Hindi ko alam kung ilang oras akong naglakad pero nang makaabot ako sa main road ay sumakay na rin naman ako ng taxi pabalik ng Fermin. Ewan ko kung nakabuntot pa rin sa akin noon si Gideon. Bahala siya.
Dumiretso ako sa klase pagkatapos. I turned off my phone and removed my sim. Mabuti na lang at dumiretso na rin ako sa klase pagkatapos. That way, di ko na masyadong naisip iyong nangyari kanina.
"Toff, saan kayo nina Airen ngayon?" tanong ko kay Toffer pagkatapos ng management class namin.
"O? Himala. Sasama ka sa amin ngayon," natatawang sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"O, chill. Kanina ko pa nararamdaman iyang pagka-badtrip mo,e." Tumawa na naman siya.
Umirap ako.
"Tara na lang pwede? Saan ba kasi?" inip na tanong ko. Nagkibit balikat siya.
"O, tanungin mo sila. Text mo si Airen. Siya naman palaging nagsi-set ng plano," sagot niya habang inaayos ang gamit niya.
I crossed my arms. "Ikaw na mag-text. I removed my sim."
Agad siyang lumingon sa akin at kinunutan ako ng noo.
"Huh? Bakit?" takang tanong niya. Umirap lang ulit ako.
"Text mo na lang," sabi ko na lang at naunang lumabas. I just heard him chuckle.
We ended up having coffee at our coffee shop just across Fermin University.
"Oh! Himala! Hi Nia!" Airen greeted. I just shook my head and kissed her on the cheek.
Tumabi ako kay Helios.
"Bakit di ka namin ma-contact? We're about to call you before Toffer texted. Kasi naman itong si Wayven, out of reach as usual at si Mina naman ay wala, hindi tugma ang sched." Rose took a sip on her iced tea.
Bumuntong-hininga ako at sumandal sa likod ng upuan ko. I shrugged.
"I removed my sim, so just contact me on telegram or messenger."
"O? Bakit naman?" kunot-noong tanong ni Ced.
"Well nag-away kami ni Tyrone." I heaved a sigh. I could feel all their eyes on me.
"Woah. Bago iyan, a. You never fight before." Si Toffer. Inirapan ko ulit siya.
Narinig kong tumawa rin sina Helios at Ced.
"True, Nia. What happened?" Airen asked.
Bumuga ako ng hininga at kumuha ng fries sa gitna.
"We just had a misunderstanding about something. Nainis lang ako. Ang dami ko na kasing pinoproblema tapos dumadagdag pa siya."
Natahimik sila. I heard Rose sighed.
"Hey, about that, Nia. You can always tell us right?"
Binalingan ko sila. Sa huli ay bumuntong-hininga ako.
"Well, I'm having trouble with my grades. I don't know. It just feels so heavy. I have the grades, the council, the work. You know how pressure it is to be working under papa. To add to that, mas pressure ngayon kasi kasama ko si Gideon, his protege." I laughed bitterly.
"Nia, you don't have to take it all in. Relax ka rin sometimes." I felt Rose's hands om mine. She gave me a reassuring smile.
"Thay's true. Kaya nga sabay ka sa amin para you get tp relax naman." Si Airen. Tumango-tango rin iyong tatlong lalaki. Bumuntong-hininga ako at nginitian sila.
BINABASA MO ANG
Fermin Series #1: Breaking Hearts (COMPLETE)
RomanceAirenia is struggling to find her spot. All her life, she lived in the expectations of others. She feels like she's not good enough. Kahit saang bahagi ng buhay niya ay feeling niya kinokontrol siya pati na sa kanyang relasyon. Gustong gusto niya na...