Rather Be by MomaeReyes057
"When I am with you, there's no place I'd rather be.."
--
"Argh. C'mon! Ayoko sabi eh."
"Dali na, oh, please?"
"Wag ka nga! Para kang aso."
"Mahal mo naman."
"Ew, Cis." I said and rolled my eyes heavenward. He chuckled. Tss! Kahit kailan talaga 'to.
"So," He paused. Inalis ko naman ang tingin ko sa bintana at nilipat naman sa kanya. "Aren't you excited?" He said and flashed a smile - a charming that'll make you fall in love.
"Nope." I said and popping the letter 'P'. He pouted naman. He's not cute! He's oh-so-handsome. Ewan ko ba kung bakit ko siya nagustuhan. Samantalang, mas gusto ko si Gatorade kaysa sa kanya. May something talaga sa isang 'to. Baka naman ginayuma niya ako?
"Daya mo naman. Ako excited, ikaw hindi." He said and pouted again for the nth time. I rolled my eyes. Napaka-childish niya. Sobra. I turned on the car's radio.
"We're a thousand miles of comfort,
We have traveled land and sea"
Binuksan ko naman yung bintana. This is perfect! The music, the air. I'm loving this. Pinikit ko naman ang mata ko at dinama ang kanta.
"But as long as you're with me,
There's no place I'd rather be
I would wait forever,
Exalted in the scene
As long as I am with you,
My heart continues to beat"
Sumabay naman ako sa pagkanta. Oh, how I love this song!
"With every step we take,
Kyoto to The Bay
Strolling so casually,
We're different and the same,
Get you another name
Switch up the batteries"
"Hey!" I was about to sing the chorus when Francis turned off the radio. "Bakit mo pinatay?" Tss!
Amazona Mode: ON
"Feel na feel mo kasi yung kanta." He chuckled. Argh! Sarap sapakin naman nito.
"Babaw," I muttered.
"Tsaka wala ka sa tono kumanta, 'no!" Wah! Sinapak ko na siya sa braso niya pero tawa pa rin siya ng tawa. Tss! May saltik 'to sa ulo eh. Napairap naman ako sa asta nito.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" Pagtataray ko. For Pete's sake, ilang oras na siya nagd-drive pero parang wala pa rin kami sa destinasyon.
"Ewan ko din eh." He said and I looked at him in disbelief. Oh, come on!
"Is this actually a date ha? Hindi alam kung saan pupunta?!" Hinampas ko naman siya. Nakakainis! Hindi ko alam kung paano ko ba 'to natagalan. Hindi ko alam kung anong gayuma ang pinainom niya sa'kin para lang main-love ako sa kanya. Argh!
"Hahaha. Stop!" Tawa pa rin siya ng tawa. Argh! Inirapan ko na lang siya at tinigil na ang panghahampas. Tss! Nakakapagod din manghampas no. "Your face.. Hahaha! Priceless talaga." Sige lang, itawa mo lang yan. Makakatikim ka din sa'kin. I rolled my eyes again for the nth time. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa driveway.
Nanlaki naman ang mata ko ng may nakita akong dumadaan. "FRANCIS!" Sigaw ko tsaka niliko ang manibela.
Shiz!