Accidentally Heard It by Katkat_PUSA
(Alexa-Gatorade=Romance-Teen Fiction)
"Alexa!"
Napalingon ako kay Gatorade ng tawagin nya ako.
Ang pogi nya talaga, lalo pang nagpapogi sa kanya yung asul nyang buhok.
Napatulala ako sa kanya at kulang na lang tumulo ang laway ko sa pagkakatulala ko sa kanya.
Isa sya sa mga hearthrob dito sa school pero hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng magagandang babae dito sa school ako pa na anti-social ang napili nya at niligawan.
Pero minsan hindi ko maiwasan na pagdudahan yung pangliligaw na ginawa nya sakin.
Pero madalas kinakalimutan ko na lang dahil natupad na yung isa sa mga pangarap ko ang maging boyfriend ang crush ko.
Crush ko sya pero syempre ako lang nakaka-alam nun.
Sino ba masasabihan ko nun? Eh wala nga akong kaibigan kasi nga anti-social ako.
Hindi ko rin alam kung bakit wala rin ang nakikipag-kaibigan sakin at lahat sila parang ayaw sakin, wala naman akong nakakahawang sakit.
"Huy! Babes laway mo. Sumisilip na oh malapit nang tumulo, tulala ka nanaman sa ka-pogian ko."
Yabang talaga nito pero sabagay pogi naman talaga sya.
"H-ha?! H-hindi kaya, baka ano.. ano guni-guni mo lang yun."
Nauutal kong sagot. Paano ba naman nakakahiya kaya yun, muntik nang tumulo yung laway ko. >////<
"Hahaha Kyot mo talaga babes pag nahihiya ka. Joke lang yun pero babes naka nga-nga ka sakin."
At talagang sinabi pa nya yun. Tumungo na lang ako sa kahihiyan."Hi! Anong name mo?"
Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa tabi ko, nandito kasi ako sa school garden naka-upo sa isa sa mga bench.
Hindi ko kasama si Gatorade kasi ayaw sakin ng mga kaibigan nya. Masyado daw kasi akong tahimik at ayaw nila sa anti-social boring daw kasama.
Ayoko rin naman maipit si Gato pag binully ako ng mga kaibigan nya kaya ako na lang ang lumalayo.
"A-alexa po. Bakit?"
"Hi! Alexa pwede bang makipag kaibigan sayo? Lagi ko kasing napapansin na wala kang kasama at wala rin pumapansin sayo. Ako nga pala si Dominique, Dom na lang for short." Totoo ba to? May nakikipag kaibigan sakin?
Tumango naman ako sa alok nyang pakikipagkaibigan. Sino ba naman ako para hindi makipag kaibigan sa kanya sya na nga nag approach sakin at nakipag kaibigan.
Ngumiti naman sya. "Ay by the way may papakilala ako sa'yo. Gusto ka rin nilang maging kaibigan."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Nilang? Marami sila? Hindi ko akalain na may gusto makipag kaibigan sakin.
May sinenyasan sya kaya napatingin ako kung saan sya sumenyas. Nakita ko yung mga kaibigan nya na papalapit samin.
Nang makalapit na yung mga kaibigan nya ay tumayo sya at humarap sakin.
"Guys Alexa." Sabi nya sabay turo sakin. "Alexa si Marcus, boyfriend ko." Sabi nya sabay pulupot sa braso ni Marcus.
"Hi Alexa." Bati naman ni Marcus sakin kaya nag-Hi din ako sa kanya.
"Eto naman si Lawrence, si Lovely, si Russ, si Alex, si Justine, si Princess at si Francis."
"Hi Alexa!" They said in chorus, kaya nag-Hi din ako sa kanila.Simula ng naging kaibigan ko sila lagi ko na sila nakakasama. Ayos lang naman daw kay Gatorade yun. Sabi pa nya ayos daw yun at hindi na ako mababansagan ng anti-social. Paminsan nga nandoon sila sa bahay kaya kilala na sila nila mommy at daddy.
2nd monthsarry namin ngayon ni Gatorade pero hindi ko alam kung naalala ba nya o hindi.
"Ms. Anti-social-- opss may friends ka na nga pala. Hahahaha akalian mo yun may nakikipag-kaibigan pa sa isang katulad mo." Bigla sabi ni Nikki na kakarating lang at ako kaagad ang nilapitan.
Tumungo lang ako, ano naman laban ko dyan. Isa sya sa mga kaibigan ni Gatorade na ayaw sakin-- halos lahat naman sila ayaw sakin.
"Alexababes!"
Biglang sigaw naman ni Gatorade na kakarating lang. Napa-tigil sya ng makita si Nikki na nasa harapan ko.
"Nikki, tigilan mo nga si Alexa."
"Wag mo ngang ipagtanggol tong anti-social na to Gato."
"Pwede ba Nikki ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na tigilan nyo na sya? Bakit ba ayaw nyong makinig sakin?!" Sigaw nya kay Nikki sabay pabalang na hinagis yung bag nya sa upuan nya at lumabas ng classroom.
"Nakita mo yung ginawa mo anti-social? Nagalit sakin si Gatorade ng dahil sayo!"
Nagulat ako nang biglang dumapo yung kamay nya leeg ko at huli na ng ma-realize ko kung ano yung ginawa nya.
Hinablot nya yung kwintas na regalo sakin ni Gatorade nung 1st monthsarry namin.
"Ano matapang ka na?" Napatigil ako sa sinabi nya. Balak ko na dapat syang suntukin dahil sa ginawa nya. Pero napatigil ako sa sinabi nya at realization comes into my mind, na mas malakas at mas bihasa sya sa pakikipag-away dahil isa syang bitch.
After lunch break na nang dumating si Gato sa room. Hindi sya pumasok sa first 3 subject namin.
Nakatingin lang ako sa kanya, nang makita nyang nakatingin ako sa kanya ay ngumiti sya sakin.
Napangiti na lang din ako dahil alam kong hindi na sya galit kasi ngumiti na sya sakin.