Chapter 32

1K 34 3
                                    

It's graduation. 

Ito ang araw na pinakahihintay namin simula nang pumasok kami ng fourth year. Everyone seems so happy. Sino nga ba namang hindi? You're finally done with college. Magsisimula ka na ng sarili mong buhay. Tatapak ka na sa totoong buhay. 

"Nia, picture!" Nagpatianod ako kay Airen nang hilahin niya ako papunta sa bukana ng auditorium kung saan nakapwesto lahat ng mga kaibigan namin. 

Thr photographer signalled and we flashes a smile. Ilang shots pa ang kinuha nila kasama kaming dalawa ni Toffer. May ilang kaming dalawa lang ni Toffer tapos kasama sina Ced. I had pictures with our guy friends tapos sa mga babae at sa mga kapatid ko. 

Ang ingay ng campus. Sabay sabay kasi ang graduation each college. Kaya puno ang university ng mga nakatoga. 

Everyone looks so happy. Akala ko ganoon din ang mararamdaman ko sa araw na ito. Turns out wrong cause it felt fucking heavy and odd. Gusto ko na lang matapos itong araw na ito. 

The graduation commenced. We were awarded then he had his speech for he got the highest GWA in the whole Business Department. He seemed normal. May in-insert nga siyang kalokohan sa speech niya at wala akong ibang ginawa kundi ang yumuko lang sa duration ng kanyang speech. 

Finally, the program ended and we all went to the field for the picture taking and some sort of tradition- hagisan ng toga hat. 

"3, 2, 1! Congratulations!" Sabay sabay na lumipad ang mga toga hat sa ere. 

Tiningnan ko lang silang parang tangang nagtatawanan habang pinupulot iyong mga nahuhulog. Napailing ako at pumunta na kina mama. Papa was talking to some of his business partners. Maya-maya pa ay lumapit sina Tito Fred. 

Muntik pa akong matumba nang makita siyang kasunod ni Tita. 

"Congratulations, Gideon!" papa greeted and hugged him like his own son. He's that fond of him. Bilib na bilib siya sa mga anak ni Tito Fred. Kulang na lang sila ang ituring niyang mga anak. 

Sabi naman kasi ni mama gustong-gusto ni papa ng lalaki. Kaso iyong lalaki niyang anak nagloko, at ito kami mga babae. Hindi naman namin ginusto maging babae. 

"Congratulations din, Nia, hija." I just smiled at Tita Lucea bago nag-iwas ng tingin. 

They talked about business nonstop kaya lumayo na lang ako. Tumabi ako kay Wayven na naglalaro ng kung ano sa cellphone niya. 

Siniko ko siya. Tinaasan niya ako ng kilay. Nginuso ko si Drago. Hindi ko na alam kung anong ganap nila. I was too drowned with my own problem. 

Nagkibit-balikat siya at umiling. Tumango na lang ako.

Right after the graduation rites, nag-lunch lang kami tapos ay umuwi na rin. 

Nagkulong ako sa aking kwarto. I replied to some congratulatory messages from Tita Melina, Tita Elvira, Tita Krisanta, Lolo Jacob and… Naga. 

Bumuntong-hininga ako at nireply-an siya. 

Naga Andrius Fermin:
Congrats, ate.

Airenia Aelien Fermin:
Thanks.
Come back when you're ready. 
No pressure. Don't be. 
Don't be like me. 

In-ex ko ang chatbox niya at ni-log out ang aking facebook. Itinabi ko ang aking laptop at humiga sa kama. I hugged my favorite big pillow. 

Nakatanga lang ako roon nang may kumatok sa aking pinto. Kumunot ang noo ko at nilingon iyon. 

"Ate papasok kami." Dinig kong sabi ni Wayven tapos ay bumukas na ang pinto. 

Pumasok siya kasama lahat ng kapatid namin. Pati si Merian nandoon. Tumaas ang kilay ko at bumangon.

Fermin Series #1: Breaking Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon