Chapter 27

1.1K 37 4
                                    

It's the start of my real vacation. Honestly, other than proposal and my advance study, I'm also looking forward for rest.

Sana nga lang makapagpahinga ako di ba.

Nagising ako sa ingay na nasa labas ng aking kwarto. Kusot-kusot ko ang aking mata habang naglalakad palabas. What's with the noise?

"Naga?" tanong ko nang maabutan ang kapatid ko roong nagdadabog. 

Bahagya pa akong napaigtad nang bumagsak ang pinto ng study room ni papa.

"What the hell is your problem, Naga Andrius!" Papa's voice roared in the whole corridor. 

Kunot-noong tiningnan ko ang kapatid ko. Ano namang ginawa ng isang to?

"E putanginang, Drago iyan! Fuck! Siya nagpasimuno nito!" sigaw ng kapatid ko habang humahangos. Mas lalong kumunot ang noo ko. 

Anong problema nila ni Drago? Tsaka nasa coron pa iyong isang iyon, a. Kasama niya si Wayven at mat titingnan dawng property or something.

"That doesn't give you the rights to just storm their farm! Sa tingin mo palalampasin nila ang panunugod mo?! All the more na dapat kang magpakumbaba!" 

"Wait, what is happening here?" hindi ko mapigilang sumabat. 

Bumaling sa akin si papa at marahas na bumuga ng hininga. 

"The Legaspi's lawyer sent us the notice to vacate some of our lands. Iyong portion na ibinenta ni papa noon at hindi pa natubos. Itong kapatid mo, sinugod ang mga magsasaka nang matanggap ang notice." Tumalim ang tingin ni papa kay Naga. 

I pressed my lips and looked at my brother. Nakahawak lang siya sa hawakan ng hagdan habang umiigting ang pangang nakatitig sa kawalan. 

"This needs to be settle, Nia. Nasa Jagbuaya sina Lucea kasama ang abogado nila. Ikaw na muna ang pumunta roon at baka kung ano na namang kalokohan ang gawin nitong kapatid mo," matigas na sabi ni papa at sinamaan na naman ng tingin si Naga. 

"I'll call the hotel for the chopper. Babalik ka rin naman agad bukas," dagdag pa ni papa bago tumalikod at bumalik ng office niya. 

Nasapo ko ang aking noo. I glared at my brother before I walked out. Bwisit. 

Inis na pumasok ako ng kwarto at naghanda ng bag. Sana pala hindi na ako lumabas. I don't really know kung anong trip ni Naga the past few days. Isa lang alam ko, masakit siya sa ulo. Leche. 

Ang akala ko pa naman makakapagpahinga na ako finally. First day na first day ng bakasyon ko, napurnada agad.

Bwisit.

Mabilis akong nagbihis ng jeans at simpleng off-shoulder. Nag-sneakers na lang din ako. Padabog kong dinampot ang aking herschel tsaka lumabas ng kwarto. Nakahanda na rin ang sasakyan namin pagkababa ko.

"Sinabihan ko na si Lucea na ikaw ang pupunta. I just have to deal with your brother," sabi ni papa pagkakita sa akin. Napairap ako. As if may choice ako. 

"Nia, mag-ingat ka. Nasabihan ko na si manang sa mansyon." Si mama. Tipid akong ngumiti at tumango.

I kissed both of my parents' cheeks and went inside the car. 

"Manong daan muna tayong 7/11,"sabi ko dahil kailangan ko ng food distruction para kahit paano'y mawala ang inis ko sa magaling kong kapatid.

Perks of being the eldest. Tss. It's not even a perk. Napairap na lang ako. Pagkaparada sa 7/11 nagmamadali akong lumabas at nanguha ng kung ano ano. After that, dumiretso na kami sa helipad ng Fermin Hotels.

Fermin Series #1: Breaking Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon