"OHMYDEE! Pumunta ka na sa gitna, Princess! Magsisimula na!" tawag sa kanya ni Dom kaya wala na siyang nagawa kung hindi pumunta sa gitna para sa kanyang 18 roses.
She tried to smile habang sumasayaw siya kahit na iba ang iniisip niya. Pero patagal nang patagal, e nawawala na ang ngiti niya sa kanyang labi at napalitan ito ng pag-aalala.
"May problema ba?" tanong sa kanya ni Gato. Umiling lang siya rito at ngumiti. Second to the last dance na niya si Gatorade pero wala pa rin si Ancis.
Natapos ang kanta at natapos ang kanilang pagsasayaw na hindi man lang nagpakita si Francis. Nakaramdam tuloy siya ng disappointment dito. Akala niya kasi, e tutuparin nito ang hiling niya pero hindi pala.
Natapos ang party at hindi na siya umasang dadating ito. Alam nila Dom na malungkot ito kaya iko-comfort na sana nila si Princess kaya lang tumanggi siya at sinabing okay lang siya.
Nag-alisan na ang mga bisita niya at tanging siya na lang ang natitira. Nakaupo lang siya sa sahig habang pinagmamasdan ang buong paligid. Mukha na sanang fairytale kung may prince charming lang sana siya.
"Cess."
Biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang marinig niya ang pangalan niya at alam niya kung kaninong boses nanggaling iyon.
'Galit pala ako' sabi niya sa isip niya kaya sa halip na lumingon siya rito ay nagpanggap na lang siya na parang walang narinig.
"Sorry na. Baka kasi magmukha kang tanga kapag sumayaw tayo. Alam mo na, hindi naman nila ako nakikita kaya magmumukha ka talagang tanga habang sumasayaw na wala namang kasayaw," paliwanag nito kaya tuluyan na siyang napalingon dito.
"Nakakaasar ka, Ancis! Alam ko naman na magmumukha akong tanga pero mas nagmukha akong tanga kanina!" sigaw niya rito kasabay nang pagtulo ng kanyang luha.
Lumapit sa kanya si Ancis at pinunasan ang mga luhang tumutulo sa mga mata niya na lalong nagpabilis sa tibok ng puso niya.
"Hindi ka lang amazona, iyakin ka pa," nakangiting komento nito sa kanya kaya sinapok niya ito sa braso. Tumawa lang si Francis na lalong nagpa-inis sa kanya.
"Bwisit ka talagang unggoy ka!"
"Ang gwapo ko namang unggoy!" depensa nito.
"Hindi ka gwapo! Panget ka!" sigaw niya na nagpangiti rito.
"Tignan lang natin kung hindi ka pa magwapuhan sa'kin sa gagawin ko," dumistansya ito sa kanya sabay lahad nito ng kanyang kamay sa harap niya, "Shall we dance?"
Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso sa sinabi nito. Nagulat siya nang bigla siyang nakarinig ng musika sa paligid at bigla ring may lumitaw na spot light sa kanilang dalawa. Alam niya kung sino ang may gawa ng lahat ng 'yun at siyempre, si Francis 'yun.
Wala na siyang nagawa kun'di pumayag sa offer nito kaya heto sila ngayon, masayang sumasayaw pero ang buong atensyon niya ay nakafocus lang sa binata. Ngayon lang niya napansin na nakatuxido ito na lalong nagpalitaw sa kagwapuhan nito. Hindi niya akalain na may mas igagwapo pa pala ito.
"Narinig ko 'yun! Sabi ko sa'yo gwapo talaga ako, e," mayabang nitong sabi na inirapan lang niya.
Natapos na ang song pero hindi pa rin sila umaalis sa kinatatayuan nila. Nakatingin lang sila sa isa't isa nang bigla niyang marinig ang tibok ng puso nito.
"May puso ka?" nagtatakang tanong niya na nagpalaki sa mata ng binata.
"A-anong pinagsasabi mo diyan? Paano ako magkakaroon ng puso, e anghel ako?"
Biglang siyang nalungkot sa narinig niya at alam niya sa sarili niya na umasa siya na sana tao na lang ito.
"Gusto na yata kita, Francis."
Pagkasabi niya no'n ay biglang may sumulpot na red string sa dulo ng daliri niya hanggang sa humaba iyon at kumunekta sa golden string ni Francis. Pareho silang nagulat sa natunghayan nila hanggang sa masilaw sila sa sobrang liwanag na nangagaling sa kanilang string.
"Kahit amazona ka. Gusto rin kita, Cess. Ay mali, mahal na pala kita," nakangiting sabi sa kanya ni Francis na lalong nagpangiti sa kanya.
"Pwede mo bang tuparin 'yung last wish ko?"
"Oo naman!" sagot nito.
Ngumiti siya saka niya sinabi 'yung last wish niya.
"Huwag mo akong iiwan," sabi niya kahit alam niyang imposible iyon. Ngumiti sa kanya si Francis hanggang sa kainin na siya ng liwanag na dahilan para mapapikit siya.
Kasabay ng pagdilat ng mga mata niya ang pagtulo ng kanyang mga luha nang makita niyang wala na si Francis sa harapan niya. Sinubukan niyang hanapin si Francis sa paligid kaya lang, wala na ito. Tuluyan na yata siya nitong iniwan.
"Hinahanap mo ba ako?"
Bigla nanaman siyang nakaramdam ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso nang marinig niya ang boses nito. Dahan-dahan siyang lumingon dito at napangiti na lamang siya ng makita itong nakatayo sa harap niya habang nakangiti ito sa kanya.
Sabi nga nila, hindi mo agad malalaman kung sino ba ang taong nakatadhana sa'yo. Bigla na lang siyang darating nang hindi mo inaasahan.
-The End

[✓] Boyfriend Corp One Shot Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon