The whole ballroom was filled with gold and white designs. Halos mapuno rin iyon ng mga tao. The classical music playing was enough to calm one’s nerves.
Everyone was in their beautiful gowns and suit. Kanya kanya rin sila ng mga ginagawa. Some were on the buffet table, some were on their tables and others chose to mingle with other people.
Oo nga naman, parties like this can be a good business venture. Lalo pa at lahat ng mga imbitado ay may pangalan sa industriya. This would be the perfect time to find for a new investor, you know.
“You fine?”
I glanced at my date tonight. He looked good in his gray armani suit. Nakatayo ang buhok niya at halatang halata ang wax na ginamit niya roon. Kapansin pansin din ang mapupula niyang labi na bagay na bagay ang hugis sa mala- diamond niyang mukha. That's his asset by the way. A lot of girls are flocking towards him because of that.
I just gave him a small smile. Nakaangkla ang kamay ko sa kanyang braso. Gusto niyang batiin si papa kaya sasamahan ko siya.
Iginala ko ang aking paningin para hanapin ang aking ama. For sure, napapaligiran na naman iyon ng mga ka-sosyo niya.
Nang makita ko siya malapit sa gazebo ay sinundot ko si Tyrone.
“He’s there,” I said and gently pulled him towards my father.
Tama nga ako, may kausap na naman siyang mga ka-sosyo. He was with Naga, my brother, and his bestfriend Tito Frederico Legaspi.
“Pa,” tawag ko na agad nagpalingon sa kanila.
“Nia! Come here, hija,” sabi niya. Lumapit kami ni Tyrone. Binati ko ang mga kasama niya.
He turned to his friends and gestured to me.
“This is my first born, kumpadre. She will be the one to take care of the Fermin Hotels soon. And this is her boyfriend, Tyrone Ji,” pakilala niya sa amin ni Tyrone. Ngumiti lang ako sa mga kausap niya. Tyrone shook their hands in respect.
“Nako, malapit na itong mag-graduate di ba? Does that mean you’ll have your early retirement, kumpadre?” The bald man asked. My father laughed.
“Hindi pa naman, kumpadre. I still need to guide these two. Pero siguro magiging focus ako sa Hotels kasi ilang taon ko na rin naman itong sinasanay si Naga.” Papa tapped my brother’s shoulder.
“Joaquin, our children are old enough already. There’s no harm in retiring early,” Tito Fred butt in. Nagtanguan naman ang mga kasama nila. Papa laughed and slightly shook his head.
“Well, nasa plano naman talaga. Gusto ko lang makasigurado na ready na talaga silang dalawa sa oras na ipapahawak ko na sa kanila ang buong negosyo. Kung nag-training ba naman ang mga ito nang mas maaga gaya nina Gideon at Drago, malamang nag-retire na ako!” They all laughed again.
Napatungo ako. I wasn’t comfortable with the atmosphere anymore so I nudged Tyrone. Agad naman siyang tumalima at humarap kay papa.
“Uhh tito, I’m sorry, but I really need to go already. May practice pa bukas,e.” Napakamot siya sa kanyang batok. Tumango tango naman si papa at tinapik din siya sa balikat.
“No problem, hijo. No problem. Thank you for coming, by the way,” papa said. Ngumiti si Tyrone at tumango.
“Walang anuman po. Happy birthday again, tito.” Tinanguan lang siya ni papa.
“Samahan ko na po siya sa labas, pa,” sabi ko naman. Tumango si papa. Nagpaalam na rin kami sa iba niya pang mga kasama roon.
Pagkatapos, hinatid ko na si Tyrone palabas ng hotel.
BINABASA MO ANG
Fermin Series #1: Breaking Hearts (COMPLETE)
RomanceAirenia is struggling to find her spot. All her life, she lived in the expectations of others. She feels like she's not good enough. Kahit saang bahagi ng buhay niya ay feeling niya kinokontrol siya pati na sa kanyang relasyon. Gustong gusto niya na...