Chapter 36

1.3K 44 4
                                    

Warning: Mature Scenes ahead.

Kinabukasan maagang nagising ang lahat. Medyo pagod pa ang lahat dahil ang tagal ng biyahe namin kahapon at madaling araw na kaming nakarating pero mukhang mas nangibabaw ang excitement nila kaya wala na silang paki sa pagod at eyebags.

We ate our breakfast together. Budol fight ng mga seafoods ang agahan namin kaya tuwang tuwa sila.

"Grabe! Mapaparami na naman ang kain ko! Paano na iyong two-piece?!" Rinig kong reklamo ni Cherrie. Nagtawanan ang mga kasama namin. Umiling na lang ako.

The resort offers a lot of activities. May indoor at may outdoor. It is inspired by the resorts in boracay so as much as possible, we tried to incorporate the activiies in bora here. Nice timing din kasi ang spot na ito ng Moalboal ay famous sa mga coral reefs nila. So we were able to incorporate snorkeling, and scuba diving.

May mga banana boat, jetski, speedboat at iba pa kung gusto mong suyurin ang dagat ng resort.

Ibang team ang nasa indoor activities. Kami naman ang outdoor. We were around 20 sa outdoor I guess. May mga turista rin kasi sa resort kaya hindi pwedeng akuhin namin lahat ng activities

After breakfast, nag-settle kami sa dalampasigan. Excited silang lahat na nagbihis. I just settled for a beach short and a crop top. High waist ang suot ko kaya hindi rin kita ang tiyan ko. Nag-tsinelas lang din ako.

The girls were showing off their newly bought swimwears while the boys were topless at nagpaparamihan ng abs. Natatawa na lang ako.

"Hala ang gwapo ni Sir Gideon!" tili ni Erich. Agad kaming napalingon sa tinitingnan niya.

It was Gideon Legaspi. Naka ternong hawaiian polo shirt at shorts. Hindi nakabutones ang polo niya kaya kitang kita ang well- built niyang katawan. He was wearing a shade too.

Napuno ng tilian ang dalampasigan. Nakita ko pang nagtalunan sa kilig sina Cherrie. Napairap na lang ako at napailing. I just crossed my arms and waited for them to calm down, but for some reason biglang huminto si Gideon sa harap ko.

As in sa harap ko na iilang dangkal na lang ang layo namin sa isa't isa. Bahagya akong napaatras at tinaasan siya ng kilay. I could feel the employees stares. Nagbulong-bulungan pa sila.

He was staring at me. Tinanggal niya ang kanyang shade at mas tinitigan ako.

Doon ako nailang. Agad akong nag-iwas ng tingin at huminga nang malalim. I cleared my throat and looked at the girls.

"Uhm I think we should start," I said. Doon lang siya kumibo at humarap na rin.

Para akong nabunutan ng tinik. The hell is he doing anyway? Tss.

Before trying out all the activities, we did the team building first. They set up a lot of group games sa buhanginan. Patintero, tug of war and many more.

Nang matapos na ang mga activities saka namin sinubukan ang mga activities. We rode the banana boat, then the speed boat. Iyong iba nag-snorkeling at iyong mga lalaki ayun nag-jetski.

"Miss Nia, nood po tayo!"

"Huh? Saan?"

"Doon po!"

Hindi na ako nakaangal pa nang hilahin ako ni Cherrie papunta sa may mga nakaparadang jetski.

Lumayo kasi ako sa kanila kasi pagod na rin ako. Speed boat at banana boat lang ang sinakyan ko kasi di naman ako marunong mag-drive ng jetski.

"Ano bang meron?" tanong ko habang hila-hila niya ako.

"Magkakarera raw po sila! Tapos may twist!" She giggled. Kumunot ang noo ko.

Fermin Series #1: Breaking Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon