15 Days With You

4.1K 92 15
                                    

15 days with you by Formina

THE BEGINNING

Alexa Gabrielle Delos Reyes or Gab.Isang simpleng studyanteng nag-aaral sa pampublikong paaralan sa batangas. Isang simpleng taong nangangarap para guminhawa at matamasa ang magandang buhay para sa pamilya. Pangarap na lahat ay gagawin matupad lang.

Hindi naghahangad ng anumang bagay kundi ang lumigaya ang pamilyang kanyang minamahal.

Sa buhay hindi kailangan man sya nagreklamo sa lahat ng kahirapang nararanasan dahil para sa kanya lahat ay kayang tiisin para sa pamilya.

Isang taon nalang at matatapos na nya ang kanyang pag-aaral sa hayskul at magkakaroon ulit ng panibagong kaalaaman sa edukasyon pagtutong ng kolehiyo. At pagkatapos ay sisikaping makahanap ng trabaho para sa magandang kinabukasan nya at ng kanyang pamilya.

Kung tutuusin sa murang edad hindi dapat iniisip nya ang ganitong kalaking responsibilidad ngunit para sa kanya darating din ang araw na kailangan nyang magpursige sa buhay.

Sa panahon ng kanyang paglaki hindi sumagi sa isip ang salitang LOVE o makipagrelasyon. Dahil para sa kanya hadlang lang ito at masyado pa syang bata para maranas ang romantikong damdamin.

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana para sa kanya. Darating ang taong kanyang mamahalin at ipapadama sa kanya ang tamis ng umiibig at magmahal.

Mapaninindigan pa kaya nga ang kanyang hangarin kung ang may taong handang ibigay sa kanya ang pag-ibig na para sa kanya ay balikat at walang magandang idudulot sa kanya.

Na ang pagkakaroon ng isang relasyon sa murang edad ay magbibigay sa kanya ng maling hakbang tungo sa pangarap nya para sa kanyang pamilya.

***

"Lahat nalang kailangan na nating paghandaan dahil sa susunod na taon magiging ganap na makakaalis na tayo sa pagiging Highschool life at hello college life na!".

"Kung tutuusin naman okay lang yun at least ready na tayo kung gayon. Hindi maiistock ang utak natin sa walang kabuluyang bagay."

"Sabagay tama ka. Sya nga pala may proyekto tayong gagawin nawa'y makasama ka dahil ayaw ng lider natin ang excepted e. Dapat daw kompleto."

"Ganun ba hindi ba malayo ang lugar ng paggawa natin sa proyektong yun?"

"Hindi naman masyado wag kang mag-alala pagkauwi akong bahala sa pamasahe."

"Naku wag na masyado na kong maraming utang sayo"

"Hindi naman akong nanghihingi ng kapalit para dun. Para saan pa't matalik tayong kaibigan at kababata. Ikaw talaga oh"

Sa taong lubos na nagbibigay tiwala at pagmamahal masasabi nyang wala na syang hinihiling para dito. Isang matalik na kaibigan at mapagmahal, isa sa mga lubos na pinasasalamatan nyang bigay ng maykapal sa kanya.

Marahil sobra na ang kanyang hiya para sa kaibigan at gustong masuklian ito pero para sa kaibigan wala syang hinahangad na kapalit at kailanman walang balak humingi ng kapalit sa kabutihang binibigay para sa kanya.

***

Ikaapat na taon sa hayskul. Huling taon at pagkatapos ay tatahakin ang kolehiyo na syang nagbigay sa kanya ng kaba. Marahil na rin alam nyang mahihirap ang kanyang magulang dahil hindi katulad sa hayskul mas mataas na matrikula at gastusin ang pagiging isang kolehiyala.

Ngunit hindi sya nawawalan ng pag-asa. Napaghandaan na rin naman nya ang ganitong sitwasyon. Pagkatapos ng graduation ay agad syang maghahanap ng part time job upang makapag-ipon at makahanap ng iskwelahan sa kolehiyo na may mababang matrikula o kukuha ng scholarship.

[✓] Boyfriend Corp One Shot Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon