Kinabukasan, I went to school early again. I have a meeting in the council for the unified acquaintance of the freshmen. It's our final meeting before midterm kaya kailangan ko na ng final reports para sa lahat.
Our meeting was at eight. Dumating ako ng bandang 7:30. Wala pang masyadong mga tao. Iyong nandoon ang internal at external secretary lang namin, nagpi-prepare sa conference room.
I just put my bag in my office and then went to the conference room already.
"Good morning," bati ko sa kanila.
Kapwa sila napatingin sa akin. Tipid ko silang nginitian. Ngumiti rin naman sila pero agad sing nag-iwas ng tingin. Hindi rin nakatakas sa akin ang pagsisikuhan nila habang sini-setup ang projector.
Bahagyang kumunot ang noo ko pero ipinagsawalambahala ko na lang.
Pumunta ako sa harap at chineck iyong mga folders na naroon.
Panaka-naka akong tumitingin sa kanila pero agad din naman silang nag-iiwas sa tuwing nagkakasalubong ang mga tingin namin. Hindi ko na lang pinansin.
Bumuntong-hininga ako at muling tiningnan ang liquidations namin.
Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na nga ang iba naming kasama.
I would greet anyone who enters the conference room pero iniiwasan lang nila ako ng tingin.
Mas lalo akong nagtaka.
Seriously? Ano na namang meron sa mga ito? Kahapon pa iyang mga titigan na iyan. Bahagya na akong nainis nang halos lahat ng mga pumasok ay ganoon ang nagiging tingin sa akin.
What the heck is wrong?
"Ate Nia, pwede na po tayong mag-start."
Natigil lang ang tingin ko sa aking mga kasama nang tinawag ako ng internal secretary.
Tipid lang akong ngumiti at tumayo na.
I cleared my throat. Lahat sila ay bumaling sa akin. Sandali akong napatitig sa kanila. Ewan, I really feel odd with their stares. Parang may kung ano.
I heaved a sigh and composed myself.
"We're here together to talk about the liquidations for the upcoming freshmen unified acquaintance. I will present first our major sponsors for this and will give the floor to our finance officers later."
Sinenyasan ko ang secretary na i-on na ang presentation.
The meeting lasted for an hour. Nang ma-cater na lahat ng questions at maayos na rin ang mga dapat ayusin ay ni-dismiss ko na rin sila.
We were packing up nang mapansin ko na naman ang mga kakaiba nilang tingin. I chose to ignore it, pero ramdam na ramdam ko ang mga titig nila. Kapag naman tinitingnan ko, agad namang umiiwas ng tingin.
The heck is their fucking problem?
Umirap ako at kinuha ang phone ko. Napabuga na lang ako ng hininga nang makita ang chat ni Toffer. Pumasok ang isang subject namin kaya kailangan kong pumunta ng classroom.
Bumuga ako ng malalim ng hininga at inayos ang bag ko.
"Uhm Fritz,"I called our vice president.
"I'll go ahead. May klase ako." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad na umalis doon.
Kunot na kunot ang noo ko habang naglalakad papuntang business building. Everybody has that weird stares again. Parang inaabangan talaga nila ang pagdaan ko. They would stare at me weirdly and then they would face and whispered to each other.
BINABASA MO ANG
Fermin Series #1: Breaking Hearts (COMPLETE)
RomanceAirenia is struggling to find her spot. All her life, she lived in the expectations of others. She feels like she's not good enough. Kahit saang bahagi ng buhay niya ay feeling niya kinokontrol siya pati na sa kanyang relasyon. Gustong gusto niya na...