Chapter 40

1.9K 52 8
                                    

"Thank you for your stay, maam." Nginitian ko ang receptionist bago tuluyang lumabas ng hotel. 

It's my last day here. Ngayong gabi ang pa-celebration ng F&L para sa mga bagong tayong branches. It's a little too late pero I guess para na rin masigurong stable na ang lahat. 

Nobody knows my arrival today. Well, Naga knows pero nasa Jagbuaya siya kaya sure akong wala siyang pagsasabihan. Siya ang nag asikaso ng ticket at van ko dahil di ako pwedeng magpasundo ng private jet o chopper namin. 

More or less three hours ang naging biyaje ko papuntang Mactan Airport. Pagdating ko roon ay nandoon na si Naga. He handed me my ticket.

"You sure hindi ka pupunta ngayong gabi?" I asked him. He just shrugged. 

"I got better things to do." Naningkit ang mga mata ko.

"Do not tell me you're fucking some minor again?!" bulyaw ko. Baka kung ano na namang pinagkakaabalahan nito. Humalakhak siya.

"Don't worry, ate. It's not a minor." He winked. Nanlaki ang mga mata ko at hinampas siya.

"Aba! Hoy Naga magtino ka! Wag kang mambubuntis! I swear!"

"Chill! I won't okay? I'm a good boy now." Napairap ako.

"Just make sure!" Pinanlakihan ko siya ng mata pero ang loko tumawa lang. 

"Sige na, tinatawag na flight mo. Go!" Tinulak niya pa ako. Umirap ulit ako. 

I arrived in NAIA at around 12 noon. Nag-book na lang ako ng grab papunta sa bahay. 

I texted Wayven at nasa school pa raw siya. Si Mina rin for sure. Iyong iba naming mga kapatid may mga klase pa yata. I don't know. 

Kinuha ko ang aking cellphone at nakita ang maraming text ni Gideon. Napangiti ako nang nangulit siya nang nangulit tungkol sa party later.

Kung alam mo lang, G. 

Napailing ako at ibinalik na iyon sa aking bag. 

Mga 1:30 na akong dumating ng bahay at as I expected, tahimik ang bahay. Sina manang at Beth ang sumalubong sa akin. 

"Airenia! Nako! Bakit hindi ka man lang nagsabing uuwi ka na?!" Natawa ako kay manang. Aligagang kinuha niya ang mga gamit ko. Nagmano ako.

"Sinadya ko po talaga. Si mama po?"

"Aba'y nandoon sa kwarto nila ng papa mo. Nandoon din ang stylist niyo. Umuwi ka ba dahil sa party?"

"Ah opo."

"Oh siya sige, ako na ang bahala sa mga gamit mo at puntahan mo muna ang mama mo." 

"Sige po."

Dumiretso ako sa kwarto nina mama at naabutan ko si Hugo, iyong designer ng Castel Apparel, na sinusukatan si mama.

"Ma!" tawag ko. Agad na lumingon sila. Halatang gulat pa si mama. 

"Nako, madam! Nandito na pala ang inyong panganay! Very beautiful nga naman, oo!" Si Hugo. Tumawa ako.

"Nia, bakit di ka nagpasabi?" Lumapit si mama. I kissed her on his cheek.

"It's fine, ma. Sinadya ko talagang wag magsabi, ma. I just wanna surprise someone." I smiled. Pinaningkitan ako ng mata ni mama. 

"Who?" takang tanong niya. I shrugged. 

"Basta, ma. Magkukwento ako promise." Mas naningkit ang mga mata ni mama. Tinawanan ko lang siya. 

"So, should I get my gown?" pag-iiba ko ng usapan. Agad namang na-excite si Hugo ay mabilis akong hinila at sinukatan. 

Mabuti na lang at maraming ready to wear na gown si mama. Wala namang kaso sa akin kahit anong suotin ko. Si Hugo lang talaga ang maarte. 

Fermin Series #1: Breaking Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon