Chapter 38

1.3K 38 3
                                    

Nagkatinginan kami ni Naga habang kumakain ng breakfast. He signalled me to say something.

I turned to papa who's talking to mama. I heaved a sigh. In the end, I wasn't able to say it anyway.

Naunang tumayo si papa at mama. Maaga raw sila sa trabaho.

"Nia, magpahatid ka na lang kay Naga sa opisina. Maaga ang mama mo sa opisina," papa said. Tumango ako.

"Okay pa. No problem."

Hinatid ko na lang sila ni mama ng tingin. Sumunod na umalis ang mga kapatid ko. Naiwan kaming dalawa ni Naga.

"Halika na," sabi ko sa kanya at tumayo na.

"Ba't di mo pa sinabi?"inis na sabi niya pagkalabas namin. Umirap ako.

"I cannot say it. Siguro pag na-grant na? Para wala na siyang magawa." I shrugged. He hissed.

"Tss. Ikaw na matalino."

Umirap ako.

I arrived at the office after an hour. Rush hour na kasi kaya natagalan kami. Hindi pa rin naman ako late kaya okay lang.

"Morning po," some employees greeted. Binati ko rin sila at nginitian.

Nang marating ko ang floor ko ay agad na nangunot ang noo ko nang may nakahilerang mga empleyado sa hallway hanggang sa office ko.

Naguguluhang pinasadahan ko sila ng tingin. Nasa loob sina Cherrie, sa tabi ng desk ko. May mga chocolates din sa lamesa ko.

Kunot-noong tiningnan ko si Cherrie.

"Teka ano to?"

Ngumuso siya.

"Miss Nia! Mami-miss ka namin!" mangiyak- ngiyak niyang sabi na sinigundahan ng iba.

Napaawanv ang bibig ko at napatingin sa mga empleyado. Nasa loob na sila sa lahat. Pero mas nagulat ako nang namataan ko si Gideon sa may pintuan, may dalang malaking bouquet ng flowers.

Napalunok ako nang lumapit siya sa akin.

"Hey..." nag-aalangang sambit ko.

"Your resignation is approved," he said. Nanlaki ang mga mata ko.

"Oh my gosh, G..." He let out a smile. Hindi ko rin napigilan ang pagngiti.

"Thank you!" I hugged him tightly.

I heard the murmurs around us. Gideon sighed and hugged me too.

"Yeah. I'm sorry about yesterday.  I...I was really hoping that…"

Kumalas ako sa yakap at tiningnan siyang maigi.

"I'm sorry. I really need to do this first." Huminga siya nang malalim.

"I understand." Malungkot siyang ngumiti. Kinagat ko ang aking labi at bumuntong-hininga.

"Thank you." I cupped his face. Ipinaglapat ko ang mga noo namin.

"Ay ang sweet naman!"

Naghiwalay lang kami nang marinig iyon. Bahagya akong natawa at napayakap kag Gideon. Tumawa rin siya.

"Nahihiya ka na naman," sabi niya na mas nagpahiyawan sa mga kasama namin. Agad ko siyang sinamaan ng tingin.

Naghiyawan na naman sila.

Kumalas ako sa yakap at binalingan sila.

"Yiee sabi na may something, e!" tili ni Cherrie na parang nanalo sa lotto.

Fermin Series #1: Breaking Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon