Chapter 24

1.1K 41 5
                                    

"Come on, Nia. Don't be so paranoid. Your midterms are okay. For sure okay din magiging midterm grades mo." Gideon shrugged. Napairap ako. Mas lalo lang akong kinakabahan!

Labasan ng midterm grades ngayon at nandito kami sa student's lounge, naghihintay sa pag-load ng portal.

Sumandal ako sa likod ng couch at napabuga ng hininga.

"Just chill, Nia." He slightly laughed and leaned in. Umakbay siya sa akin at ibinaon na naman ang mukha niya sa aking balikat.

Umirap ulit ako at tinabig siya.

Sabi niya sana wala rawng magbago di ba? Actually meron, mas lumandi siya. Nasi-stress nga ako pag kasama namin si Toffer kasi di ba?! Kami lang iyong nakakaalam ng confession niya pero kung makalandi siya, harap harapan! Never ko rin naman in-expect na ganito siya ka magiging malandi after that talk. Ang buong akala ko back to normal lang talaga kami.

"Grabe, makatulak, a," reklamo niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang chansing mo kasi. Kala ko ba back to normal?"

"Back to normal nga. This is normal for me, A." Kumindat siya. Hinampas ko lang ulit siya sa inis. Humalakhak na naman ang loko.

"You know what? I have an idea," sabi niya pa.

"Ano?"

"To chill you, let's just hangout."

"Huh. Ayoko." I crossed my arms and looked at the portal again. Panay naman ang kulit niya sa akin.

"Come on."

"Ang kulit, G. Tumigil ka."

"Sige na, Nia."

"Ayoko nga, kulit. May hinihintay ako! Wag chansing okay?" Bahagya ko siyang tinulak. Bwisit talaga.

"Come on, I'm just expressing how I feel." I glared at him again. I looked around and then back to him. He just shrugged and grinned.

"Tumigi-"

Nabitin sa ere ang dapat na sasabihin ko nang bigla niya akong halikan sa labi. Nanlaki ang mga mata ko at agad na napatingin sa paligid.

What the freaking hell!

"Gideon!" gigil ngunit mahinang bulyaw ko sa kanya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Hinalakhakan lang ako ng loko!

Oh my gosh!

"I swear pag inulit mo iyon, iiwasan ulit kita!"banta ko pero ang loko tumawa lang ulit!

Ugh!

Sunod-sunod siyang umiling.

"Damn. I really freaking like you, Nia." Nakatitig siya sa akin habang unti-unting hinahaplos ang mukha ko.

I swallowed hard. I could feel my heart abnormally beating. Fuck. May kung ano rin sa tiyan ko na hindi ko maintindihan. Agad akong nag-iwas ng tingin.

I could feel my freaking face heating up!

I heard him chuckle again.

"I like it when you're blushing."

Agad akong lumingon sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

Bwisit!

~***~

Inis akong umuwi kinahapunan. My anxiety for my grades was high at mukhang mas tataas pa dahil hanggang ngayon hindi pa naglo-load ang portal. Idagdag pa ang kakulitan ni Gideon. Akala ko mas distracted pa ako noong hindi kami nagpapansinan, turns out mas nakaka-distract iyong ginagawa niya ngayon. It's frustrating! I don't even know why! Basta I'm feeling things! Hindi ko alam kung umeepekto lang iyong mga panlalandi niya o there's really more to it.

Fermin Series #1: Breaking Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon