Sweet Dreams

1.3K 31 1
                                    

Sweet Dreams by NOTYERBIZ
Alexa - Gatorade = Romance - Teen Fiction

Nagising ako sa maingay at matalas na boses ni bebs mula sa labas ng kwarto ko.
"Alexa!" Paulit-ulit niya itong sinisigaw.
I rolled at the other side of my bed at nagtaklob ng unan para ma-lessen ang ingay na ginagawa ni bebs. Shiz. Ang aga pa pero nag-iingay na siya. Wala bang taympers at rest day ang bunganga ni bebs?
"Bebs! Ano ba? Gumising ka na! This is going to be a spectacular day!" Litanya ni Doms.
Tumahimik ang paligid after niyang sabihin 'yun. Good. Mabuti at tumahimik na siya dahil naiistorba na niya ako masyado sa pagtulog.
I was going to go back to my peaceful slumber nang biglang bumukas ang pinto kaya napabangon ako sa pagkakahiga.
Napanganga ako ng makita ko ang suot ni bebs. She's wearing a red cocktail dress matching itim na killer heels. Pulang-pula ang labi niya at nakakolorete ang mukha. Sa madaling salita, para siyang clown... joke, pupunta ng party.
"Hello? Earth to Alexa!" pakanta niyang sabi with hand gestures pa.
Humiga ako ulit sa kama ko at nagtaklob ng kumot.
"Ano ba, Alexa? Bumangon ka na nga diyan at pupunta na tayo sa graduation ball!" sabi ni Doms habang niyuyugyog ang walang pake kong sarili.
I inwardly groaned. Great! Graduation ball pala ngayon at hindi pa umaga, gabi pa pala ng graduation ball. Masyadong napahaba ang tulog ko kaya inakala kong umaga na.
I really thought makakatakas ako sa event na 'yun dahil tulog ako. Ugh, the perks of having a persistent best friend.
"Alexa..." She wined.
Dahil sa pagkayamot ay bumangon ako at inis na inis tinignan si bebs. Hindi naman ito alintana ni Doms dahil malawak ang ngiti niya. Alam na alam niya na naiinis na ako sobra sa pinaggagawa niya pero she acted like wala lang ito.
"Doms," bumuntong-hininga muna ako bago nagpatuloy. "How many times kailangan kong sabihin na ayaw kong pumunta doon?" mahina at klaro kong sabi habang nakapikit ang dalawa kong mata.
When I opened my eyes ay nakita ko ang pagkabigo sa mukha ni Doms. She really wants to go to that ball at hindi ko naman siya pinipilit na huwag pumunta dahil ayaw kong makipag-celebrate doon.
I really don't find the need to celebrate with our batch mates when in fact hindi ko naman ka-close silang lahat. I mean, I have few friends. Why not celebrate the upcoming graduation with them lang? Para saakin kasi ayokong mag celebrate with people I do not know.
"But Alexa..." she wined again sabay upo sa kama ko. Hinahagkan niya ang kamay ko. "Marcus and your baby Gatorade will be there. Huwag mong hayaan na magkaroon ang ibang babae ng chance makasayaw ang blue head mo." Pangumbinsi niya.
"It's okay na hindi ako pumunta doon kahit nandoon siya. May trust naman ako doon kay Gatorade." I yawned.
Totoo din naman kasi 'yun. Alam kong mahal niya ako at alam din niya kung ano ang kahahantungan niya kapag nagawa niyang magloko sa relasyon namin.
Ipapalapa ko talaga siya kay Domokun pag nagkataon.
"Pero bebs, dapat mo rin i-take note na huwag mag tiwala dun sa mga babaeng nakapalibot sa kaniya." She insisted.
Napakamot ako sa ulo. "Alam ko naman 'yun bebs. It's just that, alam ko naman na si Gatorade mismo ang iiwas sa mga mahaliparot na babae."
Hinawakan ni Doms ang magkabila kong balikat bago madramang bumuntong-hininga. "Ok, you win sa part na 'yan. Pero bebs, last ball na natin sa college 'to. Atleast naman makihalubilo ka for the last time." Then she smiled that please-naman-pumayag-ka-na-Alexa kind of smile.
I sighed. Persistent Doms is persistent but not enough to make me change my mind.
"I do not have clothes." I said nonchalantly.
"That's nothing! I bought you clothes na!" Sabi ni Doms habang ang lawak ng ngiti. She is smiling like she is really expecting me to say this just to bail out from our graduation ball.
But what can I say? She's my best friend at matagal na niya akong kilala. Alam na niya ang takbo ng utak ko. She surely knows din na I would do anything para hindi lang makapunta doon sa ball na 'yun.
"No shoes..." I challenged.
She flipped her hair. "All covered. Wala ka ng pwedeng i-alibi sakin ngayon bebs dahil full force ako. I have all the things that you will be needing for tonight para lang makalabas ka dito sa kwarto mo." Sabi niya with full conviction. Ini-stretch pa niya ang dalawa niyang kamay sideways just to emphasize the word everything.
I shrugged. "Ganun naman pala, e. So sa'yo na 'yan bebs, save it for upcoming occasions," Sabi ko habang nagtataklob ulit ng kumot.
Hindi agad nagsalita si bebs. Narinig ko nalang ang pagbuntong-hininga niya at ang pag-galaw ng kama ko, indikasyon na tumayo na siya.
"Wala na bang chance para mapapayag kita na pumunta doon sa ball?" tanong niya.
Umiling lang ako bilang sagot.
"Really? Kahit one percent chance lang na pumunta ka doon."
"Nope," I said while emphasizing the P sound. "Tinatamad ako bebs. Just let this go, okay?"
"Okay," I sneaked sa ilalim ng kumot. "You win. Pero kapag nag change ang decision mo, I will just leave the clothes and shoes sa room ko."
I nod. Hindi na talaga mababago ang pasya ko. "Enjoy the party, bebs!" Sabi ko in monotone voice. She rolled her eyes and waved back at me when she left.
The last thing I heard was the sound of the front door being shut by Doms. After that, I heard nothing else but my breath under the sheets. I took a long deep breath before I closed my eyes.
Napamulat na lang ako ng mata when I smelled something burning. Sunog! Oh my gosh! May sunog! Nasusunog ang bahay namin!
I automatically jolted up from my bed. Instead of being alarmed dahil sa naamoy kong nasusunog ay napamangha ako sa nakapaligid saakin. There are scented candles sa drawer ko at may isang bouquet ng white roses at calla lily sa paanan ko. When I looked up in the ceiling, there are pink and white balloons na naka suspend sa itaas.
Napangiti ako sa sarili ko. That blue head must be at it again.
Biglang bumukas ang pinto kaya awtomatikong napalingon ako sa taong iniluwa nito. Mas lumawak ang ngiti ko noong nakita ko ang lalakeng may asul na buhok na may dalang Domo Kun. He was smirking at me and I feel like smiling even more dahil sa pag ngiti niya.
Bakit ang gwapo nya? Naka-tuxedo siya--- porma kung porma si Gato. Halatang galing sa graduation ball namin.
He made his way to me at umupo siya sa kama, katabi ko. He handed over the Domo Kun and I gladly accepted it.
"Bakit ka nandito?" iyan ang mga unang katagang lumabas sa bibig ko.
He chuckled. "You're welcome, baby."
Tumawa ako. "Thank you nga pala. Pero seryoso, why are you here? Diba nandoon ka dapat sa graduation ball?" tanong ko.
Nagkibit-balikat lang siya at umupo sa kama ko, habang nakaharap saakin.
"Na-bored ako doon, e."
Nilaro ko ang Domo Kun. Mga ilang Segundo pa bago siya kinausap ulit.
"Madami kayang fan girls dun. They will keep you entertained."
"Paano ako maeentertain ng kung sino kung ang laman ng isip ko ay ang babaeng nandito sa bahay niya at natutulog?"
Palihim akong napangiti dahil sa sinabi ni Gatorade. Mabuti na lang at tumubo ang romantic bones ko sa time na dumating itong blue head sa buhay ko. Perfect timing ang lahat.
"Bolero," sabi ko sabay bato ng unan ko sa mukha niya.
Naka-ilag siya at tinawanan ako. "Uyy..." panunukso niya. Sinundot-sundot pa ang tagiliran ko. "Kinikilig na 'yan."
"Ewan ko sa'yo blue head," Tatawa-tawa kong sabi.
Bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa laptop ko. He turned it on pati na din ang speakers ng laptop ko. Ilang minuto lang ay lumapit siya saakin habang kumakanta sa background ang kanta ng 5SOS na She Looks So Perfect.
Inilahad niya ang kamay niya saakin which I gladly took. Natawa ako sa choice of song niya kasi pang rock and roll ang tempo ng kanta. Pero any song with my Lance is a dance I can't refuse. He placed his hand sa bewang ko at ang isa ay hinawakan ko while ang isa kong kamay ay nasa balikat niya.
We were just looking intently at each others habang naghe-head bang sa isipan namin. Pero syempre, charot lang yung sinabi ko.
"Bakit ito ang pinili mo?" I said while I hugged him more closely to me. I was leaning on his chest and he rested his head on my shoulder.
"Because you're perfect to me," he whispered.
I closed my eyes and I smiled. Ang sarap ma-inlove. At masarap ma-inlove dahil si Gatorade ay mahal din ako.
Napamulat ako when he started singing the lines, "If I showed up with a plane ticket and a shiny diamond ring with your name on it, would you wanna run away too? 'Cause all I really want is you."
Unti-unti niyang dinistansya ang sarili niya saakin and then I found myself staring again at his eyes.
"Will you, Alexa?" he softly asked.
Ngumiti ako sa kaniya. "Oo naman. Huwag lang muna ngayon kasi 'di ka pa papayagan ng mama mo kasi gabi na." Pagbibiro ko.
He laughed and pulled me in to a tight hug. Syempre I hugged him tighter to. Magsakalan na sa kakayakap.
Okay, korni 'yun.
"Sige, pero pag umaga na, alis na tayo."
Bigla akong napadistansya sa kaniya. Kunot-noo ko siyang tinignan at sinabing, "Seryoso ka ba?"
He chuckled and he hugged me again. Napapansin ko na panay ang yakap nitong isang 'to, ha.
"Seryoso ako sa'yo syempre. Ano ba namang tanong 'yan, Alexa."
I groaned. "You know what I mean."
He held me closer and did not speak. And when he did, he said, "I would but I will do it kapag alam kong stable na tayong dalawa. Ayoko naman na hatakin ka magpakasal tapos 'di kita mabubuhay sa sarili kong pera."
Hindi ako nakapagsalita dahil kinikilig na ako. Sobra.
We stayed swaying to the beat of the music hanggang nagbago na ang kanta. Amnesia.
"Sana hindi ako matulad diyan sa kantang 'yan," biglang sabi ni Gatorade. "I know what we have is real and I hope you will not find another man to hold you like how I am holding you right now."
I sensed the fear in his voice when he said that. I felt a little bit scared din sa sinabi niya. It's not likely na I will leave him for another man and act like we do not have any past connections and all. Na para bang na amnesia ka. It would not likely to happen dahil alam naman naming dalawa na what we have is far from the storyline of the song. Pero hindi naman natin alam kung sa hinaharap ba ay kami pa ring dalawa. That is the only thing left unsure. Life is full of uncertainties.
Is it too soon to say na parang nakikita ko na ang sarili ko sa future with Gatorade in it? I wanted him to be part of my present and tomorrow's. For how many months we've been together ay nakilala ko si Gato kung sino talaga siya. Hindi naman taon ang binibilang para lubusan mong makilala ang isang tao, e. Lalo na kapag pinakita niya sa iyo kung sino talaga siya sa mga panahong magkasama kayo. Truth be told, I could not see myself with anyone but Gatorade.
Isiniksik ko pa lalo ang mukha ko sa kaniya that made him chuckled.
"Ano ba, Alexa? Ako na lang ba ang magsasalita dito?"
Hindi ko siya sinagot agad. Huminga ako ng malalim at tinignan siya sa mata. "Hindi naman ako makeso katulad mo..." sabi ko. "Pero alam mo naman na mahal na mahal kita diba? Ikaw lang nga ang nakapagpatubo ng romantic bones ko na inakala ko na wala ako nun."
Tumawa siya pero hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako. "I do not know His plans for us sa future. Kung tayo ba talaga o hindi. Pero as for now, I want to assure you na wala akong ibang minahal at minamahal maliban sa'yo."
Itinuro ko ang dibdib niya at nginitian siya sabay sabing, "Isaksak mo jan na pangalan mo lang ang naka-ukit dito," turo ko sa dibdib ko.
He smirked at me. "Hindi pala ma keso ha?" panunukso niya.
We stayed swaying like that hanggang sa naramdaman ko nalang na inaantok ako at nagising na lang ako na umaga na pala. Nagising ako dahil narinig ko ang music galing sa speakers ng laptop ko.
I looked at the left side of my bed and saw the sleeping form of Lance Alexander Zamora. Ang gwapo niya kahit nakanganga pa. How it feels so good to see the one you love first thing in the morning?
My smile grew even wider when I heard the lyrics of the song playing. "If today I woke up with you right beside me like all of this was just some twisted dream, I'd hold you closer than I ever did before. And you'd never slip way."
Yes, I will never let you slip away... my Gatorade, my Lance, my baby.

[✓] Boyfriend Corp One Shot Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon