Heir of the Solstice

1.8K 43 2
                                    

Heir of the Solstice by KremaKKK

For how many days, palagi nalang akong nananaginip ng masama. I don't know why. Nagigising nalang ako tuwing madaling araw, basang basa ng pawis at sobrang hingal. Para akong sinisilaban sa loob ng katawan ko. Hindi ko masabi kung papaano pero tuwing nananaginip ako, iisang tao lang ang palagi kong nakikita.

Isang lalake.

Nakahood siya at palaging nakatingin saakin mula sa malayo. Paulit-ulit lang ang nangyayari sa panaginip ko. Palaging may kakaiba akong nararamdaman kapag nasa kalagitnaan na ako ng panaginip. Parang may masamang mangyayari. Hanggang ngayon, kinikilabutan ako sa mga nangyayari saakin.

I was interrupted from my reverie ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko, "Justine! Gumising kana. May pasok kapa, bawal ang malate!" Sigaw ng Tita ko mula sa labas. Napabangon ako at kaagad inayos ang hinigaan, I am hoping for the best today.

Naligo ako at nagbihis. Habang pinapatuyo ko ang buhok ko, biglang nanlabo ang mga mata ko. Napabitaw ako sa tuwalyang hawak ko at kinusot ang mga mata ko. Lumalabo talaga.

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang mapaharap ako sa salamin. Hindi pwede 'to! Pinagdiinan ko talagang dilatin ang mata ko para mapatunayang namamalik mata lang ako. Pero hindi.

Ang lalakeng nasa panaginip ko ay kaharap ko ngayon.

Papaano nangyari 'to?

Napapikit ulit ako dahil mas lalong lumabo ang mga mata ko. Kinusot ko 'to hanggang sa unti-unting nawawala ang kanina hindi ko makitang repleksyon. Pero nung mapatingin ako sa salamin, wala na siya.

Wala na ang lalake sa panaginip ko.

Ang kaninang nagdadalawang isip akong pumasok sa school, ngayon ay nakatambay ako sa library. Wala akong magawa kaya pumasok ako ng pilit. Nababahala talaga ako sa mga nangyayari saakin. Bakit? Tanong ko sa sarili ko.

Alam kong dapat akong magtaka. Hindi naman kasi masasagot ni Tita ang mga tanong ko dahil ampon lang ako. You read it right. Ampon lang ako dahil iniwan lang daw ako sa tapat ng bahay ng mga kinilala kong magulang at wala ni isang sulat ang naiwan. Walang nakakaalam kung sino talaga ang nagiwan saakin. Wala ringnakakita ni isa.

Namatay ang mga kinilala kong magulang nung nasa 12 na gulang palang ako. Ngayong nasa 16 na ako, sa kapatid ng Mama ko ako nakatira. Mabait naman siya at mapag-alaga saakin. Masaya na akong kasama ko siya. May kapatid ako, si Princess. Totoo siyang anak nina mama. Mabait at mapagmahal.

"Anong ginagawa mo dito?" napatingin ako kay Alexa na kakadating lang. "Eto, cutting ulit. Bored." Sabi ko at napahalumbaba ulit. Mahina niya akong tinapik, "Alam mo bang may kakaibang nagyari saakin ngayong araw?"

Napaangat kaagad ako, "Ano?" Umayos siya ng upo at hinarap ako,

"Tatlong araw ko nang nararamdaman 'to, pero kanina habang nag le-lecture si Mr. Anson bigla nalang uminit ang palad ko." Pinakita niya saakin ang palad niyang namumula, "Nung hinawakan ko na ang papel ko, bigla nalang itong nasunog. Kaya ayun, nagkagulo kami sa room kanina."

"Ibig sabihin, galing sa kamay mo ang apoy?"

"Hindi ko rin alam. Bastang uminit nalang ang palad ko at nung hinawakan ko na ang papel, nasunog nalang bigla."

Hindi ko alam pero kinilabutan ako sa sinabi niya. Paano nangyari sakanya yun? At bakit may ganito rin akong pakiramdam?

"Ikaw? Anong nangyari sayo at namumutla ka? May sakit kaba?" hinawakan niya ang noo ko, tinabig ko ito at hinarap siya. She's my bestfriend after all kaya anong silbi ko kung maglilihim ako sakanya? "May kakaiba ring nangyari saakin. Hindi lang kanina, kundi nung nakaraang araw pa."

[✓] Boyfriend Corp One Shot Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon