Chapter 2

1.9K 71 14
                                    

Halos pareho lang din ang ginagawa ko sa mga sumunod na araw at halos pareho lang din ang nangyayari.

Gideon has been bugging me the past few days at hindi ko alam kung anong trip niya. I would always see him outside the student council room tapos kapag magkakasalubong ang tingin namin ngingisi siya na parang timang. 

Tulad na lang ngayon. 

“Ano na naman bang ginagawa mo rito? Busy ako. Kaya kung pwede lang naman, umalis ka na. Wala akong time makipag-asaran o buwisitan sa iyo,” I warned him. I heard him chuckle as he comfortably sat on the visiting chair.

Tiningnan ko ang labas ng office ko. Mabuti na lang at wala na ang ibang council members dahil kung hindi ma-iissue na naman kami.

Buti nga at iyong kapatid ni Gideon ang palaging ginagawan ng issue. Kung nagkataon na itong taong ito ang palaging sinusundan, I am damn sure na nasali na ako dahil sa araw araw niyang pambubwisit at sunod sa akin. That’s the least thing that I want in my whole life.

Huminga ako nang malalim.

“I’m just gonna follow up the approval?” taas kilay niyang tanong habang naka-dekwatro ng upo.

“Wala pa nga. Hindi pa kami nagmi-meeting. Marami rin akong pending na for approval. I cannot prioritize yours.” Kumunot ang noo niya.

“Can’t you prioritize it? We badly need it immediately.” My forehead creased. Biglang sumeryoso ang mukha niya. Anong hindi maintindihan ng lalaking ito?

“I told you, hindi nga pwede. May mga-” 

“Please?” 

Agad na nanlaki ang aking mga mata nang dumukwang siya at inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. As in ilang inches na lang! Fuck!

“W-What are you doing?” 

Mahigpit akong napakapit sa arm rest ng swivel chair na inuupuan ko. Ano bang trip niya!

Hinuli niya ang tingin ko at seryoso akong tinitigan sa mata.

“Ang ganda mo…”

Napalunok ako sa sinabi niya. Nagsitaasan yata ang mga buhok ko sa katawan!

“W-Will you stay away…” Bahagya ko siyang itinulak pero hindi niya pa rin nilubayan ang titig sa akin. 

Kinagat ko ang aking labi. What is he really up to?!

Itutulak ko na sana ulit siya nang bigla na lang siyang bumulanghit ng tawa. Pabagsak siyang napaupo sa visiting chair habang hawak ang tiyan sa katatawa. 

Agad na nag-init ang mukha ko. I swear, pulang pula ako panigurado. What the freak?!

“Ang epic ng mukha mo!” Tawa pa rin siya nang tawa. 

“I freaking hate you, Legaspi!” 

At tumawa na naman siya nang pagkalakas lakas. Buwisit!

~***~

Badtrip ako buong maghapon dahil sa ginawa ni Gideon. I cannot believe it! Naisahan na naman ako ng gago! May topak ba siya sa ulo?! Bakit ako ang pinagtitripan niya samantalang hindi nga kami nag-uusap noon!

“Nia,” Tyrone greeted me with a smile. Tipid din akong ngumiti sa kanya.

“I’ll just fix my things,” sabi ko. Tumango naman siya.

Minadali ko na ang pag-aayos ng mga gamit ko tsaka lumabas na.

“Ako na magdadala nito.” Kinuha ni Tyrone ang mga hawak kong libro.

Fermin Series #1: Breaking Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon