Like A Blue Sky

2.5K 52 2
                                    

Like A Blue Sky by LeeHi

***
Pagkaring ng bell, agad akong lumabas ng room at sinalubong ako ng mga matang nasa akin at ang ilan ay nasa isang lalaking nakapamulsa at ngayo'y nakatingin sakin. Lumapit siya sa'kin at pinalibot ang kamay sa aking beywang at sabay na kaming naglakad paalis. Habang nasa motor niya kami pauwi sa bahay hindi ko maiwasang maamoy ang kanyang pabango napahigpit ang kapit ko sa kanyang beywang ng bilisan niya ang takbo.

"Gatorade!" nagchuckle lang siya at hininto na ang motor nandito yo sla kami sa bahay.

"Mamimiss kita sobra." Niyakap niya ako at marahang hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

Hinigpitan ko ang yakap ko. Aalis kasi ako papuntang Korea sa kadahilanang kailangan kong bisitahin sina Mommy at Daddy na ilang taon naring naroon. Gusto rin nilang pumunta ako doon at makapagbakasyon at ayoko namang humindi dahil minsan lang sila humingi ng pabor.

"I will miss you too Gatorade." Tumingin ako sa kanhya at ganuun din siya napalunok siya habang titig na titig sakin lalo na sa aking labi. Napakurap ako ng ilang beses hanggang sa lumapit siya at unti-unti naglapat ang mga labi yo sl. Hindi na ako nagulat ng makita siyang nasa labas muli ng room naming na nakapamulsa ang dami na naman tuloy na nakatingin sa kanya lalo na sa sobrang kapansin-pansin na kulay ng kanyang buhok kulay bughaw. Blue Head. Lumapit siya sa'kin at hinalikan ako sa noo. Doon ako medyo nagulat hinatak ko agad siya paalis habang naririnig siyang tumatawa.

"Ngiti-ngiti mo d'yan?" sinuklay niya ang buhok niya gamit ang daliri niya at nilapait pa ang mukha sa'kin. Halos maduling ako sa lapit niya kaya umatras ako pero pinigilan niya sa pamamagitan ng marahang pagtulak palapit sa kanya gamit ang kanyang kamay na nasa likuran ko.

"Seeing you blushing makes my heart beat fast baby" hinalikan niya ang labi ko ng mabilis at dinala ang kamay ko sa kanyang kaliwang dibdib doon ko naramdaman ang mabilis ngang pagtibok nito. "Saan kasi tayo?" nagshrug lang siya at nagpatuloy sa paglalakad

"Here." Nakita ko ang isang bike na kulay brown ang kulay may basket sa harapan at may isang medyo malaking domo-kun. Lumapit agad ako at kinuha 'to. Ang cute talaga meron pang dalawang t-shirt na magkaparehas ng design kung saan 'yung ngipin ni domo-kun kulay pink ang isa at blue ang isa. Hinarap ko siya at agad niyakap.

"Thank you Gatorade. I love you baby"

"I love you too baby" Dahil ginabi na ako sa biyahe pinagpahinga muna ako nina Mommy. Narito na kasi ako sa Korea matapos ng sopresa sa'kin ni Gatorade hindi na muna kami nagkita hanggang sa araw ng flight ko hindi niya ako hinatid baka daw kasi pigilan niya lang ako na ayaw niyang gawin. Pagkauwi ko galing Korea. Si Bebs at Marcus lang ang sumalubong sa'kin hindi nalang ako nagtanong tungkol sa isang taong ang tagal ng hindi nagpaparamdam. Nung una hinayaan ko muna na hindi niya sinasagot ang tawag ko. Ang sabi niya pa tatawagan niya ako pero wala akong narecieve kahit message man lang.

Nagising nalang ako sa tawag sa'kin ni Bebs mula sa labas ng kwarto. "Gab! Nandito si Lance!" bumaling ang tingin ko sa bintana kung saan madalas siyang pumasok sarado ito at nilock kong mabuti. Dumiretso ako sa banyo at naligo. Pagkalabas ko agad kong napansin ang kulay na ngayon ng kanyang buhok kulay brownish na 'to at wala ng kahit anong bakas na naging blue 'yun. "Sorry Gab hindi ako nakatawag sa'yo kahit text" panimula niya

"Wala 'yun, busy ka siguro? Tama busy ka nga" kinagat niya ang labi niya

Nakatingin lang ako sa bughaw na kalangitin ang sarap sa pakiramdam ng ganito maaliwalas ang hangin pero nawala lahat ng 'yun sa sunod niyang sinabi. "Gab I think we need to stop this relationship" napatingin ako sa kanya nakatingin nadin siya sa bughaw na kalangitan halos matulad na sa buhok niya ang kulay ng kalangitan kung blue parin ang buhok niya pero hindi na eh. Mapait akong ngumiti. Hindi ko akalain na sa ilalim ng sarap ng simoy ng hangin at napakagandang bughaw na kalangitan matatapos ang halos dalawang taon naming pinagsamahang relasyon. Matapos niyang sabihin ang mga katagang 'yun tumayo siya at naglakad paalis. Ilang yo sl ang lumipas na kinaya ko ng tumayo mula sa pagkakaupo ko sa damuhan.

[✓] Boyfriend Corp One Shot Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon